Glamir Series 1: BRANDON
Magaan ang loob ko ng bumalik sa maliit na bahay. Tila kinuha lahat ng Babae ang bigat at sakit na nararamdaman ko kaya't bahagya itong humupa sa ngayon at wala akong ibang masabi kun'di salamat.
Thank you dahil kahit hindi niya ako kilala ay binigyan niya ako ng oras para sa nararamdaman ko, thank you dahil kahit masakit sa'kin ang katotohanang sinabi niya ay minulat niya ako.
Those words comfort me, binigyan ako nito ng bagong pag-asa pero sa ngayon ay buo ang desisyong kong palipasin muna ang araw. Handa akong harapin ang problema pero hindi ngayon, handa akong tanggapin ang paliwanag ni Brandon pero hindi ngayon.
'Wag ngayong mahina ako at kulang sa karanasan, 'wag ngayon na pagod ako at walang kasama. 'Wag ngayong sariwa pa ang sakit sa puso ko.
Lumubog na ang araw ng maka-uwi ako, agad akong dumiretso sa maliit na kwarto at gaya kanina, dinama kong muli ang lambot nito at hinayaang dalhin ako nito sa pagkakatulog.
Ang isang araw na pahinga ay nasundan pa ng ilang araw dahil sa mga nalaman ko galing kay Hansel.
That girl! She's pregnant at kini-claim nitong si Brandon ang ama, kahit wala naman itong sapat na mag-papatunay na si Brandon nga ang ama ng dinadala niya bukod sa merong nangyari sa kanila and Brandon didn't deny it.
Sinabi sa'kin ni Hansel na pumunta ang babae sa bahay ni Brandon after ko umalis, dahil sa galit ay pinagtabuyan ni Brandon ang babae at patuloy akong pinaghahanap.
Hindi ko maiwasang natakot lalo pa't alam kong galit sa'kin si Brandon sa pag-iwan ko sa kaniya, at si Papa...
Ang walang kaalam-alam na si Papa ay nadawit na, nag-bayad raw ito ng isang batalyon para lang hanapin ako kaya mas lalo akong nakonsensya sa ginagawa.
"May gagawing test si Victor para kahit nasa tiyan palang ang bata ay malaman na agad kung talaga bang kay Brandon ang batang 'yun." Dagdag niya kaya tumango ako.
Masinsin akong nakikinig sa mga kwento ni Hansel.
Nang magising ako nung unang araw ay dinaanan ako ni Hansel, may dala itong nga groceries at ilang stack para sa'kin, i really appreciate his effort, sasabihin ko sana sa kaniya na babalik din agad ako sa glamir pero dahil sa mga kwento niya that time ay napilitan akong mag-extend pa ng mga araw para makapag-isip.
At ngayon na may bago nanaman siyang information about that damn girl at hindi ko maiwasan ang magalit.
"Kailan daw lalabas ang result?" Kinakabahang tanong ko.
Alam kong lahat kami ay umaasa na hindi kay Brandon ang batang iyon, pero hindi rin mawala sa isip ko na paano kung kay Brandon ang bata?
"Next week maybe? pupuntahan nalang kita kapag alam ko na ang result." Ngumiti ako dahil sa sinabi niya.
"By the way, 'yung Papa mo..." Huminto ito sa sasabihin, halata mo ang takot dito. "Kinakabahan ako Primo, paano kung malaman niyang nandito ka?" Alam ko ang tinutukoy niya.
"Hindi ka madadamay dito Hansel, alam kong ikaw ang nag-kusang tulungan ako pero gawain 'yun ng kaibigan di'ba?" Muli ko siyang binigyan ng ngiti.
Ayokong masayang ang effort ni Hansel sa pag-tagago sa'kin, kung dumating man ang araw na mahanap ako ni Papa ay ako mismong ang mag-papaliwanag sa nangyari.
BINABASA MO ANG
Glamir Series: BRANDON (BoyxBoy)
Художественная прозаI met a man who looked at me with respect, I met a man with manners and He love me for who and what am I-despite of being a gay, and that man is Brandon.