Glamir Series 1: BRANDON
Natuloy ang plano namin ni Ismael na uminom sa bahay. Maaga siyang pumunta dito para sunduin ako dahil pupunta kami sa bayan para bumili ng mga alak.
Nasa baba siya ng bahay habang ako ay nasa second floor sa kwarto. Wala akong mahanap na isusuot ko, lalo pa't hindi ako nakapag-laba ng ilang araw dahil busy ako sa trabaho.
Nang maalala ay agad kong kinuha ang paper bag. naka-ngiti kong binuksan at kinuha ang laman sa loob.
Simpleng white polo shirt at khaki short ang laman pero para sa'kin ay parang ang mahal at importante sa'kin ng bagay na 'to.
Nang maisuot ay humarap ako sa salamin, pinagmasdan ko ang suot dahil talagang bumagay ito sa'kin, yung puti at khaki na kulay ay nag-blend sa balat ko kaya mas lalo akong pumuti tignan, pinaresan ko pa ito ng kulay brown na tsuno bag at puting sapatos.
Napa-tingin naman ako sa maliit kong mukha, ang matabang kong pisngi at mapupula kong labi. Panget ba ako? bakit hindi ako nagustuhan ni Brandon?
Mapait akong ngumiti dahil sa mga pinag-iisip, hindi ko parin naman nakakalimutan ang nangyari. Pero alam ng puso ko gaano ako kasaya dahil sa damit at sulat na binigay niya.
Hindi naman ako kalakihan, siguro mga 5'6 kumpara sa mga kasama ko na mga 6 footer ang tangkad, sakto lang din ang katabaan ng katawan ko na may kaunti naman shape.
"Perfect!"
Bumaba ako na may ngiti sa labi. Pag-baba ko ay naka-upo si Ismael sa sofa habang inip na mag-titipa sa kaniyang cellphone.
Nang makita ako ay mabilis siyang tumayo at sinalubong ako.
Naka-suot siya ng black tshirt at black short, pero hindi gaya ko ay naka crocs lang ito pero sobrang angas ng dating niya. Idagdag mo pa ang suot niyang shades na itim din. Gwapo.
"Wow, nag-effort kapa talaga, para lang malaman mo 'no, hindi po ito date." Napa-ngiwi ako sa sinabi nito.
Sa tingin ba niya makikipag-date ako sa kaniya? Grabe naman kung maka-husga 'to, hindi ba pwedeng ayaw ko lang magpa-huli o ayoko lang mag-mukhang alalay niya pag-magkasama kami. Tsk.
"Ang dami mong dada, aalis ba tayo o hindi?" Tanong ko.
"Kaso wala tayong motor, ayos lang kung mag-lakad tayo?" Napa-kamot ito sa kaniyang batok.
Nagkibit-balikat nalang ako. May choice paba ako? Sumama ako sa kaniya kaya wala ng reklamo. "Sige, ayos lang naman." Sagot ko.
Sabay kaming lumabas ni Ismael.
Ilang hakbang palang ang nagagawa namin nang maka-salubong namin si Brandon, naka-simpleng white tshirt lang ito at itim na short na kagaya rin ng kay Ismael.
Pareho kaming nagulat. Hindi ko nagawang tignan siya sa mata dahil sa hiya. Hindi naman kasi ito sa'kin naka-tingin kun'di sa damit na suot ko.
"Pare, sama ka sa'min. Pupunta kami sa bayan." Pag-aya ni Ismael.
Masasapak ko talaga ang Lalaking 'to e, alam naman niyang hindi kami ayos ni Brandon tapos pasasamahin pa niya sa lakad namin.
"Si-sige, papunta din naman ako do'n may bibilhin." Sagot naman ni Brandon.
Patay na.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko habang kasabay ko mag-lakad silang dalawa. Nasa gitna nila akong dalawa, malaki ang espasyo dito sa gilid ng kalsada kaya siguro kasiya ang lima kahit tabi-tabi.
Kainis!
"Hindi na kita nakikita nitong nakaraang araw, saan ka pumupunta? Sama ka naman sa'min ni Primo mag-iinuman kami sa kanila ngayon." Si Ismael ang unang nag-salita.
BINABASA MO ANG
Glamir Series: BRANDON (BoyxBoy)
General FictionI met a man who looked at me with respect, I met a man with manners and He love me for who and what am I-despite of being a gay, and that man is Brandon.