Chapter 19

712 63 6
                                    

Glamir Series 1: BRANDON

Brandon's P.O.V

Naglakad ako sa tabi ng kalsada, at ang mga hakbang ko ay naging mabigat habang pinapanood ko siyang tumakbo palayo. Ramdam ko ang bigat sa puso ko, alam kong ako ang dahilan ng pag-alis niya.

Hindi ko na nagawang sundan si Primo sa pag-takbo, tila pinako ako sa kinatatayuan dahil sa mga sinabi nito.

Iiwan niya ulit ako?

Parang napunit ang puso ko. Alam kong masakit para sa kaniyang ang nalaman, kahit ako ay nasaktan dahil ang akala kong maganda na naming buhay ay mag-tutuloy, pero hindi pala.

Hindi ko alam kung ano ang sinasabi ni Mitzy na buntis raw siya at ako ang ama, hindi ako naniniwala dahil wala naman itong patunay, Oo may nangyari sa'min apat na buwan na ang nakakaraan bago dumating si Primo, pero lasing ako nun at pinagsamantalahan niya. Hindi ko na nagawang kasuhan nun si Mitzy dahil malaking pamilya ang babangain ko kaya mas pinili ko nalang na manahimik.

"Ismael, si Primo..."

Parehas kaming walang magawa ni Ismael kun'di panoorin ang pag-takbo palayo sa'min hanggang sa tuluyan ng nawala ang imahe nito sa aming paningin.

"Akong bahala, susundan ko siya."

Natauhan ako nang biglang tumakbo si Ismael at sundan si Primo, dahil doon ay kusang gumalaw ang aking mga paa at natagpuan nalang ang sariling naka-sunod kay Ismael sa pag-takbo.

Hindi pwedeng wala akong gawin, ako ang may kasalanan kay Primo kaya dapat ay ako ang umalis at hindi siya, hindi ko matatanggap na iiwan ulit ako ni Primo, hindi ko kayang mawala ang taong pinaka-mamahal ko.

Mas binilisan namin ang pag-takbo ni Ismael pero sa huli, hindi na namin nakita si Primo.

Hingal na hingal kaming tumigil sa gilid ng kalsada, patuloy parin hinahanap ang imahe ni Primo gamit ang aking mga mata.

Primo 'wag please... 'wag mo ulit ako iiwan, ayokong mawala ka pa, mahal na mahal kita Primo, aayusin ko ito para sa'yo... kaya paki-usap 'wag mo akong iiwan.

Napa-luhod nalang ako ng malibot ang paningin pero hindi nakita si Primo, nasaan ka Primo, bumalik kana...

"Primo!" Rinig kong sigaw ni Ismael.

"Primo.."

Sa pag-alis niya, iniwan din niya ang masakit na bakas ng sakit na idinulot ko sa kanya.

Matamlay kaming bumalik sa bahay ni Primo, nagbabaka-sakaling naroon siya pero wala kaming natagpuan, tanging ang gamit lang niya ang naroon ngunit wala siya.

"Hihintayin ko dito si Primo, alam kong babalik siya."

"Mag-hahanap ako sa kaniya gamit ang motor, balitaan mo ako kapag bumalik siya dito." Tumango ako at pinanood ang pag-alis ni Ismael.

Sa gitna ng dilim at lungkot, nararamdaman ko ang hapdi ng puso ko. Sinaktan ko si Primo, iniwan siyang nag-iisa, at ngayon, nag-aantay ako sa pagbabalik niya.

Sa bawat paglipas ng oras, umaasa akong magbabalik siya, dala ang pagpapatawad sa aking pagkakamali.

Nakaupo ako sa sofa, naghihintay sa bahay ni Primo. Ang tahimik na paligid ay bumabalot sa akin ng lungkot. Iniisip ko ang mga sandaling magkasama kami, at sa bawat minutong lumilipas, nararamdaman ko ang kakaibang lungkot sa paghihintay.

Glamir Series: BRANDON (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon