Chapter 29

581 50 12
                                    

Glamir Series 1: BRANDON

Kahit mahapdi ay niyakap ko si Brandon ng magpit. Masyadong makapal ang suot kong long sleeve kaya kahit pumatak ang dugo ko ay hindi ito makikita ni Brandon, idagdag mo pa na kulay itim ito.

"Thank you gumising ka!" Naiiyak kong sabi.

Tipid itong ngumiti dahil ilang linggo itong tulog, alam kong may nararamdaman pa siya kaya bumitaw ako ng yakap.

"Tatawagin ko lang sila Victor."

Mabilis akong lumabas at nag-sisigaw na parang baliw. Tinatawag ang pangalan ng kambal para makuha ang atensyon nito.

"Bakit Primo? may nangyari ba kay Brandon?" Tanong ng kaka-rating lang na si Victor. Tumango naman ako.

"Oo, may nangyari."

Mabilis nag-iba ang ekspresyon niya na tila kinakabahan.

"Gising na siya..." Naka-ngiti kong sambit.

Napa-buntong hininga ito dahil sa sinabi.

Mabilis siyang tumakbo at pumasok sa room ni Brandon, may kasunod itong isang nurse kaya sumunod din ako.

"Brandon ayos kana ba? may nararamdaman kang masakit?" Rinig kong tanong ni Victor nang maka-pasok ako.

Dahan-dahan akong lumapit, muli nanaman nanubig ang mga mata ko ng mapag-tantong totoo nga at gising na si Brandon, hindi guni-guni ang nakita ko kanina.

May ngiti sa labi kong pinapanood ang ginagawang pag-examine ni Victor kay Brandon, pinanood ko lang ito ng tahimik hanggang sa matapos.

"Thanks god! pinag-alala mo'ko pre, gago ka." Isang malalim na bunting-hininga ang pinakawalan ni Victor matapos no'n.

"Maiwan ko na kayo, tatawagan ko muna sila Ismael."

Tinapik nito ang balikat ko bago lumabas kasama ang nurse.

Ako naman ay dahan-dahan na nilapitan si Brandon na umayos ng higa. Ngumiti ito sa'kin na halos magpa-lambot ng mga tuhod ko.

Sobrang na-miss ko ang mga ngiting 'yan. Sobrang kinasabikan kong makita ulit ang ngiti niyang nakaka-panghina.

"Tahan na Primo," Pinunasan nito ang mga luha ko. "Gising na ako, sorry kung pinag-alala kita, sorry at nasaktan kita." Dagdag niya.

"Pero..."

Nagulat ako ng kunin niya ang kamay ko at itaas ang sleeve ng suot, tinapunan niya ako ng nag-aalalang tingin na siyang ikina-kirot ng puso ko.

I'm sorry, hindi ko alam na magagawa ko ang mga bagay na 'to.

"Akala ko guni-guni kong lang ang nakitang ginawa mo," Marahan nitong pinisil ang kamay ko. "Bakit mo ginawa 'to sa sarili mo Primo?"

Hindi ko magawang tignan ito, matalim ang tingin na ginagawa niya dahil sa galit at naiintindihan ko ito.

"Primo," Mahinahon niyang tawag sa pangalan ko pero nanatili akong tahimik at hindi siya tinitignan.

Glamir Series: BRANDON (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon