Chapter 13

841 69 4
                                    

Glamir Series 1: BRANDON

"Papa..."

Kunot-noong tumingin ito sa'kin. Akmang lalapit ito sa'kin ng umatras ako dahilan para mapa-tigil ito.

Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko, naguguluhan may inalalayan ako ni Papa upang maka-upo sa sofa.

"A-anong ibig mong sabihin." Utal na tanong nito, halata ang kaba na nararamdaman.

"Papa..."

Paulit-ulit kong binangit 'yon habang patuloy sa pag-iyak. Wala akong ibang masabi maliban sa mga salitang iyon.

"A-anak..."

Mas lalo akong humagulgol nang sabihin niya 'yon, kasabay ang pag-hawak ko sa dalawang kamay niya at dinama ang init no'n.

Hindi ako maka-paniwala na nasa harapan ko na ngayon ang matagal ko ng hinahanap. Hindi ako makapag-salita at hindi alam ang gagawin, basta sobrang saya ko dahil ngayon alam ko na bakit ang gaan ng pakiramdam ko.

"Papa!"

Sigaw ko kasabay ang pag-yakap dito ng mahigpit. Papa ko si Tito Prim, hindi ako makapaniwala.

"Anak."

Mas lalong humigpit ang yakap ko.

Ganito pala ang pakiramdam ng isang yakap mula sa Papa mo, ganito pala ang init ng yakap ng isang ama, sobrang sarap sa pakiramdam.

Wala akong galit sa kaniya, tampo meron pero dahil sa sobrang saya at pagka-excite ko ay parang nakalimutan at nawala na ang mga bagay na 'yon.

"Primo?"

Napa-tingin ako sa itaas ng hagdan, nakita ko si Brandon at Ismael kaya agad kong pinahid ang mga luha.

"Dad..."

Sabay na bumaba si Brandon at Ismael patungo sa'min.

"Anong ginagawa mo dito Dad?" Tanong ni Ismael

"Bakit ka umiiyak Primo?" Tanong naman ni Brandon.

Nagka-tinginan kami ni Papa Prim at sabay na ngumiti bago sila tignan na tila nag-tataka sa mga nangyayari, kung bakit ako umiiyak.

"Ismael, alam na ni Primo ang lahat, bumalik na ang memorya niya." Halata ang gulat sa mukha ni Ismael.

Wait, What! alam ni Ismael ang lahat at wala itong sinasabi sa'kin? alam niya na mag-kapatid kami?

"Ismael alam mo ang lahat? bakit hindi mo sinabi sa'kin?"

Hindi ito maka-tingin sa'kin ng diretso, ngumuso lang ito.

"Si Dad ang may sabi na 'wag ko muna ipaalam sa'yo, alam ni Dad kung gaano kakati ang bibig ko na sabihin sa'yong mag-kapatid tayo sa ama pero ayaw niya."

Tumingin naman ako kay Papa.

"B-bakit Pa?"

Lumapit sa'kin si Brandon at hinawakan ang kamay ko. Alam ko na nalilito rin siya sa mga nangyayari, parehas kami na walang kaalam-alam sa mga nangyayari ngayon.

Glamir Series: BRANDON (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon