Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.
Anim na magkakaibigan. Isang pangarap. Isang mahiwagang paglalakbay.
Anim na magkakaibigan ang may iisang layunin-ang matupad ang kanilang mga pangarap na maging mahusay sa larangan ng sayaw at pagtatanghal.
Ngunit nagbago ang lahat nang hindi sila...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Paglisan
Written by: c_sweetlady
Kapag iniwan kita, hindi ibig sabihin na kakalimutan na kita.
Paglisan ko sa'yo, babaunin ko ang lahat ng itinuro mo sa amin.
Sa lahat ng sakripisyong ginawa mo, maaabot namin ang aming mga pangarap.
Sa pag-alis ko, ikaw pa rin ang laman ng puso't isipan ko.
Sana sa paglisan ko, ang tanging pagmamahal ko sa'yo ay 'wag mong kalimutan.
Ako si Anjo- ang lalakingnagpamanhid sa puso mo.
Dahil sa'yo, kahit umalis ako sa paraisong ito, hinding-hindi kita makakalimutan, PrinsesaAlyza.
Ang paglisan ko ay simula ng bagong yugto na tatahakin namin.
Mukhang seryoso si Anjo. Totoo ang sinabi niya.
"Crush mo ba talaga siya?"
"Hindi ba halata?" sagot ni Anjo habang nakatingin sa akin.
"Gago, malay ko ba sa trip mo?"
"Hindi ako nangti-trip. Totoo 'to. Sa ganda ni Princess Alyza, sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kaniya?"
Kung tutuusin, may punto si Anjo. Sa lahat ng babaeng nakilala ko rito, si Prinsesa Alyza talaga ang naging inspirasyon ko. Sa kaniyang kagandahan, para siyang isang diwata. Mga diwata ba talaga sila? Dahil naka-prinsesa ang anyo ni Alyza, at tinatawag din silang mga prinsesa.
"May sasabihin ka pa ba?"
"Oo, kaya 'wag mo na itanong 'yan."
Nakatalikod lang ako kay Anjo. Nagsimula na naman ang loko.