Chapter 8-Paraiso 2
Marcus's Pov
Natigilan kami nang makita namin si Pan-Pan sa harapan namin. Ang natatandaan ko lang ay lahat kami ay magpalipas ng gabi sa isang malaking puno dahil sa buhos ng ulan. Ako'y lumingon.
"Nasaan ba tayo?" sabi ko kay Pan-pan.
"I don't know. Ang alam ko lang may butterfly na sinusundan ko. Ang ganda kasi ng kulay ng butterfly, hanggang sa mapadpad ako dito."
"Pinag-alala mo kami, akala namin tumakas ka nang hindi sinasabi sa amin." Nagulat kaming lahat ng biglang sinipa ni Anjo si Pan-pan.
"Iyan ang kabayaran sa pagkasapak ni Marcus sa akin," sabi ni Anjo, at natigilan si Pan-pan. Ang kalokohan ni Anjo ay hindi nawala.
"Nasaan ba tayo?" sagot ni Josh Ivan.
"Dito kayo sa paraiso 2." Napalingon kaming lahat sa sinabi ni Princess Alyza. Teka, anong ginagawa niya dito? Paano niya nalaman na nandito kami?
"Nagtataka kayo kung bakit ako nandito sa harapan niyo. Huwag niyong subukang umalis dahil hindi kayo makakaalis, at kahit saan kayo nagpunta, malalaman ko."
"Anong plano mo sa amin? Bakit mo kami pinapahirapan?" Napanganga lang ako sa sinabi ni Josh Wane. Nakatitig lang sa amin si Alyza na parang seryoso ang mukha.
"Hanggang ngayon hindi mo pa rin maintindihan na parte ito ng kinabukasan niyo. Alam niyo! Ngayon ko lang masasabi na isa kayong malaking talunan. Bakit ko nasabi ito? Dahil wala kayong pagpapahalaga sa mga itinuro namin sa inyo. Binalewala niyo lahat ng itinuro namin. Akala ko gusto niyong matupad ang mga pangarap niyo."
"Sino, hindi ang gustong umangat?" Lumapit pa si Anjo kay Prinsesa Alyza. Nilalandi pa ang loko. In the end, Alyza made a move on Anjo, ayon naman ay tumba ang loko. Hindi siya makalakad sa kalokohan niya. Si Princess Alyza pa asarin niya.
"Hindi ako naparito para makipag landian sa inyo. Mas lalo ka na." Sabay lapit pa ni Prinsesa Alyza." Mas malapit pa si Prinsesa Alyza.
"Kung sa tingin mo madadala mo ako sa lugar mo gaya ng ginagawa mo sa maraming babae para habulin ka.' Wag na! Uulitin ko. Hindi kayo makakatakas hangga't hindi kayo natututo."
"It's unfair. Paano kami magsisimula. Kung hindi natin alam kung ano ang nangyari sa atin. Please explain para malaman man lang namin ang dahilan mo?"
"Isn't this enough Marcus. Akala ko magaling kang leader. Pati ikaw na leader parang hindi natututo."
"Wala nga kami kasiguraduhan makakaalis ba kami?"
"Kung hindi kayo natuto sa mga itinuro namin sa inyo. Malamang hindi kayo makakatakas.
"Naguguluhan kami."
"Walang magulo. Kayo lang ang nanggugulo. You deserve to experience disappointment. You lack knowledge in the first place." Napatingin na lang ako sa mga kaibigan ko. Hinayaan nila akong kausapin si Princess Alyza.
"Siguro ito na ang tamang panahon para intindihin niyo ang mundo ng isang magaling na mananayaw o isang grupo na kinabibilangan ng boy band na isa sa sikat na mapabilang kayo kung may future kayo sa pangarap niyo. Follow me."
Mapasunod kami kay Prinsesa Alyza hanggang sa dinala kami sa isang malaking palasyo. Namangha kami sa kagandahan nito.
"Umupo kayo." Lumapit sa amin ang isang babae. Maya-maya, hindi na namin nakita si Princess Alyza.
"May nararamdaman akong kakaiba?"
"Ito si Kambal sa kaniyang hinala."
"Totoo naman," sabi ni Josh Ivan.
"The only way is for us to follow. Mukhang naintindihan ko na si Princess Alyza. We can leave when we learn something, and it is our dream."
"Makakasiguro ka ba na susunod sila?" tanong ni Anjo kay Kuya Luiz.
"Anjo, mukhang susunod sila. Dinidisiplina nila tayo."
"Panoorin ito." Napalingon kami kay Prinsesa Alyza na hindi namin namalayang nasa harapan na namin. Napatingin ako sa kamay ni Princess Alyza. Isang malaking dahon. Nagulat ako ng bigla siyang lumapag sa harapan namin.
"Manood kayo at sabihin niyo sa akin ang lahat ng nakikita niyo. Iiwan ko na kayo." Nagkatinginan kami ng mga kaibigan ko. At saka, pinagmasdan namin ang malaking dahon. Ipinakita sa amin kung paano nakayanan ng mga mananayaw, mang-aawit, at rapper. Lahat sila dumaan sa isang audition na hindi namin naranasan. Napatingin ako sa mga kasama ko. Hindi biro ang kanilang hinarap. Nakarinig sila ng ilang malupit na bagay mula sa mga hukom, ngunit tiniis nila ang lahat. Ngayon naiintindihan ko na ang pinasok namin ay hindi madali. Kailangan namin ng lakas at katatagan hanggang sa napupunta ang aming grupo.
"Mahirap lalo na ang ginawa nila." Nagmura pa si Anjo.
"Samantala. Hindi namin nararanasan 'to. Kumpetisyon at practice lang ng konti. Ang ending laging talo.
"Sa wakas, may natutunan ka rin, Anjo," pang-aasar ni Josh Ivan sa kaniya.
"Stupid!" IYon lang ang sinabi ni Anjo sa kaniya.
"Teka, ibig sabihin mag-audition tayo." Napatingin silang lahat sa akin. Kumunot ang noo ni Josh Wane sa sinabi ko.
"Sa totoo lang, kinakabahan ako, Marcus. Tama ka, hindi kaya makakalaban tayo isa-isa. Kasi may nakita kaming ilang personalidad na unang sumali sa audition, tapos may grupo sila."
"Parang hindi ako sang-ayon sa sinabi mo Pan-pan. May grupo na tayo. Malabong maghiwalay tayo," seryosong sabi ni Anjo.
"Sana magkamali kami ni Marcus. Pero may point ka. Hindi tayo dadalhin dito kung hindi tayo magka-kagrupo." Ang napanood namin ay isang malaking pag-iisip para sa amin. Biglang nawala yung pinapanood namin.
"Una lang ito. Marami pa kayong makikita. Magiging inspirasyon niyo kapag nakita mo ito. Sa ngayon, ito na iwan na kayo. And have your fill."
"Teka, hindi na ba tayo babalik sa dati?" mahinang sabi ko kay Prinsesa Alyza.
"Tapos na ang una ninyo misyon doon. Nandito na kayo."
"Ano!" Magkasabay pa ang kambal.
"Ibig sabihin may iba." Tinawanan lang kami ni Prinsesa Alyza.
"Depende kung Magmamatigas kayo. Eat and rest. I know you wasted your time looking for Pan-Pan." Tsaka tinalikuran kami ni Prinsesa Alyza.
"Kain na tayo. Tsaka magpahinga na tayo." Sinunod lang namin ang sinabi ni Kuya Luiz. Kumain na kami at nagpahinga
BINABASA MO ANG
Six Of Hearts
RomanceAnim na magkakaibigang may layunin na matupad ang kanilang mga pangarap na maging magaling sa larangan ng pagtatanghal sa sayaw. Ngunit nagbago ito nang hindi sila manalo sa isang patimpalak, tila ba't unti-unti silang pinanghihinaan ng loob. Isang...