Glamir Series 1: BRANDON
Wala akong paki-alam kung sino man ang nakaka-bungo ko basta ang nasa isip ko lang ay maka-alis.
Hindi matigil ang aking pag-iyak dahil sa nalaman. Labis ang kirot na nararamdaman ko sa puso, idagdag mo pa ang pakiramdam ng pinagtaksilan.
"Primo, wait." Napa-tigil ako sa pag-takbo nang kabigin ni Brandon ang braso ko at iharap sa kaniya. Hindi alinta ang dami ng taong nakaka-kita sa'min.
"Tama na Brandon! sobra mo na akong sinasaktan!." Napa-sigaw ako dahil sa galit, mas tumindi pa ang aking pag-iyak na halong mawalan na ako ng hangin.
"Sa ibang lugar tayo---"
"Bakit? Natatakot ka! Na malaman din nila ang totoo?" Sigaw ko.
Nakita ko ang pag-habol ni Ismael.
"Isa kapa Ismael, kung hindi kita hinanap, itatago niyo sa'kin 'yun?" Napa-tigil ito at hindi nagawang tumingin sa mga mata ko.
Tangina nila. hindi naman ako naging masama sa kanila pero bakit ginagawa nila sa'kin 'to? May ginawa ba akong masama para parusahan ng ganito?
Ang ginawa ko lang naman ay mag-mahal, pero bakit parang iba naman ang isinusukli saakin? ginawa ko lang naman ay mahalin silang dalawa pero parang tanga lang kasi parang ayon pa ata ang mali na naging desisyon ko sa buhay, ang pagkatiwalaan sila.
"Primo, mag-usap tayo sa ibang lugar. H'wag kang sumigaw." Pabulong na sabi ni Ismael.
"Hindi. Ayoko na, babalik nalang ako sa Maynila." Akmang a-alis ako nang pigilan ako ni Brandon.
May lungkot sa mukha nito at the same time ay galit. Hindi agad ako naka-kilos nang makita ang luhang pumatak sa kaniyang pisngi, may sakit akong naramdaman pero mabilis din iyong nawala nang maisip ko ulit ang kagaguhan niya.
"I-iiwan mo ulit ako?" Mahina at puno ng lungkot niyang tanong. Wala sa sariling inalis ko ang hawak niya.
"Oo, ayoko na dito. Puno ng mga sinungaling at manloloko!" Sigaw ko.
Hindi na nila ako napigilan nang mabilis kong tinakbo ang kahabaan ng kalsada ng bayan. Hindi ko alam kung saan ba ako pupunta ngayon.
Hindi naman talaga ako aalis, gusto ko lang mapag-isa at makapag-isip, niloloko ko lang sila para hindi na nila ako sundan. Pero sino nga ba ang talagang niloloko ko? Sila o ang sarili ko?
Niloloko ko lang siguro ang sarili ko, siguro ito talaga ang para sa'kin, ang masaktan nang masaktan, ang parusahan dahil sa kahibangan.
Hindi ko matanggap na niloloko at pinaglilihiman ako ng dalawang lalaking malapit sa'kin at minahal ko.
Napa-hinto ako sa pag-takbo, hingal na hingal at patuloy parin ang pag-iyak, iniisip ang mga nangyayari.
Hindi ko na kaya!
Napasigaw ako dahil sa nararamdaman, halos maubos ang hangin sa katawan dahil sa sigaw na ginawa, hindi alitana ang mga sasakyan na dumadaan.
Ito nanaman ako, niliko ng taong mahalaga sa kaniya na akala ko hindi ako lolokohin.
"Ginagawa mo?"
Napa-angat ako ng tingin sa nag-salita, si Hansel. Halata sa mukha ang gulat ng makita akong umiiyak at nag-sisigaw sa gilid ng kalsada.
"Wala kang pake." Sagot ko.
Hindi ko na ito binigyan ng pansin at pinagpatuloy ang pag-lalakad kahit hindi ko naman talaga alam kung saan ako pupunta.
Hindi ako pwedeng bumalik sa bahay dahil sigurado akong aabangan ako dun nila Brandon, ayoko muna silang kausapin, gusto ko mapag-isa at makapag-isip ng tamang gagawin.
BINABASA MO ANG
Glamir Series: BRANDON (BoyxBoy)
General FictionI met a man who looked at me with respect, I met a man with manners and He love me for who and what am I-despite of being a gay, and that man is Brandon.