Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Chapter 11- Kathniel Chapter Close

12 6 0
                                        

Chapter 11

Marcus's POv

Marcus's Pov

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Marcus's Pov

KathNiel, Chapter Closed

-Others Group-

Isa ako sa milyun-milyong tagahanga ng KathNiel—

mula noon hanggang ngayon, solid fan nila ako.

Serye man o pelikula, lagi ko silang sinusubaybayan.

Pero nagulat ako. Hindi ako makapaniwala sa aking nabasa—

tila ba’y isang balita na pumukaw ng aking isipan.

Totoo ba ito?

Ngunit kalaunan, natauhan din ako.

Totoo nga pala, dahil ang laman ng aking Facebook newsfeed

ay puro balita tungkol sa breakup ng KathNiel.

Lalong kong nakumpirma nang marinig ko mismo sa balita

ang pagwawakas ng kanilang relasyon.

Maging mga kapwa artista at Filipino fans

ay nagpahayag ng pakikiramay sa kanilang paghihiwalay.

Kahit ako’y hindi pa rin makapaniwala—

na si Daniel, ang iniidolo ko noon,

ay dahil sa kaniyang “word of wisdom.”

Ang ideal man na minsan kong pinangarap,

ay tila naglaho sa isang iglap.

Isang chapter closed na nga lang ba ang lahat ng ito?

Eleven years in a relationship—

nagsimula sa kilig at saya,

ngunit natapos sa luha at hiwalayan.

Isang librong nagtatapos sa pamamaalam.

Hangad ko ang inyong kaligayahan—

na sana’y matagpuan n’yo ang tamang taong

magmahal sa inyo nang totoo.

Salamat sa pagmamahal na inyong ipinadama,

at sa kagalakang ibinahagi n’yo sa amin bilang mga tagahanga.

Sa lungkot, saya, tawanan, at luha—

libo-libong tagahanga ang umiiyak ngayon.

KathNiel. Breakup. Chapter closed.

Nobyembre 30, 2023.

Napahiling na lang ako—

na kahit mga sikat na celebrity, hindi ligtas sa tadhana.

At lalo ko itong naramdaman nang marinig ko ang balita.

Masyado akong nanghinayang sa relasyon nila,

pero gano’n talaga—pinagtagpo lang, pero hindi tinadhana.

Parang nadadala ako sa bawat mensahe nila,

tapos… kami na ngayon ang huling grupo.

Muling tinawag ang Six of Hearts.

Dahil walang nagsabi kung sino ang mauuna,

ako na ang kusang lumapit sa harapan.

Ang aking tula ay Lapis—

puno ng damdamin

at panalangin ng paghilom.







Six Of HeartsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon