C31

333 6 0
                                    

Chapter 31 : Deal

Syndy's POV

Makukuha rin kita Zion! Maghintay ka lang!

Kasalukuyan na akong umiinom ng milk tea sa isang resto na nadaanan ko kanina. Wala akong kasama dahil gusto kong mag-isip ng paraan kung paano ko makuha si Zion mula sa haliparot na Keira na yun! Hmp!

"Miss? May I join you?" Napa-angat ako ng tingin ng biglang may nagsalitang lalake sa harap ko. Gwapo sya pero mas gwapo parin si Zion. Tumango ako sakanya. Saka naman sya umupo. "Bt the way. You are Syndy right?"

"Uhm" sagot ko at tumango-tango.

"Im Lance, anyway." Saad nya sabay lahad ng kamay nya. Inabot ko naman iyon.

"Bat pala dito ka umupo?" Tanong ko sakanya maya-maya!

"I just want to deal with you" sagot nya

"Deal?"

"Yeah! You know Khaye right?" Tanong nya. Tumango ako " She's my ex. I still love her. I want to get her back that's why I want to deal with you"

" Anong ibig mong sabihin? "

" As far as I know! Nag-away kayo ni Khaye. Gusto ko sanang makipag-kaibigan ka ulit sakanya—"

" What?! "Putol ko. Argh! Makipag-kaibigan? Ehh karibal ko nga ang babaeng yun.

" Tsk! Patapusin mo muna ako" aba ang sungit ahh

"Go on" bored kung sagot

"Yun na nga. Makipag-kaibigan ka sakanya pero alam ko namang galit ka sakanya kaya pwedeng plastik nalang muna. Pag naging successful ka sa pagpapanggap. May gagawin tayo"

" Ano? "

" Ladies Party"nakangising sagot nya

" Huh?"

" Ladies party ang gagawin mo. Yung valid reason mo is dahil bati na kayo at kailangan ng selebrasyon. Basta babae lang kayo ahh. Wag magsama ng ibang lalake baka bastusin si Khaye. So yung iinomin nyang alak ay lalagyan mo ng pampatulog at ako na ang bahala sakanya. "

" So? "

" Tsk! Pupunta kami sa hotel ni Khaye habang tulog sya.

Naglakad na ako papalabas ng resto nang may narinig akong iyak ng babae. May multo ba dito? Grabe naman ang aga² pa!

Dahil tsismosa ako kaya ayun sinilip ko.

"Khaye"mahinang banggit ko. Umiiyak sya? Bakit?

Oww!Kailangan nya ng comfort!Whahaha let the deal begin!

Lumapit ako sakanya. Nang mapansin nya ako ay kaagad nyang pinunasan ang luha nya sabay irap saakin. Ouch! Sakit nun bestfriend ha—wait bestfriend? Eww!

"Teka lang Khaye" tawag ko sakanya. Huminto sya pero di ako nilingon.

"Anong kailangan mo Syndy? Away? Wala ako sa mood—"

" No! Hindi ako nandito para makipag-away. Wala na akong planong awayin ka pa kase alam ko na namang hindi ko na makukuha si Zion! Nandito ako bilang kaibigan mo. Khaye bat ka umiiyak? " Gusto ko nang bawiin lahat ng sinabi ko.

" Wala ka na dun"ang sungit!

" Khaye naman! Kalimutan na natin ang nangyare. Ayaw kong nag-aaway tayo dahil lang sa isang lalake. "

" Anong ibig mong sabihin? "

" Gusto kong maging kaibigan ko kayo ulit"kunyare sincere kong sambit.

" Mahirap ng ibalik—"

" Papatunayan ko sainyo Khaye. Hindi na ako yung Syndy na kinagagalitan nyo. Ako na to si Syndy na kaibigan nyo" nakita kong dahan-dahan syang lumingon saakin. Suno-sunod na tumulo ang luha nya.

"Syndy. Huhuhu" nilapitan ko sya at kaagad na dinaluhan ng yakap. May part saakin ang naawa dahil naging kaibigan ko sya. May part rin saakin ang—argh! Hanggulo! Syndy think about the deal! Tama! Para sa deal. Para kay Zion!

"Puntahan na natin sina Yumie" yaya ko sakanya.

Zion's POV

"Sir hindi po namin sya mahanap—"

"The fvck! Hanapin nyo sya kung ayaw nyong mawalan ng trabaho!! "Inis kung sigaw sa inutusan ko. Saka pinatay ang tawag.

Argh! Where are you Khaye?

Napatingin ako sa pintoan ng room ko ng bigla itong nagbukas. How come? Pano sya nakapasok sa condo ko?

"Anong ginagawa mo dito?" Malamig kung tanong sa babaeng naging dahilan ng paglayo saakin ni Khaye.

"Sino ba ang babaeng yun?"

"Why do you care?"

"Zion! Wala ka namang makukuha sa babaeng yun—"

" SHUT UP!! " Sigaw ko sakanya.

***Ringggg***

Kaagad kong dinampot ang selpon ko at sinagot ang tawag.

"Sir nasa EHU na sya—"

Di ko na sya pinatapos dahil kaagad ko ng pinatay ang tawag.

"Zion!" Di ko sya pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa paglakad! Hanggang sa makarating ako sa parking lot. Kaagad ko ng pinaharutan ang sasakyan ko.

Ano bang pumasok sa isip ko at hinalikan ko ang babaeng yun? Magsisi ka Zion! Bat di ko napigilan ang sarili ko? Argh! Ano ng gagawin mo Zion? I know mawawala na ang babaeng mahal mo. Ano na Zion?

"Kainis!"

- EHU -

Pagkapasok ko sa eskwelahan ay kaagad na akong nagtungo sa classroom namin. Sana nandun pa si Khaye!

"Bat kasama mo yan?" Rinig kong tanong ni Saab nang nasa tapat na ako ng pinto. Kaagad ko nang binuksan yun kaya napatingin sila saakin. Sila nalang apat ang nasa loob.

"Uuwi na ako" malamig na sambit ni Khaye at sinukbit ang bag nya.

"Teka lang. Di kaba sasama kay Zion?" Tanong ni Yumie

"H-hindi"

Bago pa makalabas si Khaye ay kaagad ko na syang hinila at niyakap.

"Labas muna tayo" rinig kong sambit ni Alex at lumabas na silang tatlo. Bat nandun si Syndy?

"Ano ba Zion!"Inis nyang saad at tinulak ako pero hinigpitan ko ang yakap kaya di nya ako natulak.

"K-khaye..."

"Bitawan mo nga ako Zion." Sa puntong ito ay natulak na nya ako. Nakita kong umiiyak sya. At nasasaktan ako. Nasasaktan akong nakikita syang umiiyak. At kasalanan ko pa.

"K-khaye m-mag-usap tayo"

"Wala na tayong dapat pag-usapan Zion"

"Khaye—"

" Wala na Zion!"

No! Alam ko ang ibig nyang sabihin at hindi ko makakaya tohh!

" Ta—"bago pa sya makapagsalita ay kaagad ko na syang siniil ng halik.

Ang Boyfriend Kong Adik Sa Kiss (Part 1)Where stories live. Discover now