Glamir Series 1: BRANDON
Gabi ng magising ako mula sa pagkakatulog. tinignan ko ang phone ko at nakitang 10PM na pala, sobrang tagal ko palang naka tulog.
Sa sofa na ako naka-tulog dahil sa nangyari, hindi ko talaga malilimutan ang araw na 'to.
Binuksan ko lang saglit ang ilaw at pumunta sa kusina dahil malapit lang ito sa sofa, naghahanap ako ng pwede kong kainin mula sa mga dala ko. nang walang mahanap ay napa-nguso ako at bumalik ng pagkaka-upo sa sofa.
Bukod kasi sa Pancit canton ay ilang delata lang ang dinala ko. Nagsasawa naman na ako sa canton kaya ayoko itong kainin ngayong gabi.
Maya-maya ay may kumatok sa pintuan. Tumayo ako at ng buksan ko at si Ate Amy ang bumungad.
"Kanina pako kumakatok hindi ka sumasagot, naka-tulog ka ata." sabi ni Ate Amy kaya napakamot naman ako sa batok.
"Naka-tukog nga Ate." Nahihiyang sambit ko.
"Dinalhan kita ng ulam at kanin mo, alam kong hindi kapa nakapag-luto." Kinuha ko naman ang dala nitong plastic.
After nun ay inaya ko si Ate Amy na sumabay sa'kin kumain pero tinanggihan niya ako dahil may pupuntahan daw siyang fiesta sa kabilang barangay.
Ito nanaman ako mag-isang kumakain, hindi ko naman pwedeng pilitin si Ate Amy dahil may sarili itong buhay at hindi niya ako araw-araw responsibilidad.
Naaawa lang ako sa sarili ko dahil ngayon ay wala na talaga akong kasama kahit sa pagkain lang.
Mabilis ko lang naubos ang pagkain na binigay sakin, hinugasan ko na din ito at bumalik nanaman sa sofa. Ilang beses kaya ako uupo sa sofa na 'to? wala akong magawa kundi ang tignan ang kisame kung saan may mga agiw at iilang mga sira.
Dahil sa pagka-bagot at walang magawa ay mabilis akong dinalaw ng antok kaya nakatulog ulit ako sa sofa.
Maaga akong gumising para bumili ng bigas. May pera naman akong dala kaya ito muna ang ginamit ko pambili ng limang kilo ng bigas, medyo mabigat nga 'yon, mabuti nalang at kinaya ko hanggang sa maka-uwi sa bahay.
Hindi ko rin pala nakita si Brandon nung lumabas ako kahit na kapit-bahay ko lang siya, hindi ko na rin siya hinanap nung pauwi ako kasi baka may iba itong ginagawa.
Nag-saing ako at niluto yung pansit canton na dala. no choice ako dahil ayokong ubusin ang pera na dala ko hanggat hindi ako nakaka-hanap ng trabaho.
"Primo?"
Isang pamilyar na boses ang narinig kong tumawag sa'kin habang nag-luluto. Mabilis ko namang binuksan ang pinto at nakita si Brandon na may dalang sopas kaya napa-ngiti ako.
Ngayon na nandito siya ay kailangan ko mag-sorry syempre, and sa hindi ko pag-pansin sa kaniya.
"Pasok ka." pumasok naman agad ito at umupo sa sofa. "Sorry nga pala kahapon." umpisa ko.
"Nataranta lang talaga ako nung nawala ko yung singsing kaya bumalik ako mag-isa, hindi ko naman akalain na maliligaw pala ako." paliwanag ko sa kaniya. Nanatili itong tahimik kaya hindi ko alam ang magiging sagot niya.
"Sorry 'din hindi kita nabantayan kahapon..." Tipid itong ngumiti sakin bago tumayo at lumapit sa'kin kaya bahagya akong napa-atras. "Kalimutan na natin 'yun, basta sa susunod magpasa at mag-paalam ka sa'min ni Ate Amy, lalo na't hindi mo pa gamay ang lugar na 'to."
Nagulat nalang ako nang hawakan niya ang dalawa kong braso at parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko. Kita ko sa mata nito ang concern at takot.
"Thank you."
Pag-tapos nun ay sabay kaming kumain ni Brandon. Oo bati na kami kaya sobrang saya ko, nag-alala talaga siya kahapon at hindi alam ang gagawin nung hindi niya ako makita.
BINABASA MO ANG
Glamir Series: BRANDON (BoyxBoy)
General FictionI met a man who looked at me with respect, I met a man with manners and He love me for who and what am I-despite of being a gay, and that man is Brandon.