Chapter 17Marcus's Pov
Crush
c_sweetladySa unang pagkakataon na nakita kita, tumibok ng ilang segundo ang puso ko
Sabi ko, Wow! Ang cute niya!
Simula noon, lagi na kitang binabantayan, kahit saan ka magpunta
Ang mga mata ko ay nakatingin lang sa'yo
Para kang anghel na nagpatibok ng manhid kong puso
Na noon tila hindi naniniwala sa forever?
Madalas kong sabihin, Hindi ito OA; crush lang 'yan!
Pero 'yon ang epekto, parang nagulat ka sa kawalan
Sa dami ng tao, nakikita ko
Ang tibok ng puso ay para lamang sa iyo
Salamat dahil nakilala kita, kahit hindi tayo magkakilala
Dahil sa simpleng paghanga ko sa'yo
Natuto akong magmahal at kiligin
Ang aking crush
Naghiyawan ang mga tao sa paligid ko, habang ang mga kaibigan ko naman ay nakaupong tumatawa. Ito na nga ba ang sinasabi ko ang pasabog ni Anjo? Nagpapacute pa ang loko.
Napatingin ako sa gilid kung saan may kasamang babae si Princess Alyza. Nakita kong nakasimangot pa rin ang mukha ni Prinsesa Alyza, habang ang iba naman ay excited na parang sinabihan sila ni Anjo.
"More, more, more!" sigaw nilang lahat. Kumakaway pa ang loko.
"Gusto niyo pa ba?" Sumang-ayon ang lahat.
"Sige, may baon pa ako dito." Sinundan ko ang tingin ko nang biglang lumapit si Prinsesa Alyza na walang sabi-sabi ng binigyan niya ng malakas na sipa si Anjo. Napanganga na lang ako sa ginawa ni Prinsesa Alyza. Dumating ang mga kaibigan ko para tulungan si Anjo. Nakatayo pa rin ang loko, at tinawanan pa niya si Prinsesa Alyza.
"Coach naman oh! Inaaway ako ni Princess Alyza. I'm just presenting the meaning of this picture. Nakatingin lang sa kaniya si Prinsipe Trainor Keneth, at nakatingin lang sa kaniya sina Princess Starry, Princess Alyanna, at Princess Sherlyn. Umalis si Prinsesa Alyza.
"Iba ka, Anjo," sigaw ni Josh Ivan.
"Idol kita, Anjo," sagot ni Josh Wane. Gusto kong awatin si Anjo sa harapan, pero natatakot ako na pagsalubong na ang mga kilay ni Prinsipe Trainor Keneth.
"May idadagdag ka pa ba?" Sabi ulit ni Trainor Kenneth.
"Oo! At ito ay mas malupit," sabi ni Anjo.
"Okay, let's start," walang ngiti na sabi ni Prinsipe Trainor Keneth. Sinimulan muli ni Anjo ang kaniyang pangalawang tula.
BINABASA MO ANG
Six Of Hearts
RomanceAnim na magkakaibigang may layunin na matupad ang kanilang mga pangarap na maging magaling sa larangan ng pagtatanghal sa sayaw. Ngunit nagbago ito nang hindi sila manalo sa isang patimpalak, tila ba't unti-unti silang pinanghihinaan ng loob. Isang...