Glamir Series 1: BRANDON
Nagising akong tagaktak ang pawis. Sumalubong sa'kin ang nakaka-silaw na ilaw at kulay puting kisame. Nilibot ko ang aking paningin kung nasaan ako.
Kaunti lang ang gamit dito. Kulay puti ang lahat at may isang Lalaki ang natutulog sa gilid ko."Brandon..." paos kong tawag sa pangalan niya. Mabilis siyang gumising at tinignan ako.
"Primo, gising kana?" Sabi nito.
Tumango naman ako at inayos ang higa. Umupo ako sa kama at kinumutan ang kalahati ng katawan.
"Guys!"
Pumasok si Ismael na may pag-aalala sa mukha, sunod si Hansel na seryosong naka-tingin sa'kin.
"A-anong ginagaw ko dito?" Tanong ko ng makitang nasa Hospital ako.
Lumapit sila sa'kin, si Brandon ay nasa tabi ko habang hinahaplos ang ulo ko. Si Ismael naman ay hindi parin mawala ang pag-aalala sa mukha nito.
Kung makita lang niya kung ano ang itsura ng loko matatawa siya. Si Hansel naman ay pirming naka-tayo sa likod ni Ismael at sa'kin naka-tingin.
"Nabagok ka at hinimatay, mabuti at nakita ka ni Hansel kaya dinala ka niya dito sa Ospital ng kambal." Si Ismael ang sumagot. Tinignan ko naman si Brandon na parang maiiyak na.
"Sorry." 'Yung ang lumabas sa bibig niya. Naka-yuko at hindi ako magawang tignan. Nakaka-tawa naman mga mukha nila, para silang namatayan e buhay na buhay nga ako.
"Kasalan ko 'to, kung hindi sana ako nag-lasing hindi mangyayari 'tong lahat. Sorry Primo." Pag-hingi niya ng tawad.
"Ako ang may kasalanan, hindi kita mabuhat." Natatawa ko namang sabi na siyang nagpa-seryoso sa mukha niya.
"Lalo mo lang ako kino-konsensya e, alam mo namang mahal na mahal kita." Malambing niyang sabi kaya mabilis uminit ang mukha ko.
"Tama na 'yan, tinawag ko na si Victor para tignan ka." Pag-singit ni Ismael at masamang tinignan si Brandon.
Patuloy parin ang pag-tatanong nila sa'kin kung ayos lang ako, at sinasagot ko naman sila na Oo, bago pumasok si Victor.
"Ayos naman siya." Biglang sabi ni Victor nang maka-pasok. Agad naman siyang binatukan ni Hansel.
"Gago, anong ayos e hindi mo pa naman siya natitignan." Masungit niyang sabi. Napa-kamot nalang sa batok si Victor.
"Maayos na nga siya. Unconscious lang siya dahil sa pagka-bagok, walang bleeding na nakita, maging fractured." Sagot ni Victor.
"Pwede na siyang lumabas ngayon, lalaki lang ang ibabayad ko e, buti sana kung sagot nung isa d'yan 'yong bills." Parinig na sambit ni Victor.
Umiling lang si Ismael dito.
"Nawala amats ko sa'yo Primo. Pinag-alala mo kami." ani Victor kaya tinawanan ko lang ito.
"Si Jacob nasaan?" Tanong ko.
"Hinatid ko na siya sa bahay nila." Sagot ni Ismael.
Naku, siguradong imbis na mag-alala sa'kin 'yun ay kinikilig pa ito dahil hinatid siya ni Ismael.
"Masakit paba?" Tanong ni Brandon. Umiling nalang ako dahil wala naman na akong nararamdaman.
"Anong oras naba? ilang oras ako walang malay?" Tanong ko sa kanila.
"10 Hours kang walang malay. Tangghali na po." Si Victor ang sumagot.
Ang tagal ko palang nawalan ng malay. At sa loob ng sampung oras na 'yun ay naalala ko ang pagka-bata namin ni Brandon at Wendi.
BINABASA MO ANG
Glamir Series: BRANDON (BoyxBoy)
General FictionI met a man who looked at me with respect, I met a man with manners and He love me for who and what am I-despite of being a gay, and that man is Brandon.