Salamat
Written by: c_sweetlady
Salamat. Nakilala kita.
Salamat sa lahat ng iyong payo.
Kahit nahihirapan ka sa matigas naming puso,
nariyan ka pa rin upang gabayan kami.
Salamat sa lahat ng oras na ibinigay mo sa amin.
Salamat sa matiyagang paggabay sa amin.
Salamat dahil binigyan mo kami ng liwanag sa dilim.
Salamat sa pagpapakita sa amin ng daan patungo sa aming mga pangarap.
Salamat dahil hindi mo kami iniwan, kahit kailan kami ay sumusuko.
Salamat sa walang sawang pagsuporta sa amin.
Thank you for everything, Princess Alyza-
my one and only idol.
"Hanggang dito na lang ang aking spoken-word poetry.
Sana may natutunan ka sa akin. Sana maintindihan mo man lang ang sinabi ko."
Ngumiti lang si Prinsesa Alyza kay Anjo.
Nanibago ako sa kinikilos ni Prinsesa Alyza.
Lihim akong nakatingin sa kanya, sinusuri ang bawat galaw niya.
"Salamat?"
'Yon lang ang nasabi ni Prinsesa Alyza.
"Maraming salamat sa inyong lahat. Sana matupad ang mga pangarap niyo.
Sana may natutunan kayo."
Tinawagan niya muli si Diwata.
Napatingin na lang kami sa ginawa ni Prinsesa Alyza.
Biglang sumulpot si Diwata sa harapan namin.
BINABASA MO ANG
Six Of Hearts
RomansaAnim na magkakaibigan. Isang pangarap. Isang mahiwagang paglalakbay. Anim na magkakaibigan ang may iisang layunin-ang matupad ang kanilang mga pangarap na maging mahusay sa larangan ng sayaw at pagtatanghal. Ngunit nagbago ang lahat nang hindi sila...
