C37

329 4 0
                                    

Chapter 37 : Liligawan Kita

Her POV

"Ate nasa labas si Kuya Zion" bungad saakin ng kapatid ko nang makapasok sya sa kwarto ko. Isang linggo na ang lumipas simula nong bumalik na ang alaala ko. Hanggang ngayon ay wala parin talagang planong sabihin saakin ni Daddy ang totoo.

"Anong ginagawa nya dun?" Seryosong tanong ko sakanya.

"Aba ewan ko lang" sagot nya.

"Papasukin mo nalang dito" saad ko nalang at nagpatuloy sa pagsusuklay ng buhok ko. Haist!

Maya-maya ay narinig kung bumukas ang pinto. Napatingin ako dun. Si Zion na may dalang bulaklak? Ehh?

"Anong trip mo,Zion?" Tanong ko. Nilagay nya sa mesa ang dala nya at umupo sa kama ko.

"Im sorry" Mahinang banggit nito at yumuko. Mula sa salamin ay kitang-kita ko ang malungkot nyang mga mata. Taka ko syang nilingon at nilapitan.

"Para saan?" Takang tanong ko. Tinunghay nya ang ulo nya at tinignan ako saka ngumiti ng pilit.

"Sa lahat ng kasalanan ko" pilit ngiting sagot nya. Napansin kung namumula na ang mata nya. Umiiyak sya?

" Zion umiiyak ka ba?"tanong ko at hinawakan ang ulo nya. Umiling sya at pinunasan ang namumuong luha sa mata nya. Saka ako nginitian. "Ano bang nangyare sayo Zion?" Dagdag ko.

" W-wala"sagot nya at nag-iwas ng tingin.

" Tsk! Oh bat ka nga nandito?"taas kilay kung tanong sakanya.

" Napapayag ko na tungkol dito si Tito Greg and tito..." Pabitin nya at nilingon ako nang may ngisi sa labi. Kaloka!

" Tito?"

" Tito Shan"sagot nya na ikinagulat ko. Don't tell me alam na nya? Owenjii

"A-alam mo na—" di ko tinapos ang sinasabi ko nang mapatayo ako. Nakangisi lang sya saakin habang ako ay gulat na gulat.

"Apparently YES!" Nakangising sagot nya.
"Whaaaaa—hmmmpp" kaagad nyang tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay nya.

"Wag ka ngang sumigaw jan. Tsk tsk tsk"inis nyang saad.

Abugh! Mood swing lang ang peg? Kanina umiiyak pa nga tas ngumisi tas nainis naman? Ayy galing!

"Pano mo nalaman?" Kalmadong tanong ko. Nang tinanggal nya ang kamay nya. Naupo muna sya sa kama ko saka ako sinagot.

"Sa ospital. Narinig ko kayo ni Khiro. Di naman talaga ako tulog nun ehh"

Bigla ko tuloy naalala ang babaeng sumagasa saakin. Sino nga kaya yun? Aish!

"Abugh! Ang tsismoso mo rin ano?" Pameyang-meyang kong tanong sakanya.

"Tsismoso ba tawag sa narinig ko lang?" Taas kilay naman nyang tanong saakin. Abugh! Marunong din ahh!

" Oo"sagot ko. Bigla kong naisip kung bat sya nandito. Matanong nga. "Bat ka nga nandito? Saka anong pinagsasabing pumayag sina daddy?"

"Nandito ako...Hmm"

" Ano nga?"

" Para..."

" Amp mo Zion!"

" Para kase..."

"Itutuloy mo o itutuloy mo?" Inis kong tanong

"Wala namang choices jan ehh"nakangusong sagot nya. Abugh! Pero infairness ang kyut. Uwu. But still naiinis ako. Tsk! Wala yang epek sakin Zion.

" Ano na?"

"Para ligawan ka" diretsong sagot nya na ikinatigil ko. Isa lang ang naiisip ko. Ang pamilya nya.

"P-umayag ako? Pumayag?"

"Mapapayag naman kita kaya whether you like it or not liligawan parin kita."nakangising sambit nya.

" Pero—"

" No buts,baby"putol nya saakin. Inirapan ko sya.

" Hindi—"

" Oo"

" Hindi pwed—"

" Pwede"

" Tangina patapusin moko!!"inis kung sigaw sakanya. Ang loko tumawa lang.

" Alright. Ano ba yun?"pigil tawang tanong nya saakin.

"May pamilya kang gago ka! Gagawin mokong kabet? Ha?" Inis kung tanong. Yung kaninang masayahing mukha ni Zion ay napalitan ng seryoso. Pero kalauna'y ngumisi din. Saka tumingin saakin.

"Mistress? I think? Yes?" Nakangising tanong nya saakin. Dahil sa inis ko ay binatukan ko sya.

"Bwesit ka talaga!!"

"HAHAHA!" tawa nya na mas lalo kung kinainis.

"Titigil ka o titigil ka?" Seryosong tanong ko. Nag lip bite sya para pigilan ang pagtawa at lumingon saakin.

"Saan mo naamn nakuha ang may pamilya ako?"

"Ano? Itatanggi mo ang pamilya mo?"

" Kung may pamilya naman ako. Sayo ko lang yun ibibigay hindi sa iba"seryosong sagot nya. Naramdaman kung nag-init ang pisngi ko. Anyare saakin? Tinamaan ng charm ni Zion? " Yung sa ospital? Anak yun ni Avery at jowa nya" dagdag nya.

May jowa si Avery? Ehh ano yung kiss nila?

" Bat mo sya hinalikan?"tanong ko pero di ako nakatingin sakanya baka makita nya ang pamumula ng pisngi ko.

"B-bigla lang kitang naisip" sagot nya saakin dahilan ng pagtingin ako sakanya. Na naabutan kong nakatingin din saakin nang nakangisi. "Nagseselos ka—?"

"Luhh di ahh" kaagad kung putol sakanya. At umiwas ng tingin. Pero ang totoo nagseselos ba ako? "Bat ikaw ang kasama nga? Bat di ang jowa nya?"

"May tampuhan sila" sagot nya. " Nagseselos kaba talaga? "

" O—hindi!"

Abugh! Pahamak na dila toh ahh

" You almost say that. Hmm bat mo tinanggi?" Tanong nya. Sa tanong palang nya alam ko nang nakangisi sya.

"W-wala akong tinatanggi" sagot ko. Napaigtad ako nang bigla nya akong niyakap patalikod. "A-ano ba Zion" pinatong nya ang baba nya sa balikat ko.

"Sagutin mo na ako" bulong nya saakin. Parang nagsitayuan ang mga balhibo ko sa binulong nya. Pero ano raw? Sagutin?

"Di pa nga pumapayag sagot agad?" Tumatawang tanong ko. Hinawakan ko ang kamay nya nasa tyan ko at pilit inalis yun.

"Subukan mong alisin Aliahyanna di mo talaga magugustuhan ang gagawin ko sayo" May halong pagbabanta nya saakin. Ako ba ang tinatakot nya?

" Ano ba Zion"inis kung saad. Sya na ang kusang nagtanggal sa kamay nya at kaagad akong pinaharap sakanya.

"Tsk! Stupid" bulong nya saakin kasabay siil ng halik. Nanlake ang mata ko sa ginawa nya.

"Ahh" daing ko nang kagatin nya ang pang-ibabang labi ko dahilan ng pagkaawang ng bibig ko at kinuha nya ang pagkataong ipasok ang dila nya. Ghad! Ito ba yung tinatawag nilang french kiss? Teka? Kaagad kong tinulak si Zion nang matauhan ako. Nakangisi syang tumingin saakin.

"Tinanggal mo kase" nakangising sambit nya at nilapitan ang bulaklak na dala nya at kinuha iyon saka lumapit ulit saakin.

"Bulaklak para sa napakagandang binibini na nakita ko" sambit nya nginitian ako. Ngiting kitang kita ang dimples nyang napakalalim. Ang pogi talaga.

"S-salamat" naiilang kung sagot sabay abot sa bulaklak pero kaagad nyang iniwas ang bulaklak at hinawakan ang kamay ko. Sabay halik sa likod nito. Mas lalo akong nailang saka na nya inabot saakin ang bulaklak. Ghad! Titili na ba ako?

Ang Boyfriend Kong Adik Sa Kiss (Part 1)Where stories live. Discover now