Glamir Series 1: BRANDON
Hindi maalis ang takot na nararamdaman ko, para akong tinakasan ng hangin dahil sa nakita kong humahabol sa'min.
"Bilisan mo ang takbo!" Napa-kagat labi ako sa sinabi niya. Ano pa bang ginagawa ko? hindi nga ako ganito kabilis tumakbo, nasa limitasyon nako, parang hihimatayin ako.
"Ano pa bang ginagawa ko!?" Sigaw ko dito. patuloy parin ang pag-takbo namin dahil patuloy parin ang pag-habol ng baboy saamin.
Hingal akong napa-tukod sa aking dalawang tuhod, malayo na ang natakbo namin at sa tingin ko ay hindi naman na kami nasundan ng baboy ramo.
"Wala na siya? hinihingal na ako hindi ko na yata kaya" Hingal kong bigkas bago ako tumayo ng tuwid at hinarap siya, hindi ko inaasahang gano'n din ang gagawin niya.
Halos sabay ang aming naging pag-kilos dahilan upang mag-dikit ang aming balat parehas. Ako na mismo ang lumayo ng kaunti para may space kami.
Pinasadahan ko ng tingin ang Lalaki na may ngiti sa kaniyang labi kahit muntikan na kaming mamatay dahil sa baboy ramo na yun naka ngiti parin siya.
"A-ayos ka lang ba?" Tanong nito? "Hindi na siguro tayo nasundan no'n" Dagdag niya kaya naka-hinga ako ng maluwag.
Nandito parin kami sa gubat pero hindi tulad kanina na sobrang sukal ay medyo kita ko na ang paligid, may nakikita na din akong mga sasakyan sa bandang itaas namin kaya konting ahon pa ay makakarating na kami sa kalsada.
"Umalis na tayo dito. Baka may dumating pang ibang hayop" Kinakabahan kong sabi dito. Tumango naman siya sa'kin at muling inalok ang kamay.
Wala akong nagawa kun'di ang tanggapin ito. Sabay naming nilakad ang daan paakyat pabalik sa highway, kahit hingal ay ginawa ko parin ang lahat para kayanin. Jusko! unang araw ganito agad ang nangyari sakin, napaka-malas talaga.
"Anong pangalan mo?" Tanong nito sa gitna ng pag-lalakad namin. Hindi ko alam kung dapat ba akong sumagot.
Ayokong mag-bigay ng impormasyon lalo na sa hindi ko kilala mas mabuti na ang sigurado. Pero gwapo naman siya.
"Secret." Mapag-laro kong sambit. Natawa naman ito.
Sa tingin ko iba siya 'kay Brandon, mas mabait siya, gentleman at matulungin medyo malambot din ang kamay niya para sa isang mag-sasaka. Kainis! Bakit ko ba kinukumpara ang Lalaking 'yon sa kasama ko?
"Lalim ng iniisip natin, problema?" Muling tanong ng Lalaki. Feeling close si Kuya.
"Ikaw, ano pangalan mo?" Pag-iiba ko ng usapan. Ayoko munang pag-usapan ang Lalaki 'yon, isang araw ko palang naman siya nakaka-sama.
"Secret din."
Napa-ngiwi ako sa sinagot nito. Ano pa bang aasahan kong isasagot niya? Ofcourse gagayahin niya ako.
"Primo?"
Natigil kami sa pag-lalakad, nabosesan ko ang Lalaking tumawag sa'kin pero hindi agad ako naka-lingon. Wala naman akong mukhang ihaharap sa kaniya dahil baka isipin niya, basta ko nalang siya iniwan dahil sa singsing.
"Oh, pareng Brandon, anong ginagawa mo dito? Kilala mo 'tong si Iyakin?" Mapang-asar na tanong ng Lalaki kaya siniko ko ito.
Gusto ko siyang sapakin kung pwede lang, kung hindi lang sana siya ang tumulong sa'kin nasapak kona siya sa mukha at naduguan ang maamo niyang mukha.
"I-iyakin?" Takang tanong ni Brandon.
Bakas ang hingal sa mukha ni Brandon, pawisan ito habang tinitignan ang magkahawak namin kamay kaya agad akong bumitaw.
BINABASA MO ANG
Glamir Series: BRANDON (BoyxBoy)
General FictionI met a man who looked at me with respect, I met a man with manners and He love me for who and what am I-despite of being a gay, and that man is Brandon.