Chapter 10

888 70 9
                                    

Glamir Series 1: BRANDON

"Mahal kita."

Tila tumigil ang mundo ko ng panandalian. Hindi agad ako naka-galaw dahil sa gulat. Isabay mo pa ang kabog ng dibdib ko na parang sasabog dahil sa lakas ng kabog nito.

Biglang nag-init ang mukha ko nang mapag-tantong hindi lang pala kami ang tao at hindi lang ako ang naka-kita sa ginawa niya.

Ilang segundo bago mag-sink-in ang lahat sa'kin. Napa-lunok ako kasabay ang pag-tama ng mga palad ko sa pisngi ni Brandon.

Napa-Oh nalang ang mga tao na naka-kita.

Dahil sa tindi ng hiya na naramdaman ay mabilis akong tumakbo palabas ng bahay. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero tumatakbo lang ako.

"Primo!" Rinig kong sigaw ni Brandon. Alam kong hinahabol niya ako pero hindi ko nagawang itigil ang pag-takbo ko.

Bakit ganito ang naging reaksyon ko? Hindi ba dapat ay masaya ako kasi...mahal niya ako? Pero bakit sinampal at tinakbuhan ko siya?

Ano kaba Primo! Ang tanga mo talaga.

Nang ma-realize ko ang maling nagawa ay doon ako napa-tigil. Nandito na pala ako sa gitna ng palayan, naka-tayo at hingal na hingal.

Sobrang lalim na pala ng gabi, tanging buwa nalang ang nag-bibigay liwanag sa daanan.

"Primo."

Biglang hinila ni Brandon ang braso ko dahilan para mapa-lapit ako sa kaniya. Napa-hawak ako sa matipuno niyang dibdib na malakas ang kabog.

Ramdam ko ang pagod at hingal namin dalawa. Ang bilis ng tibok ng puso namin dahil sa pag-takbo.

Tumingin ako dito, kita ko kung paano tamaan ng sinag ng buwan ang maganda at gwapo niyang mukha.

"Brandon...mahal din kita!"

Tuluyan akong napa-iyak nang masabi ko ang nararamdaman ko. Mas humigpit ang yakap niya sa'kin na siyang ikina-luwag ng dibdib ko.

"Hi-hindi mo ba ako lalayuan ulit? O kaya pandidirian Brandon? kasi umamin nanaman ako sayo." Pumiyok ang boses ko.

Pilit akong pinapatahan ni Brandon dahil sa hindi mapigil na pag-luha ko. Sobrang saya ko ngayong narinig ko ang pag-amin ng nararamdaman sa'kin ni Brandon.

"Hindi ba sinabi ko sayo, hindi na ulit kita i-iwan kahit kailan? Tanggap kita at hindi ako mandidiri sayo." Bulong nito habang yakap ako.

Yakap na gustong-gusto ko. Ayoko na siyang pakawalan, parang mas gusto ko nalang na maka-yakap siya habang buhay para araw-araw nadadama ko ang init ng yakap niya na may halong pag-mamahal.

Dahil sa sinabi niya ay mas lalo akong napa-iyak. Hindi dahil sa galit kun'di dahil sa saya. Ang saya ko dahil tanggap na niya ako, hindi niya ako i-iwan at hindi rin siya nandidiri sa'kin. Mahal pa niya ako.

"Brandon..."

Yumakap ako sa kaniya ng sobrang higpit.

"Mahal kita Primo, mahal na mahal." Muli niyang bulong.

"Matagal ko na dapat sinabi sayo ito pero pinangunahan ako ng takot. Nung una palang mahal na kita Primo..." dagdag niya.

Humiwalay ako ng yakap at binigyan siya ng isang hampas sa dibdib niya.

"Kung gano'n, bakit lumayo kapa sa'kin? Mahal mo pala ako bakit iniwan mo ako? Bakit mas pinili mong lumayo kesa sumama sa'kin?" Patuloy kong pinag-hahampas ang dibdib niya.

Glamir Series: BRANDON (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon