Glamir Series 1: BRANDON
Taimtim akong nag-lalakad sa isang palayan. Masarap ang hangin na siyang humahaplos sa'king mukha kaya napapa-ngiti ako. Huminga ako ng malalim.
Ang sarap talaga ng hangin sa probinsya, lalo na kung amg lugar na ito ay puno ng mga alaala. Ang sarap lang balikan ng nakaraan no'ng ako'y marami pang kasama bago sila mawala at lumipat dito sa syudad.
"Nagustuhan mo?" Tanong sa'kin ni Ate Amy, isa sa mga kapit-bahay namin dito noon.
Tumango ako bilang sagot dito.
Ngayon nalang ulit ako naka-balik sa probinsya ng Glamir matapos mamatay ni Lolo na siyang nag-iisang pamilya na meron at meron ako pero kinuha lang siya ng kalikasan.
Minsan talaga may mga bagay tayong hindi inaasahan na darating sa buhay natin, minsan darating ang mga bagay na ayaw nating mangyari lalo na kung sa pinaka-masayang araw ng buhay mo ito nangyari.
Namatay si Lolo dahil sa bagyong tumama dito sa probinsya namin. Birthday ko noon kaya labis akong nalungkot dahil nawalan ako ng isang Lalaki na tangging nag-mahal sa'kin sa kung ano at sino ako, sa mismong kaarawan ko pa ito nangyari.
Kaya hindi ko alam paano ko haharapin ang susunod kong birthday lalo pa't maaalala ko lang ang nangyari kay Lolo.
"Malapit na mag-gabi, sasamahan na kita papunta sa bahay ng Lolo mo para makapag-pahinga kana. Bukas ay da-dalawin kita para naman mai-pasyal kita dito sa Glamir alam kong na-miss mo 'to." Masiglang wika ni Ate Amy.
Tinapik ako nito sa balikat bago mauna sa pag-lalakad.
Bumuntong-hininga ako kasabay ang pag-papatuloy ng pag-lalakad sa gitna ng mga palayan, sobrang lawak ng paligid, idagdag mo pa ang araw na malapit nang lumubog na siyang lalong nag-paganda sa tanawin.
Hindi ko akalain na makaka-balik pa pala ko sa ganitong ka-gandang lugar.
"Kumain ka naba? Gusto mo dalhan kita ng pagkain sa bahay niyo mamaya?" Tanong ulit ni Ate na siyang inilingan ko.
May dala naman akong pagkain sa maleta ko, kahit papaano ay makaka-survive ako ng ilang araw dito.
"Busog pa po ako, tsaka kumain na ako bago pa ako maka-sakay ng bus, muntik ko pa ngang isuka e dahil sa hilo." Natatawang sambit ko dito. Totoo naman kasi, mabilis akong mahilo sa mga biyahe buti nalang talaga at natiis ko na 'wag isuka yung kinain ko. Nakakadiri.
Natawa din ito sa sinabi ko.
"Sige na, bilisan na natin at baka maabutan pa tayo ng dilim dito sa daan, delikado pa naman ang panahon ngayon."tumango ako at sinundan siya.
Bitbit ang aking maleta at isang itim na bag sa aking likod ay mabilis naming tinawid ang mabatong daan sa gitna ng palayan kung saan mas kita mo ang papalubog ng araw. Nang makarating sa dulo ng daanan ay isang patag na simentong daan na ang aming nilakaran.
Ilang minuto pa kaming nag-lakad hanggang sa makita ko na ang bahay ni Lolo,halos malapit na kami nang biglang tumigil si Ate Amy.
Dahil sa pag-tigil ni Ate Amy ay napa-tigil din ako,may nilapitan si Ate Amy na Lalaking nag-bubuhat ng mga sako.
"Akala ko mamaya pang gabi ang dating niya'ng mga buko. salamat naman at maaga-aga." hinawakan ni Ate Amy ang braso nung Lalaki at marahang tinapik ito bilang pag-papasalamat sa pagbaba.
"Hayaan mo nalang muna 'yan dito, mabigat itong mga sako baka masaktan kapa, umuwi kana dahil pa-dilim na."dagdag ni Ate Amy.
Pinanood ko lang sila na mag-usap,nakita kong kumuha ng pera sa wallet niya si Ate Amy at binigay ito sa Lalaki na siyang nagpa-ngiti sa Lalaki.
"Salamat po Ate,"
Hindi ko maiwasan ang tumingin sa Lalaki lalo na nang mag-salita ito. Baritono ang boses nito at halata sa tindig ang pagka-matigasin,namumutok ang mga braso at dibdib na siyang basa ngayon ng pawis.
Infairness. Akala ko puro mga Tito at Mga Tatay na ang maabutan ko dito, meron pa palang halos ka-edad ko lang at ang gwapo pa.
"Ate,para sulit ang bayad, ako na din po ang mag-bubuhat nito. Saan ba ipapasok? Sa budega niyo?" Tanong nung Lalaki.
Walang nagawa si Ate kun'di ang hayaan nalang ang Lalaki sa ginawa.
Ilang minuto ang lumipas nang dalhin nung Lalaki ang mga sako sa budega nila Ate Amy, tangging dalawang sako nalang ang natira.
Nakaka-hiya naman kung pinapanood ko lang siyang mag-buhat,kailangan ko din siguro mabuhay sa ganitong paraan,ang mag-batak ng buto kahit ayaw ko naman talaga nito, hindi kaya ng katawan ko, feeling malakas lang talaga ako minsan.
Nilapag ko ang kaninang hatak ko na maleta bago lumapit kay Ate Amy. Akmang bubuhatin ko ang isang sako nang pigilan ako nito na siyang ikinatuwa ko.
Buti naman, joke lang kasi yung mag-bubuhat din ako.
"Hindi ka sanay sa ganitong gawain, hayaan mo na si Brandon dito." saway sa'kin ni Ate. Wala akong nagawa kun'di ang sundin siya na mabilis kong ginawa. Inantay lang namin na bumalik ang Lalaking may pangalang Brandon.
Nang maka-balik ang Lalaki ay saglit pa itong tumingin sa'kin, nag-tama ang aming mata at kita ko ang pagod sa mga ito.
Nagulat ako nang tipid itong ngumiti sa'kin bago muling buhatin ang dalawang natitirang sako.
Para akong pinako sa kinatatayuan ko at hindi nagawang gumalaw, iba ang dating sa'kin nung ngiti niya, ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Ka-gwapong bata, wala namang jowa." Pag-bulong ni Ate nang mailagay ng Lalaki ang dalawang sako sa budega.
"Sino po Ate?" tanong ko.
Agad bumaling ang tingin niya sa'kin.
"Wala ikaw naman. Sandali lang ah, hintayin ko lang na matapos si Brandon bago tayo tumuloy sa bahay ng Lolo mo." sabi sa'kin ni Ate na kaya tipid ko siyamg nginitian at tumango.
"Tapos na." nagulat ako sa pag-sulpot nung Lalaki sa likod ko.
"Salamat, mauna na kami nitong kasama ko, bago dating kasi..." halos pabulong nalang na sabi ni Ate ang huling sinabi niya kaya hindi ko na pinansin kahit narinig ko naman.
"Sige---" Hindi natapos nung Lalaki ang sasabihin nang bigla kaming maka-rinig nang sunod-sunod na busina at mabilis na pag-harurot ng kotse.
Napa-lingon naman ako sa kalsada. Halos kapusin ako ng hininga nang makita ang mabilis na pag-harurut ng kotseng palapit sa'min.
Hindi agad ako naka-galaw dahil sa gulat at kaba ang tanging nagawa ko nalang ay ang pumikit.
Hanggang sa maka-rinig ako ng isang pagbangga ng kotse sa isang matigas na bagay. Doon ay napa-dilat ako dahilan upang makita ko ang aming posisyon ng Lalaki.
Parehas kaming natumba at naka-patong ako ngayon sa Lalaki habang yakap niya ang aking katawan at sobrang lapit namin sa isa't-isa.
Napa-lunok ako sa sitwasyon namin.
Brandon...
BINABASA MO ANG
Glamir Series: BRANDON (BoyxBoy)
Ficción GeneralI met a man who looked at me with respect, I met a man with manners and He love me for who and what am I-despite of being a gay, and that man is Brandon.