Chapter 2

1.5K 94 15
                                    

Glamir Series 1: BRANDON

Sa gitna ng tawanan ay bigla akong natauhan, nasa gano'ng posisyon kami nang mabilis akong tumayo.

"Sorry." tumayo din ito.

Basa ang aming mga damit, maging ang aming short dahil sa dalawang balde ng tubig na natapon at bumuhos sa'min.

Paniguradong wala nang laman ang mga iyon. Ang lampa-lampa ko kasi, para pag-bubuhat lang ay hindi ko pa nagawa, paano ako mag-aadjust nito?

"Sorry, hindi kita nasalo." napa-kamot ito sa kaniyang batok at bahagyang yumuko. Kainis, bakit parang iba ang dating sa'kin?

"Ang lampa ko talaga, mag-igib nalang tayo ng panibago para maka-ligo na tayo, sorry talaga." aniko dito.

Tumango naman siya bago kunin ang kaniyang balde na nasa damuhan at wala ng laman, gano'n din ang ginawa ko.

Muli kaming sumalok ng tubig, pero this time ay inalalayan na ako ni Brandon maka-akyat para hindi na maulit ang nangyari sa'min.

Ayos lang naman sa'kin ang ma-ulit 'yon basta sa susunod ay saluhin na niya ako at h'wag hayaan na mahulog sa iba, este sa damuhan pala.

"Epic talaga kanina." bigla nitong sambit kaya mabilis umakyat ang hiya sa aking katawan, nag-init din ang aking pisngi dahil sa kahihiyan.

Bakit binabalik pa niya 'yon?

"Sorry na nga e, kasalanan ko...hindi ako nag-iingat pero salamat dahil kahit papaano ay sinubukan mo akong iligtas, sa-saluhin pala." hindi ako naka-tingin.

Ramdam ko nalang ang mas pag-higpit ng kaniyang hawak sa'kin. Hindi gaya ng iba ay hindi malambot ang kamay ni Brandon, sabihin na natin na may kalyo, pero iba parin ang kuryenteng dala no'n sa tuwing didikit ito sa'kin. Hindi ko nga maintindihan kung anong nangyayari sa'kin.

Ilang saglit pa ay halos patag na ang nilalakaran namin - malapit na kami sa bahay ni Lolo,ilang kembot pa at mararating na namin 'yon.

"Nandito na tayo," binitawan saglit ni Brandon ang kamay ko upang ilapag ang kaniyang balde, matapos no'n ay siya naman ang lumapit sa'kin at kinuha ang bitbit kong balde na marami na ang bawas dahil natatapon parin naman ito.

"Sa susunod ako nalang ang mag-bubuhat, kahit sumama ka nalang." komento nito nang mabuhat ang balde.

Princess treatment ba 'to? o malandi lang talaga ako.

Bigla itong humarap sa'kin nang mai-lapag ang balde, kita ko kung paano bumakat ang namumutok niyang pandesal sa sandong suot.

Nakakapag-init ng katawan.

"Si-sige, salamat. Pero hayaan mo, sa susunod ay mag-papakabit na ako ng tubig kapag may trabaho na ako." tumango lang siya sa sinabi ko.

Hindi ko talaga maintindihan ang Lalaking 'yon, kanina palasalita siya tapos ngayon tango lang ang isasagot niya. Pero bakit ba ako nag-eexpect ng sagot mula sa kaniya? Masama ba ang sumagot ng pa-tango?

"Ipapasok ko lang 'to."

Sige ipasok mo. este sige tulungan mo akong ipasok.

Gaya ng ginawa niya ay tinanguhan ko lang ito. Sige mag-tanguhan tayo dito.

Walang kahirap-hirap niyang binuhat ang dalawang balde ng tubig papasok sa bahay, ako naman ay sumunod sa kaniya na hiyang-hiya sa sarili dahil hindi madaling kalimutan ang pagka-dapa ko.

Hindi pa man ako nakaka-pasok sa bahay ay may bigla akong naalala, 'yung singsing galing kay Mama, nawawala, hindi ko makapa sa suot kong short.

Yung sing sing kasi na suot ko ay nilagay ko sa bulsa bago kami sumalok ng tubig para hindi ito mahulog, pero ito ngayon wala sa bulsa ko...

Glamir Series: BRANDON (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon