Chapter 27

552 51 3
                                    

Glamir Series 1: BRANDON

Brandon's POV

Wala si Papa sa bahay dahil pumunta ito sa palayan, ako lang mag-isa sa bahay at nilalaro ang mga laruan na binili ni Papa.

Naka-rinig ako ng ingay mula sa labas, mga nag-lalarong bata ito mula sa kabilang bahay. Lumabas ako para tignan sila.

Pag-labas ko ay may nakita akong bata na naka-upo malapit sa bakuran namin, halatang nag-tatago ito.

Lumapit ako.

"Sino ka?"

Halata ang gulat dito dahil sa tanong. Mabilis gumapang ang takot sa mukha niya nang makita ako.

Ang cute.

"Po? Nag-tatago lang." Sagot niya

"Bakit dito ka nag-tatago? Bawal ka dito. Bawal bata dito." Pananakot ko sa kaniya.

"Paanong naging bawal e nandito ka. Bata ka rin naman ah." Pabalang na sagot nito.

Aba! bastos na bata 'to ah, pasalamat siya ka at cute ka.

Ilang sandali akong natahimik at tinitigan siya. Maliit lang ang mukha nito, hindi rin kaputian sa'kin.

"Umalis ka na dito." Utos ko sa kaniya.

Nag-isip ito saglit bago sumagot.

"Mamaya na, baka makita ako ni Kiko." Dahilan niya kaya kumunot ang noo ko.

"Edi, pumasok ka sa loob ng bahay para hindi ka makita." Wika ko rin at ngumiti sa'kin, para siyang binigyan ng candy sa ngiting iginawad niya.

Humahagikgik itong lumapit sa'kin, hinawakan niya ang kamay ko at dinala papasok sa bahay namin.

"Baliw ka ba? Bakit tumatawa ka ng mag-isa." Tanong ko ng maka-pasok kami pero hindi niya ako pinansin at tinuon ang tingin sa loob ng bahay namin.

"Ang dami mong laruan. Pahingi ako."

Mabilis siyang pumunta sa lamesa, pumatong pa siya sa upuan dahil sa kaliitan nito.

Kinuha niya yung kotse na kanina ay nilalaro ko, tapos yung robot na pinag-lalaban ko. Nilaro niya ito habang nasa likod niya ako.

"Anong pangalan mo?" Tanong niya habang naglalaro, nanatili itong naka-talikod sa'kin.

Nag-lakad ako papunta sa kabilang bahagi ng lamesa para tignan siya. Sobrang cute niya tignan.

"Bakit ko naman sasabihin? Sabi ni Papa h'wag daw ako mag-tiwala sa kung sino." Masungit kong sabi dito.

"Ang cute mo! Gusto kita." Diretsong sabi niya na ikinagulat ko. Nakaramdam nalang ako ng kakaibang init sa mukha.

Anong sinasabi niyang gusto niya ako? nababaliw naba siya?

Nagulat nalang ako ng mabilis itong tumalon mula sa upuan at lumapit sa'kin, hinipo niya ang aking noo na tila tinitignan kung may sakit ako.

"May sakit kaba? Bakit namumula ka!" Alalang sabi niya na ikinahiya ko.

"Wala akong sakit. Ano ba kasi 'yung sinasabi mong gusto mo ako. Baliw ka siguro 'no, parehas tayong Lalaki." Muli ko itong sinungitan para matakot sa'kin, lalo na't mas malaki ako sa kaniya.

"Pero gusto kita. Ang cute mo kasi kapag masungit ka." Diretso nitong sabi na parang hindi pinagiisipan.

Natawa ako sa sinabi niya pero ang init sa aking mukha ay hindi na mawala dahil sa pag-pupumilit niya. Napaka-kulit ng batang ito. Dalawa siguro ang puyo niya.

Glamir Series: BRANDON (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon