🍒🍉Chapter 13 : Am I Inlove?🍉🍒
🍌Khaye POV🍌
Halos magdamag kong iniisip yung sinabi saakin ni Yumie. Pass 3 AM na hindi parin ako makatulog.Ano ba kase ang ibig sabihin ni Yumie?Saka bat naman nya pagsalitaan nang ganun si Syndy?Ang bait kaya nun.Dahil sa wala na talaga akong magawa.Nag fb muna ako.
Scroll down
Scroll up
Like dito
Like doon
Comment dito
Comment doon
Share dito
Share doon
"Ang bored"usal ko sa sarili ko.Mag o-out na sana ako nang may nag pop na isang message.Tinitignan ko kung sino yun.
"Zion?"wala sa sariling usal ko.Tinignan ko nalang ang chat nya
"Hey bat gising ka pa?"
Di ako pinatulog ni Yumie ehh.Yan sana ang isasagot ko kaso wag na.Nagtype nalang ako ng iba
"Baba ka"
Di pa nga ako naka reply may chat na agad!
"Okay wait" reply ko sakanya at dahan-dahang binuksan ang pinto.Naka patay ang lahat ng ilaw.Nakita ko kaagad si Zion sa baba dahil sa ilaw ng kanyang selpon.Kaagad na akong bumaba.
"Bat moko pinababa?"mahinang tanong ko sakanya. Pero imbes na sagutin ako ay hinila nya ako papunta sa kitchen.Binuksan nya ang glass door at in-on ang ilaw.
"Ipagtitimpla muna kita ng gatas"sabi nya saakin at pina upo sa counter malapit sakanya.Nag init muna sya ng tubig.
"Nga pala bat gising kapa?"tanong nya saakin maya-maya "Is there something bothering —"
"Wala naman"putol ko sakanya.Ayaw kong malaman nya ang sinabi ni Yumie saakin.
Maya-maya ay nilapag na nya ang gatas ko at gatas nya sa mesa.Pinalamig muna namin dahil masyadong mainit ehh baka mapaso pa ang napakagandang dila ko.
"Khaye"mahinang tawag nya saakin.
"Hmm?"sagot ko tumingin sakanya.Pumunta sya sa harap ko at tinignan ako. Kakaiba ang paraan ng pagtitig nya "B-bakit?"
"Why you're so beautiful?"tanong nya.Biglang nang init ang pisngi ko.Geez simpleng banat lang yan Khaye wag kang masyadong affected!
"Zi—"di natapos ang sasabihin ko ng itinukod nya ang dalawang kamay nya sa mesa.Bale nasa gilid ko ang mga kamay nya.Nakatingin sya mga mata ko pababa sa—Labi? "Z-zion a-ano—" di natapos ang sasabihin ko ng angkinin nya ang labi ko.Naramdaman kung ginalaw nya ang mga labi nya.Nakakalasing!
Itutulak ko na sana sya ng mahawakan nya ang kamay ko at pinatong iyon sa magkabilang balikat nya.Napa igtad ako ng pinalibot nya ang braso nya sa bewang ko at dahan-dahan akong binuhat pa upo sa sink.Ramdam na ramdam ko kung paano nya ako halikan.He kiss me passionately like there's no tomorrow.Namalayan ko nalang sa sarili ko na sinabayan ko na sya sa bawat galaw nya.Naramdaman kung ngumiti sya at mas lalo pang pinalaliman ang halik na pinag saluhan naming dalawa.Nadadala ako sa paraan ng paghalik nya.Sobrang lakas ng kabog ng pakening heart ko nung humiwalay na sya labi ko.Nakangiti syang tumingin saakin at litaw na litaw ang dimples nya.Damn that dimples.
"B-bakit—"
"Shh"putol nya saakin at hinalikan ang tuktok ng ilong ko.Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at hinaplos ito.Yung kaliwang kamay nya ay nakahaplos sa sa kaliwang pisngi ko habang yung kanan nagsimula nang haplusin ang labi ko.Nginitian nya ako. "You're so cute when you're blushing"he chuckled!Mas lalo tuloy akong namula.
"U-umalis ka nga sa harap ko Zion"inis kung utos sakanya.Tinawanan lang nya ako.
"Alright"tumatawang saad nya.Bago pa sya umalis ay kaagad nya akong hinalikan.Smack lang saka na sya bumalik sa upuan ko kanina.Sumunod ako sakanya at kinuha na ang gatas ko.
"Lumamig na tuloy.Kaw kase ehh"may halong inis king saad sakanya
"Nagpadala ka naman"tumatawang saad parin nya
"Nakakala—Argh!"di ko nalang tinuloy ang sinabi ko dahil baka pagtripan pa ako ng asong toh.
Nang matapos na ako ay kaagad ko na itong nilagay sa lababo.Si Zion na ang naghugas.Lalabas na sana ako ng magsalita sya.
"Hintayin mo muna ako"
"Kailangan paba?"tanong ko at tinignan sya.
"Oo.Yes"sagot pa nya.Inirapan ko lang sya.Natawa naman sya sa inasta ko.
"Heh!Bilisan mo na nga jan.Tagal neto ehh dalawang baso lang naman yan"
"Of course!Dapat wala nang germs na natira"
Abugh!Marunong din ahh!
Di ko nalang sya pinansin at pinake alaman ang selpon nya.Mabuti nalang di umangal.Patingin-tingin pa ako sa apps nya hanggang dumapo ang tingin ko sa gallery nya.Pakatingin nya.
"Nge!"usal ko ng pagpindot ko da gallery ay kailangan pa ng password.Baka porn to kaya nya nilagyan ng password.Hmm.
Tumingin-tingin nalang ulit ako sa apps nya.Dumapo na naman ang tingin ko sa ML nya.Makalaro nga.
"Tara na!"sabi nya saakin at sakto rin pagtap ko sa app na ml
"Pahiram ha"sabi ko sakanya at ngumiti
"Hiram ka jan!Ehh ginamit mo na nga yan"umiiling-iling nyang saad. "Tara na nga"dagdag nya at pinatay ang ilaw.Sinara narin nya ang glass door at hinila na ako paakyat.Medyo mabagal ang bawat lakad ko dahil nagsimula nang mag start ang laro.Gamit kong ay si Karina.With skin pa!Astig ha.
"Kyaa—hmmmpp"di natapos ang tili ko ng takpan nya ang bibig ko.
"Wag kang maingay"bulong nya saakin at pina ayos ako sa pagkabuhat nya.
Di nalang sya pinansin at hinayaan nalang na buhatin ako.Baka matalo pa ako.Rank pa naman toh.Baka natawag akong cancer—este si Zion pala dahil account nya ang gamit ko.Pfft.Mabuti nalang talaga expert na ako sa larong toh.Nakaka inggit nga lang si Zion dahil Mythic na sya tas ako nasa Legend pa!Pabuhat kaya ako sakanya?Hmm okay yun ha.
Namalayan ko na ang malambot kung higaan.Di nya ako pinahiga dahil ayaw ko namang humiga.Naka upo lang ako habang seryosong nakatingin sa laro.Naramdaman kung tumabi saakin si Zion at pinanood akong maglaro.
"Maniac"
"Galing ha!"Puri nya saakin nang makapatay ako ng apat which mean is Maniac "Patayin mo yung isa ohh"turo nya kay Karrie na nagtatago na sa mga damo.Mabuti nalang si Karina tong gamit ko kaya ko nang patumbahin ang kalaban.
"Savage"
"Ang galing!"puri nya saakin at bigla akong niyakap.Habang yakap nya ako ay naramdaman ko na ang lakas ng kabog nitong puso ko.Bakit ganito?Pag kasama ko si Zion palage nalang ganito.
Am I In love?
![](https://img.wattpad.com/cover/361524681-288-k986660.jpg)