Glamir Series 1: BRANDON
Pinilit kong idilat ang mga mata kahit na may nararamdamang hilo, hindi ko maaninag ang taong nag-mamaneho pero alam ko ay lalaki ito.
"Pwede ba bilisan mo, anong oras na oh!" rinig kong reklamo ng ni Mitzy.
Kahit nahihilo ay nagawa kong umayos ng upo mula sa pagkakahiga. Nasa backsit ako at ang dalawang dumukot sa'kin ay nasa harapan ko.
Mitzy bakit mo 'to ginagawa mo? Tigilan mo na kami please lang.
"Good afternoon Disney princess." Nabaling ang tingin ko kay Mitzy ng mag-salita ito, naka-tingin ito sa'kin mula sa rearview mirror.
"Mitzy..." Halos walang lumabas na boses mula sa'kin dahil sa panghihina at hilo.
"Matulog ka nalang ulit, malayo pa ang biyahe natin." Wika nito bago tumingin sa kasamang nag-mamaneho.
Panandaliang huminto ang sasakyan, matapos nun ay bigla nalang akong nakaramdam ng sakit sa aking ulo.
Ngunit bago ako tuluyang mawalan ng malay ay nakita ko ang may gawa no'n, at sigurado ako.
Ang asawa ni Tim.
Pag-dilat ko ay natagpuan ko nalang ang sarili sa isang luma at kahoy na upuan, naka-tali ang aking mga kamay at paa.
Nilibot ko ang paningin para tignan kung nasaan ako pero wala akong makitang liwanag maliban sa ilaw na nasa itaas ng aking ulo.
Madilim, mabaho at nakaka-takot ang nakikita ko. Hindi ko alam kung saan nila ako dinala, pero natatakot na ako para sa anak namin.
"Tulong!" Sigaw ko.
Pilit kong kinakalas ang tali sa kamay pero hindi ko magawa, masyadong mahigpit at halos mag-iba na ang kulay ng aking kamay.
"Tulong!" Pag-ulit ko pero tila walang nakaka-rinig.
Maya-maya ay may narinig akong mga yabag, habang papalapit ito ay mas lalong nadadagdagan ang takot na nararamdaman, na parang sa bawat hakbang nito ay unti-unting nahihirapan ako huminga.
Ilang sandali ay pumasok si Mitzy, sa likod niya ang asawa ni Tim. May ngiti sa kanilang mga labi habang naka-tingin sa kalagayan ko.
"Sigurado ka ba na mapapa-punta natin sila dito dahil sa baklang 'to?" Rinig kong tanong ni Mitzy.
Ano? Sinong pupunta?
"Yeah, Lalo na 'yung asawa niyang bakla rin." Sagot naman ng Lalaki.
"Hey! h'wag mong tawaging bakla si Brandon, straight 'yun. Ginayuma lang talaga siya ng baklang 'to kaya pinatulan siya." Maarteng sambit ni Mitzy.
Halos mag-pantig ang tenga ko sa narinig, si Brandon?
Gayuma? The fuck mitzy, uso paba 'yon sa panahon ngayon? bakit isisisi mo sa gayuma kung hindi ka talaga gusto ni Brandon? Hindi niya lang talaga matanggap na ako ang pinili.
"Bakit kayo mag-kasama? Hindi ba naka-kulong kayo?" Tanong ko.
Mas lumapit sila sa'kin kaya natikom ko ang aking bibig.
"because we will take what is his and what is mine." Sagot ni Mitzy.
Hindi ko na sinubukan pang mag-salita. ayokong galitin pa sila dahil baka saktan nila ako, baka saktan nila kami ng anak ko.
"Hindi ka ba nag-tataka bakit kami mag-kasama?" Tumabi sa'kin si Mitzy at hinawakan ang buhok ko, maya-maya ay sinabunutan niya ako pero mas pinili kong tiisin ang sakit.
"Wala akong pake sa storya, basta ang alam ko, pagbabayaran niyo ang ginawa niyo sa'kin." matigas kong sabi.
"Patawa ka rin bakla, paano? alam ba nila na dinukot ka namin? at kung alam nila," Tumigil ito, gaya ni Mitzy ay lumapit din ito sa'kin. "alam ba nila kung saan ka hahanapin." dagdag niya bago hawakan ang mukha ko na mabilis ko namang iniwas.
BINABASA MO ANG
Glamir Series: BRANDON (BoyxBoy)
General FictionI met a man who looked at me with respect, I met a man with manners and He love me for who and what am I-despite of being a gay, and that man is Brandon.