Glamir Series 1: BRANDON
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha,agad kong inunat ang aking mga kamay at paa.
Bumangon ako at inayos ang aking hinigaan. Mabilis akong lumabas sa kwarto at pinagmasdan ang kabuuan ng bahay ni Lolo.
Halos antigo ang lahat ng gamit dito, mag-mula sa aparador,mga gamit na naka-dikit sa dingding at kung ano-ano pa gaya ng lamesa na sa tingin ko ay may kamahalan din dahil sa laki at haba nito.
Kung itatanong niyo ang nangyari kagabi? nakakahiya pero nung time na na-realize ko ang sitwasyon namin ni Brandon ay agad akong tumayo. mabilis naman lumapit sakin non si Ate Amy at kinamusta ako.
pinagalitan rin ni Ate Amy at kinausap ni Brandon yung driver na muntik maka-bundol samin, naayos naman namin ang gulo at 'di na umabot pa sa barangayan.
"Primo, Gising kana?" Boses ni Ate Amy.
Pinag-buksan ko siya ng pintuan na halatang nagulat pa dahil sa ginawa ko. Si Ate talaga, hindi niya siguro alam na maaga talaga akong nagigising.
"Gising kana pala, akala ko tulog ka pa." Anito. May dala itong plastic na dilaw at inabot sa'kin. "Ito, dinalhan kita ng sopas, nabili ko 'yan kay Aling Nena, alam kong namiss mo 'yan." Masiglang sambit ni Ate.
Napa-ngiti ako ng kinuha ang supot na dala niya. Ang tagal ko ring hindi nakaka-kain ng mga ganitong pagkain simula nung nawala si Lolo, siya lang kasi ang nag-luluto ng mga ganito sa'kin.
"Pasok ka muna Ate, sabay na tayo mag-almusal." Alok ko pero umiling lang ito sa'kin.
Mag-sasalita sana siya nang may isang Lalaki ang nag-salita mula sa likod ng bahay ni Lolo. Nagulat ako dahil pamilyar ang boses na 'yun.
Anong ginawa niya dito?
"Ate, tapos ko nang ikabit ang kuryente dito." Sabi nung Lalaki na si Brandon, kaya napa-kunot ang aking noo. tinignan ko ang loob ng bahay ni Lolo at napansin na meron na nga itong ilaw.
"Ay, salamat naman, hindi na mahihirapan mag-adjust si Primo sa kandila." Masayang sambit ni Ate na may halong pang-aasar. Natulog lang kasi ako kagabi gamit ang kandila bilang liwanag ko, nakaka-takot pero kailangan tiisin.
Natigilan ako nang mag-tama ang mata namin nung Lalaki kaya mabilis akong umiwas at tinuon sa iba ang tingin. ito nanaman po ang puso ko halos mag-wala sa bilis ng kabog.
Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko dahil sa tingin niya, nahihiya ako lalo na't bagong gising ako, Nakaka-hiya ang itsura ko, baka may laway pa ako sa labi kaya wala sa sariling napa-punas ako sa gilid ng aking labi para tanggling ang kung ano mang laway na nandoon.
"Naku, wala akong pambayad, dapat hindi kana dapat nag-abala pa."
Totoo naman, hindi sapat ang perang dala ko, akala ko kasi madali lang mag-adjust, mahirap pala. Tangging damit at ilang dokyumento lang ang nadala ko at ilang mga pagkain.
"Libre lang, ganito talaga ginagawa ko dito kaya h'wag ka nang mag-alala sa bayad, para saan pa't naging magkapit-bahay tayo." Natatawang wika ng Lalaki bago niya ako ngitian.
Magkapit-bahay?
"So, dito lang ang bahay mo sa tabi ng bahay ni Lolo?" Manghang sabi ko, bigla tuloy natawa si Ate Amy na hindi ko napansing nandito pa pala.
"Mukhang nagkaka-mabutihan na kayo..." Biglang nag-init ang mukha ko sa sinabi ni Ate Amy. "Naku Primo, siya nalang ang ayain mong mag-almusal dahil tapos na ako, 'yang si Brandon ang hindi pa." Dagdag niya at halata ang pang-aasar sa'ming dalawa nung Lalaki na si Brandon.
BINABASA MO ANG
Glamir Series: BRANDON (BoyxBoy)
General FictionI met a man who looked at me with respect, I met a man with manners and He love me for who and what am I-despite of being a gay, and that man is Brandon.