Chapter 14

790 67 4
                                    

Glamir Series 1: BRANDON

Week later. Maayos na ang lahat ng problema at misunderstanding namin ni Papa Prim, Sabay kaming kumakain na lagi naman talaga naming ginagawa no'ng hindi ko pa alam na siya ang Papa ko, iba lang talaga ang feeling na alam mong kasama mo sa pagkain ang Papa mo.

Hindi parin namin pinapaalam na Papa ko siya sa trabaho dahil baka mag-iba ang trato sa'kin ng ibang workmates ko na pinaka-ayoko, lalo na si Jacob. Okay na sa'kin 'yung laging pinag-uusapan, na kesyo sipsip daw ako at inaakit ko si Ismael. Wala naman akong pake sa'kin, stay unbothered.

Kami ni Ismael ay mas lalong naging malapit, naging madalas na rin ang pang-aasar niya sa'kin at mas naging doble pa. One time pumunta ako kay Brandon na umiiyak dahil sa pang-aasar sa'kin ni Ismael, muntik pa silang mag-friendship over dahil do'n.

Kami ni Brandon...

Gano'n parin, mahal parin namin ang isa't-isa, mas lumalim lang at mas naging mapusok...

Ganda ko kasi.

May mga araw na wala akong pasok kaya lagi kaming mag-kasama ni Brandon, sa bahay ito kumakain at natutulog, sabay rin kami maligo minsan kaya tipid ako sa tubig.

Pinakilala niya rin ako sa Papa niya na boto at walang problema sa relasyon namin, masaya pa nga raw ito dahil 'yung laging bukang bibig raw ni Brandon nung bata siya ay boyfriend niya na ngayon and that's me.

Nangingibabaw ang kaba at excitement ko no'n nang ipakilala ako ni Brandon sa Papa niya. Napuno ng saya ang puso ko habang nakikita ang pagtanggap at pagkakaroon ng tiwala mula sa kaniyang Papa. Isang bagay na nagbigay ng kakaibang sigla at kahulugan sa aming relasyon.

May pasok ako ngayon kaya nasa bahay lang si Brandon at may ginagawa, paminsan-minsan kasi ay inuutusan ito ni Ate Amy.

Katabi ko sa upuan si Ismael, busy siya sa mga papel na pinipirmahan niya habang ako ay tulala at pinapanood ko siya.

"Ismael, kailan ba ako kikilos dito? Puro ka nalang utos sa'kin. Nakaka-pagod kaya, gusto ko din gawin 'yong ginagawa mo." Maktol ko.

Tumawa lang siya sa sinabi ko. Sobra akong naiinis sa kaniya, lagi nalang siya tutol sa mga ginagawa ko, ang gusto niya ay utusan lang ako nang utusan.

"Ano pa ba ang ginagawa mo? Ganiya'n din naman ang ginagawa ko nung assistant din ako." Pabalang niyang sagot sa'kin.

Hindi na ako umimik pa. Pinabayaan ko nalang siya na mahirapan sa ginagawa niya. Tutal naman ay maka-sarili siya.

"Saan ka pupunta?" Tanong nito nang bigla akong tumayo sa inuupuan. Tinignan ko lang siya ng masama bago lumabas.

Kainis, bakit lagi nalang akong gutom. Minsan talaga nakaka-pagod din ang mag-hapon kang naka-upo at walang ginagawa.

Pagka-labas ay dumiretso ako sa canteen ng building. Marami ang pagkain dito at halos lahat ay matatamis. Bigla tuloy akong natakam.

Lumapit ako sa isang pastry shop, pag-pasok ko ay sobrang daming matatamis na siyang nagpalaway sa bibig ko. Ang sasarap.

"Isa nga po nito, tapos ito po at tsaka ito narin." Turo ko sa mga pagkain na mukhang masasarap.

Nang makuha ay mabilis akong lumabas ng may ngiti at nag-hanap ng mauupuan ko. Buti at walang gaanong tao dahil oras ng trabaho.

"Busy ka sa lagay na 'yan? Kumakain ka lang sa gitna ng trabaho?" Biglang sumulpot ang isa sa mga kambal si Vistro.

"Wala kang pasok? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Umupo ito sa tabi ko bago mag-salita.

Glamir Series: BRANDON (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon