Chapter 21

688 63 7
                                    

Glamir Series 1: BRANDON

Hindi parin ako maka-paniwala dahil sa nangyari, kahit pa naka-labas na kami sa ospital ay halata parin sa'kin ang gulat at syempre kasiyahan.

Nasa biyahe kami ngayon pauwi sa bahay, sakay kami ng isang puting van kung saan kasama sila Papa. Naiwan ang kambal dahil kailangan nila mag-trabaho.

"Primo, hindi ako maka-paniwalang buntis ka rin!" Masayang wika ni Tim at matamis na ngumiti.

"Maybe this is the time to forget everything and start a new chapter of our lives." Dagdag nito.

Tama siya, dahil sa paparating kong responsibilidad hindi makaka-tulong sa'kin kung iisipin ko pa ang mga walang kwentang nangyari sa'kin, siguro maiiwan sa isip ko ang masasayang araw at ang mga bagay na nakapag-pagaan ng loob ko.

Gaya ng sabi ko, si Tim ay ang matapang na version ko, dapat gayahin ko siya.

"Kahit ako hindi maka-paniwala Tim, hanggang ngayon halos hindi parin ako maka-move on." Magkahawak kaming kamay at habang masayang nag-uusap.

Marami siyang sinabi sa'kin na mararanasan ka kapag bumilog na ang tiyan ko katulad ng sakaniya, 'yung mga pag-babago sa'kin na normal lang naman sa isang buntis. Masaya ako na nasa tabi ko si Tim, kahit paano ay may nalaman ako ng mga bawal at hindi dapat gawin kapag ikaw ay buntis.

"Bibisitahin ko kayo sa mga susunod na araw, I'll focus on work first, but if you need anything, just tell me." Mahabang sabi ni Papa mula sa dulong upuan ng van.

"And of course take care of yourself Primo, I will send you fruits and vitamins." Dagdag pa nito.

I truly appreciate what my Papa's doing. siguro bumabawi lang ito sa mga taon na hindi kami nag-sama, pero para saakin ay gano'n talaga mag-mahal ang isang ama, handang gawin ang lahat para sa anak.

"Thank you Papa."

Kasama namin si Tim dahil sa bahay muna ito mag-papalipas ng araw. Nahihiya pa nga ito at sinabing linggo or ilang buwan lang daw siya pero pinilit ko siya na hanggang manganak ako.

Sa lagay ko ngayon at sa lagay niya, hindi ko siya pwedeng pabayaan na walang kasama, at ako naman ay napalapit na sa kaniya, gusto ko pa siyang makilala at syempre gusto ko ng may kausap ako na naiintindihan ang nararamdaman ko lalo pa't parehas kaming buntis.

Pagbaba namin ay agad humampas ang hangin sa'king mukha, tama lang ang lamig nito at napaka-sarap sa pakiramdam. Sobrang na-miss ko ang glamir.

"Pasok na tayo Primo."

Inalalayan ako ni Brandon na parang may sakit. Hawak niya ang kaliwa kong kamay at naka-pulupot ang kanan niya sa aking bewang. Sa ginagawa niya ay sobra akong nahihiya.

"Bakit ganiyan ka maka-alalay sa'kin Brandon? ayos lang naman ako, wala akong sakit." Inalis ko ang kamay nito na nakahawak sa kaliwa ko at nag-lakad. Naiiling nalang ako sa Lalaking 'to.

"Mauuna na kami ng Kuya, mo tumawag ka sa'kin bago ka matulog." Paalam ni Papa.

Kinawayan ko sila ni Ismael bago bumalik sa van, pinanood kong umalis ang van bago kami pumasok tatlo sa bahay.

"Maupo ka muna sa sofa Tim, ikukuha lang kita ng tubig."

Hindi pa man nakaka-upo si Tim ay nag-salita si Brandon.

"Ikaw din umupo ka na, ako na kukuha ng tubig niyo."

Kumuha siya ng tubig para sa'min ni Tim, umupo naman ako sa sofa at sumandal.

Sa sobrang daming nangyari sa'kin hindi ko akalain na may darating palang biyaya, sa sobrang daming masasamang nangyari sa'kin ay mas doble pa ang ibinalik na saya at kaligayahan sa'kin.

Glamir Series: BRANDON (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon