Glamir Series 1: BRANDON
Mabilis ang pag-bibigay ko ng babala nang makita ang Lalaking tumayo at handang sumugod kay Victor.
Mabilis naka-ilag si Victor at binigyan ng isang malakas na suntok ang Lalaki. Habang abala ang dalawa ay dahan-dahan kong tinulungan si Tim ba maka-tayo, nang magawa ay nakita ko ng buo ang sitwasyon.
Habang nakatayo ako sa harap ng dalawang lalaki na nag-aaway, nararamdaman ko ang init ng tensyon sa paligid. Ang bawat tingin, at galit na bumabalot sa kanila ay nagdadala ng kaba at takot sa aking puso.
Hanggang sa isang malakas na suntok ang tumama sa Lalaki na siyang ikinatumba nito.
"Victor, tama na!"
Napa-sigaw ako ng akmang lalapitan ni Victor ang Lalaki at hahapasin ng isang estatwang anghel na gawa sa bato.
"Baka, mapatay mo siya."
Lumapit ako rito at mabilis na inagaw ang hawak at ibinato ito sa hindi kalayuan.
"Ayos ka lang ba?" Napa-tingin ito kay Tim na nasa likod ko. "Ayos lang ba kayo?"
Parehas kaming tumango ni Tim.
Dumating na rin si Hansel na may kasamang mga pulis. Naka-upo kami ni Tim sa sofa habang sinasagot ang mga tanong ng pulis.
"Ayos na po ba kayo? wala na kayong ibang nararamdaman? wala ng masakit sa katawan niyo?" paninigurado ng pulis.
Umiling ako kahit na sobrang sakit pa ng likod at tagiliran ko dahil sa pagsipang ginawa sa'kin ng Lalaki.
"Sorry Primo nadamay ka pa..." Hindi mapigilan ang pag-iyak ni Tim kaya't nag-alala agad ako para anak niya. Hindi pwedeng ma-stress si Tim dahil makaka-apekto ito sa pag-bubuntis niya.
"Ayos na ako Tim, tsaka choice ko na tulungan ka, mabuti nalang talaga at dumating si Victor." pag-hinahon ko dito.
"Primo are you okay? gusto mo ba dalhin ka namin sa ospital?" nag-aalang tanong ni Hansel ng maka-pasok ito matapos umalis ng mga pulis, gaya kanina ay tumango lang ako.
Mas pinagtuonan ko ng pansin si Tim na hindi parin makalma kahit na sabihin kong ayos na ako at walang masakit sa'kin, i guess hindi ito naniniwala pero wala akong ibang maisip na dahilan para pakalmahin ito.
"Tahan na Tim, wala na 'yung asawa mo, nasa kulungan na." Maingat kong hinimas ang likod nito at inalalayan ang ulo na ipatong sa balikat ko.
"Sorry..."
Paulit-ulit nitong wika kaya lumapit na sa'min si Victor at pumunta sa harap namin, bahagya nitong niluhod ang isang tuhod para pumantay sa'min.
"Don't worry, ako na ang bahala sa Lalaking 'yon, hindi na 'yun makaka-labas sa kulungan na 'yon." Hinawakan ni Victor ang kamay ni Tim.
"Ayos na ang lahat Tim, malaya ka na, hindi kana masasaktan ng Lalaking 'yun." dagdag ko.
Hindi rin nag-tagal ay huminahon na si Tim kaya pinag-pahinga ko na ito sa kwarto, kita ko ang pagod at takot sa kaniyang mga mata, kahit ako ay natakot pero tinatagan ko ang sarili ko para sa'ming dalawa at sa anak niya.
"Sino 'yun? kaibigan mo ba?" Tanong ni Hansel.
Kita namin si Tim na mahimbing na natutulog mula sa sala.
"Nakilala ko nitong nakaraang araw lang." Sagot ko sa tanong ni Hansel.
Nasa sofa kami ngayon at ginagamot ni Victor ang mga natamo kong sugat dahil sa Lalaki, tinitiis ko ang sakit na nararamdaman sa bawat pagpahid ni Victor ng bulak.
![](https://img.wattpad.com/cover/248029151-288-k494791.jpg)
BINABASA MO ANG
Glamir Series: BRANDON (BoyxBoy)
Ficção GeralI met a man who looked at me with respect, I met a man with manners and He love me for who and what am I-despite of being a gay, and that man is Brandon.