Chapter 22

658 54 6
                                    

Glamir Series 1: BRANDON

Hindi rin nag-tagal ang pamamalagi namin sa bahay ni Lolo dahil napag-desisyunan nila Papa na doon muna kaming tatlo sa bahay nila.

Hindi naman kami umangal dahil gusto ko rin naman silang makasama araw-araw, lalo pa't mas makaka-tulong 'yon sa pag-bubuntis ko.

Kasalukuyan kaming nag-iimpake ng mga gamit na dadalhin namin, hindi naman kasi pwedeng dalhin namin lahat lalo na 'yung mga hindi naman talaga namin kailangan.

"Primo, dumalaw ka sa'kin lagi ha, mami-miss kita sa pag-lipat mo." Malungkot na wika ni Ate Amy.

"Ate, hindi naman malayo 'yon. Tsaka isang sakay lang 'yon mula sa bayan kaya pwede niyo rin akong dalawin." Ani ko bago yumakap.

"Beshy, kapag dadalaw ka dalhan mo lagi ako ng masasarap na pagkain ha, 'yung masasarap." Pag-ulit ni Wendy.

Nandito sila ni Ate Amy nang malaman na lilipat na ako sa bahay nila Papa, kahit papaano ay nakapag-paalam na rin ako sa mga taong tumulong sa'kin at sumuporta.

"At ikaw naman," Humarap ito kay Tim na katulong ko sa pag-tutupi ng damit. "kahit saglit palang tayong magka-kilala alam kong mabait ka, basta akin ang isa sa kambal ha." Natawa nalang kami sa sinabi nito.

"Wala naman akong gusto sa kambal, kahit sayo pa silang dalawa." ani Tim.

"Nasaan pala si Brandon? bakit wala rito?" Tanong ni Ate Amy sa gitna ng pag-ligpit namin.

"Pumunta po sa bahay nila, nag-paalam sa Papa niya." Sagot ko.

Maaga kasi kaming gumising para ayusin ang mga gamit na dadalhin, si Brandon ay umuwi muna sa kanila para kuhanin ang ilan niyang gamit nag-sabi rin ito na mag-papaalam sa Papa niya.

Alam ko may parte sa Papa niya na mami-miss si Brandon, pero sinabi ko rin sa sariling hindi ko sasayangin ang tiwalang ibinigay niya saakin, mamahalin ko si Brandon kung paano niya mahalin ito. Tsaka dadalaw rin naman kami kapag may oras.

Natapos na namin lahat ng bagahe nang dumating si Brandon, may bitbit itong isang malaking bag sa balikat niya.

"Naka-ayos naba ang lahat? nakita ko ang kambal sila raw ang susundo saatin." Ani Brandon.

Mabilis naman ang naging pag-kilos ni Wendy ng marinig ang sinabi ni Brandon, tumitili itong lumabas ng pintuan.

"Ingay talaga!"

Tinulungan kami ni Brandon sa pag-bitbit ng gamit kahit na meron siyang bag na bitbit, pag-labas namin ay nakita namin ang kambal. Si Wendy ay halos idikit ang sarili kay Vistro, habang si Victor naman ay naka-ngiti lang at naka-tingin sa'min.

"Bye Primo, Tim." Yumakap sa'min si Ate Amy. "Mag-ingat kayo palagi." Dagdag niya habang yakap kaming dalawa.

Ayokong maging emosyonal kaya ngumiti ako kay Ate Amy at niyakap ito pabalik. Nang maka-bitaw ay muling kinuha ni Brandon ang ilang gamit para ipasok sa likod ng Van, pero this time ay katulong na ang kambal.

"Pwede ba akong sumama sa pag-hatid? gusto ko lang maka-sama si Vistro." Malanding sabi ni Wendy.

"Sino naman mag-hahatid sa'yo pauwi?" Tanong ni Vistro kaya napa-simangot ang Babae.

Inalalayan kaming sumakay ni Brandon at sa huling sandali bago umalis ay nag-paalam ulit ako.

"Kumain na ba kayo? gusto niyo mag-drive thru muna?" Alok ni Victor na siyang nag-mamaneho.

"Hindi na salamat, okay na 'yung ginawa niyong pag-sundo sa'min." Si Tim ang sumagot.

Sumang-ayon nalang kami dahil kumain na rin naman kami bago umalis ng bahay.

Glamir Series: BRANDON (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon