Chapter 5

1.2K 86 19
                                    

Glamir Series 1: BRANDON

Mabilis akong tumayo at lumabas ng bahay dahil sa hiya. Pag-labas ko ay agad akong nag-libot upang maghanap ng pwede kong bilhin.

Ang ending ay kila Ate Amy ako pumunta. Konti lang kasi ang nag-titindi dito sa sa'min, halos layo layo ang pagitan ng bawat bahay, tanging bahay lang ni Lolo at bahay nila Brandon ang magka-lapit ang iba ay sobrang layo ng pagitan.

Sila Ate Amy ay nagtitinda ng mga luto sa buko, like Buko pie mga palamig na gawa rin sa buko, naalala ko nung isang araw lang kami nagkita ni Brandon dahil sa buko na 'yan.

Let say sila Ate Amy ay may kaya kumapara sa iba, may sarili itong tindahan ng niluluto niyang mga buko pie, at meron ding hiwalay na tindahan ng sari-sari store.

"Hi Primo! anong bibilhin mo?" Tanong ni Ate Amy

Bumili lang ako ng limang buko pie at dalawang bote ng malaking softdrinks, pwede na siguro 'to laman tiyan.

Umalis din agad ako sa tindahan ni Ate Amy pagtapos ko bumili nginitian pa ako nito bago tuluyang umalis.

Ilang hakbang palang ang nagagawa ko nang biglang may humarurot na dalawang motor sa aking likod, muntik ko pang mabitawan ang dalang pagkain.

Ang malas ko talaga sa kalsada, siguro sa susunod h'wag nalang ako lumabas. Baka mamatay ako ng hindi pa natataniman ni Brandon. Estes nakikilala.

“Bwisit, akala mo kung sinong may ari ng lupa kung mag-patakbo.” Singhal ko bago ipinag-patuloy ang pag-lalakad hanggang sa matanaw ko ang bahay ni Lolo.

Dahil sa pag-lilinis na ginawa namin ay mas lalong gumanda ang lumang bahay ni Lolo, akalain mo 'yon. Mapapa-ganda ko pa pala ang naiwan ni Lolo .

'Yung dating naninilaw na kulay ng labas ng bahay ni Lolo ay medyo pumuti dahil nilinisan namin ito, 'yung paligid din na nung unang dati ko ay puno ng mga bulok na dahon ay wala na rin kaya tanaw mo ang lawak ng bakuran ni Lolo.

Nang malapit na ako ay bigla akong napa-hinto nang may mapansin akong dalawang big bike na motor, naka-parada sa tapat mismo ng bahay ni Lolo, parang ito 'yung dalawang motor kanina.

'Yung motor na muntik na akong patayin. Grabe, ang liit nga naman ng mundo. Pwede ko naman siguro silang sapakin hindi ba? At teka...anong ginagawa nila dito sa bahay?

Bwisit na Ismael talaga!

Mabilis kong nilakad ang bahay at mabilis kong binuksan ang pinto.

Una kong nakita ay ang dalawang Lalaki na matangkad at naka-talikod sa'kin. Nang mapansin nilang nandito na ako at naka-titig sa kanila ay sabay silang humarap sa'kin.

Laking gulat ko nang makita ang kanilang mukha.

Kambal sila?

Mas lumapit pa ako para tignan kung tama ba ako, sa malapitan ay mas lalo lang akong naduduling sa dalawa.

Parang wala naman silang pinagka-iba sa isa't-isa. Ano ba talagang nangyayari?

“Laway mo Primo.”

Awtomatikong napa-punas ako sa aking labi dahil sa sinabi ni Ismael. Narinig ko silang tumawa maging si Brandon dahil sa ginawa ko.

“Nag-papasok ka nanaman?” bulong kong sabi nang maka-lapit ako kay Ismael.

“By the way, this is Vistro at Victor. As you can see, kambal sila.” pakilala ni Ismael kaya nginitian ako nung dalawa.

The hek! Pati ngiti pareho, ano bang magka-iba sa kanila? Sukat ng---Ano ba 'tong iniisip ko? Nakaka-hiya na.

Glamir Series: BRANDON (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon