Chapter 6

1.3K 89 14
                                    

Glamir Series 1: BRANDON

Tatlong linggo na ang nakalipas, 3 weeks as in. Sobrang saya ko sa loob ng tatlong linggong iyon. Marami ang nangyayari sa bawat araw ng linggo na 'yon.

Sa bawat araw na 'yon ay mas nakilala ko sila. Lahat sila, marami na rin ang pinag-samahan namin lalo na si Brandon, madalas kasi itong pumupunta sa bahay para kamustahin ako.

Si Brandon 'yung tao na, hindi pababayaan ang mga kaibigan niya, saksi ako sa loob ng ilang linggo naming pag-sasama, kahit si Ismael na sobrang kulit ay sinasahan ni Brandon sa mga kalokohan.

Sa loob ng tatlong linggo na ring 'yon ay naka-hanap na ako ng trabaho finally! Syempre sa tulong parin ni Ismael na parang gamay na ang bayan ng Glamir at sobrang daming kapit.

Siya ang nag-pasok sa'kin sa kompanya kung saan siya ang future C.E.O, sobrang big time niya. At ang kambal na lately ko lang nakilala ay may sarili palang Hospital.

Fenner Hospital ang pangalan. Sobrang big time ng mga kaibigan ko ngayon.

So balik tayo kay Ismael.

Mabait sila sa'kin, lalo na ang Papa ni Ismael, lagi ko kasing nakikita 'yun dahil siya ang currently C.E.O, palagi akong pinapatawag at inaaya na sabay daw kami kumain, nag-seselos na nga sa'kin si Ismael dahil parang ako pa raw ang anak kesa sa kaniya, hindi ako nakaka-ramdam ng pagka-ilang sa kanila dahil mga friendly naman sila.

"Primo, pwede mo ba itong i-xerox lahat? Kailangan kasi mamaya sa meeting kasama ang CEO." tumango at kinuha ko ang papel na binigay niya sa'kin.

"Sige."

Madalas akong utusan dito, hindi naman mabibigat na trabaho sakto lang. Kaya nga nag-tataka ako bakit hindi nila ako inuutusan ng mabibigat na bagay. Weird, wala naman akong posisyon sa kompanyang ito.

"Salamat."

Sandaling minuto lang ay natapos ko na ang pag-xerox, bumalik na ako sa desk ko para ayusin ito.

Alam ko kasing pag-tapos ma-xerox ng mga papel ay pinag-sasama nila ito at kailangan naka-stapler lahat. So ako na ang mag-kukusa.

"Hindi mo na dapat ginawa 'yan, trabaho ko 'yan e."

Biglang sumulpot sa likod ko ang ka-trabaho ko. Ayos lang naman sa'kin na gawin ito lalo na at wala naman akong ginagawa, trainee palang kasi ako dito dahil ilang araw palang ng mag-simula ako.

"Ayos lang, ako na rin ang mag-dadala nito sa meeting room. Maupo ka nalang." ngumiti ito sa'kin bago bumalik sa kaniyang desk. Sobrang bait din niya sa'kin.

Nung unang araw ko ay siya ang unang nakipag-usap sa'kin, mabilis ko naman siyang naka-sundo dahil may pagkaka-pareho ang ilang bagay naming gusto.

Hawak ang mga papel ay nag-lakad ako papunta sa meeting room na paniguradong marami nang employee.

"Excuse me. Ito na po 'yung mga papel." kumatok ako ng dalawang beses bago buksan ang pinto.

Bumungad agad sa'kin ang naka-americanang si Ismael, pormal na naka-tayo sa harap ng mga taong matataas ang katungkulan dito.

Dito mo lang talaga malalaman ang pagkakaiba ng Ismael na kilala ko at Ismael na C.E.O ng company.

"Distribute mo na sa kanila."

Tumango ako.

Isa-isa kong binigay sa mga taong kasama sa meeting ang papel, sabihin na nating sales plan or business plan kahit ano pang may kinalaman sa business, agad naman nila itong kinuha at kita ko na agad ang pag-apruba sa mukha nila.

Glamir Series: BRANDON (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon