Glamir Series 1: BRANDON
"Brimo! ang likot mo, bibihisan pa kita!" Hinabol ko ang batang tumatakbo palayo saakin.
Hawak ang damit niya ay nagpaikot-ikot kami sa mga sulok ng bahay dahil sa sobrang likot, hindi ito nawawalan ng lakas at nagawa pang tumawa habang nag-papahabol sa'kin.
"Gosh Brimo, kanino kaba nag-mana?" Anas ko sa bata nang mahuli ito at ikulong gamit ang mga braso.
"Dada!" Anito na ikina-ngiti ko.
No, never akong pinag-habol ni Brandon, sigurado ako na hindi ka nag-mana sa Ama mo, ewan ko kung saan mo namana ang kakulitan mo pero kahit isa saamin ni Brandon ay wala kang pinagmanahan.
"Dada Mael!" Muling sabi ng bata kaya napa-irap ako. Gosh! tuwing maririnig ko ang pangalan ni Ismael ay awtomatikong napapa-irap ang mga mata ko.
"Yes, kay Ismael ka nag-mana sa kakulitan mo!" Umupo kami sa sofa, marahan ko itong hinawakan at maingat nasinuot ang damit, isang bunting-hininga ang pinakawalan ko matapos kong masuot ang damit. Akala ko tatakbuhan nanaman niya ako.
Nang mabihisan ay tinignan ko siya. Napa-ngiti ako ng makita ang sumilay na ngiti sa kaniyang labi dahilan para lumabas ang dimple niya sa kaliwang pisngi.
"Ayan ang ngiti mo, minana mo sa Ama mo!" Sabi ko rito at marahang nilandas ang daliri sa maliit niyang ilong.
"Bakit naririnig ko nanaman ang pangalan ko d'yan?" Tanong ng pababa na si Brandon.
Tinapunan ko ito ng tingin.
Habang bumababa siya sa hagdanan, ang kanyang kaswal na ka-gwapuhan ay walang kahirap-hirap na umakma sa pagiging simple ng kanyang suot—isang well-fitted jeans at isang classic na puting T-shirt.
"Mag-bihis kana, ako na bahala sa makulit na batang 'yan." Ani Brandon nang makababa sa hagdan.
"Dapat talaga hindi tayo pumunta sa bahay nila Papa nu'ng nag-bubuntis pako, tignan mo," Tinuro ko si Brimo na ngayon ay nagpa-gulong-gulong sa mat. "Nag-mana tuloy sa Lalaking 'yon!" Dagdag ko, narinig ko lang ang mahinang tawa ni Brandon.
Umakyat ako sa kwarto at inayos ang sarili.
Nag-desisyon kasi kami ni Tim na mamasyal kasama ang mga anak namin, sa park lang naman na hindi kaluyuan dito pero balita ko ay maganda raw ang tanawin doon kapag hapon na.
4pm pa naman ang alis namin, tinignan ko ang phone at nakitang kaka-3pm palang kaya may isang oras pa ako para ayusan ang sarili.
Humarap ako sa salamin at tinitigan ang suot. I observed the unassuming attire that adorned my frame – a plain white shirt, faded jeans, and worn-out sneakers. Simple, yet somehow reflecting the comfort of familiarity.
Matapos mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto, habang pababa ay narinig ko ang anak ni Tim na kausap si Brimo.
"Binili sa'kin 'to ni Daddy, gusto mo?" Rinig kong sabi.
Pagbaba ay tuluyang nakita si Tim, may ngiti sa labi nito habang naka-tingin sa kaniyang anak. Gaya ko ay simple lang din ang pananamit nito. Simple plain pink shirt at short.
"Ang aga niyo naman pumunta rito." Ani ko, lumapit ako kay Tim at niyakap ito.
Nakita ko namang magkasama sila Brandon at Victor sa kusina, sila ang nag-aayos ng mga pakain na dadalhin namin dahil picnic style ang gagawin namin.
"Thak yo!" Rinig kong pasalamat ni Brimo dahil sa pagbibigay ni Timtim ng lollipop sa kaniya.
Apat taon na ang anak ni Tim at diretso na ito sa pag-sasalita, si Brimo ay 3-years-old (Malapit na mag-4Years old) at medyo bulol pa ito sa pagsasalita.
BINABASA MO ANG
Glamir Series: BRANDON (BoyxBoy)
General FictionI met a man who looked at me with respect, I met a man with manners and He love me for who and what am I-despite of being a gay, and that man is Brandon.