Chapter 17

668 64 0
                                    

Glamir Series 1: BRANDON

Masaya ang bawat araw na naging mag-kasama kami ni Tim. Relate kami sa isa't-isa, natutunan na rin niyang ngumiti at mas kilalanin ako.

Mas pinili niyang hindi masyadong ikwento ang pinagdaanan kaya naiintindihan ko naman 'yon, alam kong masakit na alalahanin pa niya 'yon para lang i-kwento sa'kin.

Ako nalang ang nag-kwento pero may sinasabi rin naman ito sa'kin about sa kaniya kaya mas nakikilala ko rin siya.

Gabi na at hindi parin namin magawang matulog, masyadong kaming nag-eenjoy sa pag-kwento. Gusto ko pa sana siya kulitin at kwentuhan pero naisip ko ang kalagayan niya.

Buntis ito, maraming pasa sa bawat parte ng katawan, at hindi pa nakapag-pahinga ng maayos simula nung dumating siya.

"Bukas na natin ituloy, mag-pahinga ka na." Wika ko rito. Malungot itong tumango.

Siya ang pinahiga ko sa kama, maliit lang kasi 'yon at hindi kami mag-kakasiya, kaya ko naman matulog sa sofa na lagi kong ginagawa kapag galing ako sa trabaho, minsan kasi tinatamad na ako after ko mag-trabaho kaya sa sofa nalang ako natutulog.

"Salamat talaga Primo, good night." rinig kong sabi nito ng maka-labas ako sa kwarto.

May ngiti akong umupo sa sofa.

Kahit ilang beses ng sinaktan si Tim ay nagawa pa nitong pag-tiisan ang asawa, bitbit ang anim na buwang anak ay nagawa niyang tumakas sa asawa, nagawa niyang maglakad gamit ang kaniyang paa ng walang sapin, nagawa niyang maka-hingi ng tulong kahit pagod at nanghihina ito.

Tapos ako...

Hindi ko man lang nagawang mag-stay sa tabi ni Brandon sa kabila ng nalaman, ako na tumakas at hindi nagpakita ng ilang araw.

Nakaka-inggit siya, nagawa niyang labanan ang sakit na nararamdaman habang ako tinakasan ito, naiinggit ako sa kaniya dahil kahit walang tulong ng iba ay mag-isa niyang nilabanan ang problema, samantalang ako laging may dinadamay na ibang tao maka-takas lang.

Nakokonsensya ako. Nagagalit at naiinis sa sarili, gusto kong labanan ang problema ng ako lang mag-isa, dahil kay Tim mas lalo akong nabubuhayan ng loob, gusto kong bumalik sa glamir at harapin ang problema.

Siguro bukas, handa na akong bumalik sa glamir, haharapin ko si Brandon at aayusin ang problema. Hindi ko na kailangang antayin ang resulta dahil kahit ano naman ang lumabas dito ay nasaktan na ako, wala paring mag-babago dun.

At kahit lumabas pa ang resulta ay mas pinangunahan ako ng takot at galit kaya tinakasan ko ito.

Kina-umagahan, naunang nagising si Tim sa'kin, nakita ko siyang naka-tanaw sa bintana, halatang ang pangamba at takot sa kaniyang mga mata kaya nilapitan ko ito.

"Good morning."

Ngumiti ito sa'kin.

"Hindi mo na dapat iniisip ang asawa mo, malayo ito sa glamir sabi sa'kin ni Hansel kaya hindi tayo makikita dito ng asawa mo."

"Natatakot lang ako, baka ano mang oras ay pumunta siya rito at saktan tayo."

Hindi maiwasan ang pag-aalala sa kaniya, naiintindihan ko naman siya dahil kahit ako ay natatakot din, na baka isang araw ay pumunta dito si Papa, anong sasabihin ko sa kaniya kung mangyari 'yun?

"Kumain na tayo."

Sabay naming pinagsaluhan ang kakaunting pagkain, nag-luto ako ng dalawang sunny side up egg, tinapay at apat na hotdog, may kanin din pero konti lang ang niluto ko dahil hindi parin raw makakain ng maayos si Tim dahil sa pag-aalala na siyang inintindi ko nalang.

Glamir Series: BRANDON (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon