Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Chapter 23- Inspiration

10 5 0
                                        

Inspiration

Written by: c_sweetlady

Paano ko sisimulan ang salitang ito—inspirasyon?

Ang masasabi ko lang ay inspirasyon
dahil dumating ka sa buhay namin nang hindi namin inaasahan.

Dumating ka nang walang pag-aalinlangan,
upang kami'y gabayan at turuan.

Binigyan mo kami ng direksyon.
Tinuruan mo kaming maging matatag,
pinalakas mo kami noong akala namin ay hindi na namin kaya.

Prinsesa, itinuro mo sa amin ang tamang landas.
Ikaw ang naging gabay upang baguhin ang aming mga pangarap.

Ngayon, handa na kami para sa aming paglalakbay.
Itatayo namin ang mga pangarap—saan man kami mapunta.

Ikaw lang ang inspirasyon ko.
Ang inspirasyon ay nananatili sa aking puso.

Napatingin ako kay Anjo. Hindi ko akalaing ganito pala ang epekto ni Prinsesa Alyza sa kaniya.
Tinuruan kami ni Prinsesa Alyza kung paano maging matatag, at lumaban para sa ating mga pangarap.

"Ang dami mong alam!" sigaw ni Josh Wane sa kaniya.

"Pero salamat sa lahat, Prinsesa Alyza."
Nag-saludo pa si Josh Wane kay Prinsesa Alyza.
Binati rin namin siya bilang tanda ng paggalang.

"’Wag kang maingay. Wala pa ako dito!" sigaw din ni Anjo sa amin.

"Ang dami mong sinasabi. Hindi ka pa ba tapos?"
Napatingin si Josh Ivan kay Anjo.

"Tapos na. Magsisimula na ako."

Six Of HeartsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon