Glamir Series 1: BRANDON
6 Months later...
Kinikilig parin talaga ako kapag iniisip ko kung paano nag-propose sa'kin si Brandon. Hinding-hindi ko makakalimutan ang linyang sinabi niya.
Syempre alam niyo na ang sinagot ko, 'Yes'. Hindi na kasi maalis sa'kin na si Brandon na talaga ang makakasama ko, ang mag-aalaga sa'kin at sa anak ko, sigurado na rin ako kay Brandon na siya na talaga. Siya na ang habang buhay ko.
"Hi Tim, kamusta ka na?" Tanong ko ng maka-pasok.
Nasa bahay niya ako dahil nag-silang na ito ng sangol ilang buwan lang ang nakakaraan.
Kasama niya ngayon si Victor, kung titignan ko sila ay para talaga silang mag-asawa na, sobrang sweet ni Victor sa kaniya at sa anak niya kaya hindi na ako mag-tataka kung main-love si Tim kay Victor.
"Ito, laging kulang sa tulog dahil kailangan magpa-dede." sagot nito na ikinatawa namin.
Bumilog na ang tiyan ko ng tuluyan at malapit na rin akong manganak, pumunta lang ako sa bahay nila Tim para kamustahin ito. Hindi na rin ako nag-pasama kay Brandon dahil sinundo naman ako ni Victor at ihahatid niya rin ako.
"Don't worry malapit ko na rin maranasan 'yan, at pag nangyari 'yun, ako naman ako kamustahin mo."
Sabay kaming tumawa sa sinabi ko.
Maingat akong umupo sa sofa at pinanood kung paano maingat na ihele ni Tim ang kaniyang anak, mahimbing itong natutulog at sobrang nakaka-taba ng puso na makita ito.
Mabuti nalang talaga at hindi nag-mana ang itsura ng bata sa kaniya ama, wala namang problema pero 'yung ugali kasi...
"Kumain kana ba Primo?" Tanong ni Victor na tinanguan ko naman.
Tahimik ko lang silang pinapanood, napa-ngiti ako ng maingat na kunin ni Victor ang bata at siya naman ang pumalit kay Tim sa paghele rito. Ang saya nila panoorin, sobrang saya ng pamilya nila.
Ayaw pa kasi aminin sa'min na may gusto sila sa isa't-isa, halata naman at kita namin. Palihim din namin silang pinag-uusapan kapag wala sila.
Pinag-uusapan namin sila about sa mga kilos nila, sa tinginan, halata naman kasi namin at hindi lang kami, pati ang mga taong naka-paligid sa kanila halata, pero kapag tinatanong ko si Tim isang lang ang sinasagot niya.
'Masaya na ako Primo'
"Ang cute naman niya..." Tumayo ako at lumapit kay Victor para tignan ang bata. "Manang-mana sa nag-buntis sa kaniya, mabuti nalang at hindi nag-mana sa bumuntis." Birong dagdag ko kaya napailing si Victor.
"Gusto mong buhatin?"
Nagulat ako sa sinabi ni Tim, wala akong experience sa pag-buhat ng bata, lalo na sa pag-hele rito.
"Sigurado ka ba? hindi kasi ako marunong." Nag-aalalang sabi ko.
Ngumiti ito.
"Lalabas na 'yang bata sa tiyan mo, subukan mo dahil hindi pwedeng si Brandon ang magpa-dede." Tinawanan ko ito sa sinabi.
Maingat na inabot sa'kin ni Victor ang bata, Kinakabahan pa akong kunin ito dahil baka magising siya at umiyak, wala talaga akong idea kung paano ito hawakan, tinuro lang sa'kin ni Tim.
Nanlaki ang mga mata ko ng gumalaw ang baby, parang panandalian akong tumigil sa paghinga dahil ayokong magising ito.
Oh my god! muntik na 'yun.
Napabuntong-hininga ako dahil hindi nagising ang bata, pinagpatuloy ko ang pag-galaw ng katawan na parang sumasayaw para hindi magising ang baby.
Ilang minuto kong ginawa 'yun hanggang sa mangalay ako at muling binalik kay Victor, matapos mabigay ay hindi na nawala ang ngiti sa labi ko.
BINABASA MO ANG
Glamir Series: BRANDON (BoyxBoy)
General FictionI met a man who looked at me with respect, I met a man with manners and He love me for who and what am I-despite of being a gay, and that man is Brandon.