Chapter 30 : His Ex
[ITO PALA ANG SCENARIO SA ROOFTOP! HAHAHA PASENSYA NA NAWALA SA ISIP KO EHH. ANYWAY THANK YOU SA PAG INFORM SAAKIN!
LOVELOTS†]
Zion's POV
"Trevix ewan nyo muna kami! Isama mo na rin ang dalawang yan" seryoso kong banggit habang masamang nakatingin sa Syndy na toh!
"Anong pinagsasabi mo?" Malamig kong tanong sakanya nang kami nalang dalawa ang nandito.
"Zion gusto lang naman kitang makuha"
"Makuha?HAHAH!Nagpapatawa kaba?! Gagamitin mo ang batang yan para sa kalokohan mo?!"di ko na pigilang sigawan sya.
" Z-zion—"
" Wala tayong anak Syndy! Panong magkakaroon tayo ng anak kung hindi kita nagalaw! Naisip mo ba yun? Ha? Tanga ka rin ehh no"
" Z-zion pleas—"
" Shut up Syndy! Masyado kang desperada!"
"Naging ganito lang naman ako dahil sayo"
" So kasalanan ko? Ganun?"
" N-no"sagot nya at yumuko "H-hindi mo kasalanan. Zion mahal na mahal kita"dagdag nya
" Itigil mo na yang nararamdaman mo Syndy kung ayaw mong masaktan"
"Hindi ako titigil hangga't di kita nakukuha"
" Hinding-hindi mo ako makukuha. Magmumukha kalang tanga—"
" Wala akong pake-alam kung maging tanga ako! Ikaw naman ang dahilan kung bat maging tanga ako. Bahala na kayo basta ang akin lang ay makuha kita mula sa maland—"
" Wag na wag mo syang sabihan ng ganun!"
" Totoo naman ahh"
" Mas lalo mo lang pinakita saakin na hindi ka karapat-dapat mahalin"
" Zion—"
" Tumahimik ka sabi!"
" Totoo naman kaseng malandi sya. Ako ang naka-una sayo Zion inagaw ka nya saakin"
" Hindi nya ako inagaw sayo! Mahal ko sya at ako mismo ang lumapit sakanya!!"
" Zion. Huhu!"
" Wag kang umiyak sa harapan ko"
" Zion maawa ka—"
" Hindi ikaw yung tipong babaeng kinakaawaan" huling sambit ko bago sya iniwang luhaan. Mula sa pinto ng rooftop ay rinig na rinig ko pa ang malalakas nyang hikbi.
"Tsk!"
* * *" Zion! Yohoo! " Tawag pansin saakin ni Avery. Tinignan ko sya
" Bakit? "
" Bat ka pala nandito? "
" May bibilhin lang ako"
"Ahh ano? Sayo ba?"
Why did she care?
"Nope!" Sagot ko nalang.
" Kung ganon para sa mommy mo?" Why so dami ng tanong? -,-
" Hindi rin"
" Kung ganon ka—"
" Bat ang daldal mo parin? "Inis kung tanong
" Kalma lang bro. Hahaah"
" Tsk! "Sambit ko nalang
Tatayo na sana ako nang pigilan nya ako. Taka ko syang nilingon.
"Bakit—?" Di natapos ang sinabi ko ng bigla nya akong hinalikan sa labi. Mabilis lang yun pero bat ang laki ng epekto? Di paba ako naka move on? Move off nalang kaya? Aish! Bago pa ako mabaliw at magpakatanga ulit kay Avery naglakad nalang ako papalabas. Sa iba nalang ako bibili!
Khaye's POV
"Baby say ahh" sambit ni Zion at tinapat saakin ang kutsarang may lamang kanin. Nakaka-inis kanina pa toh tawag ng tawag ng baby saakin. Mukha ba akong baby? Tas susubuan pa ako? Bata ba talaga ako? Inirapan ko sya bago kinain ang sinubo nya.
"Bat ka nang irap?"
"Pake mo?"
"Ang sungit! Red day mo ba ngayon?"
"Pake mo? Ulit?"
"Aish bat ka ba kase nagsusungit?"
"Pake mo—" di na tapos ang sasabihin ko ng bigla nya akong hinalikan. Smack! Pagkatapos nun ay nakangising tumingin sya saakin.
"Bat ka natahimik? Gusto mo pa?" Pang-asar nya. Inirapan ko sya at padabog na kinuha ang pagkain! "Red day mo talaga ngayon noh?"
"Pwede bang tumahimik ka muna Zion. "Inis kong utos sakanya.
" Yes ma'am"sagot nya at sumaludo pa sabay aktong zini-zipper ang bibig nya. Tsk! Childish
* * *
"Papasok ka ba talaga?" Nag-alalang tanong ni Daddy saakin.
"Opo"sagot ko
" Di na ba masakit ang ulo mo?"
" Bat naman po sasakit ang ulo ko?"takang tanong ko. Yung totoo may tinatago ba tong si Daddy?
"Aish, nevermind! Cge mag-iingat ka ha"
"Opo"
Kaagad na akong nagtungo sa labas. Naka civilian lang ako ngayon kase Friday naman. Okay lang namn daw kase ang civilian basta wag nalang two piece at bikini. HAHAHA!
Dahil di masyadong traffic ay kaagad na akong nakarating sa school namin. Marami pang studens na nakakalat. Di pa siguro nagsisimula.
Kaagad na bumungad saakin ang malaking field pagkapasok ko palang. May nakita akong pamilyar na lalake sa may garden. Di ko alam kung sino ang babaeng kasama nya. Dahil sa curious ako ay nilapitan ko sila. Ika nga nila 'Curiosity kill the cat' aish bahala na.
"Zion please! Mahal parin kita" rinig kong sambit nung babae. Nagtago muna ako sa isang puno malapit sakanila.
At ano raw? Mahal parin nya si Zion? Sino ba yang babaeng yan?
" Zion please. Nagmamakaawa ako! Mahirap na ba talagang ibalik ang dati? Ganun na ba talaga kalake ang galit mo saakin? At di mo na kayang magtiwala saakin? Zion sagutin moko!—"
" Avery! Oo mahal pa kita! Pero tangina! Niloko moko kaya tama na ang pananakit saakin"sagot ni Zion na ikinakirot ng puso ko. Mahal nya? Avery? Ano bang nangyare dito?
"Zion hindi kita niloko! Pakinggan mo muna ako Zion para maintindihan mo"
"Hindi niloko? Ano bang tawag sa mga araw na wala ako at ikaw ay lumalande sa iba—"
PAK!
" Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ako lumande?! "Napahawak si Zion sa pisngi nya gawa nung pagsampal sakanya ng Avery na yun kono. Bagay lang sakanya yan!
"Umalis kana" seryosong banggit ni Zion
"Zion hindi ako aalis hangga't di ka sasama saa—" di pinatapos ni Zion ang sasabihin ni Avery nang siilin nya ito ng halik!
The eff! Yung kaninang kirot ay napalitan ng sakit. Sakit na di ko kakayanin. Namalayan ko nalang na sunod sunod na tumulo ang luha ko. Hanggang ngayon ay naghahalikan parin sila. Worst! Sinabayan pa sya ni Avery! Anlandi mo Zion!! Nang matapos na sila ay doon na ako lumabas sa pinagtataguan ko na kaagad ikinalingon ni Zion.
"Zion anong nangyare?" Rinig kong tanong ni Avery. Patuloy pa ring tumutulo ang luha ko. Gulat na nakatingin si Zion saakin.
Gosh! Mali atang pumasok ako ngayon! Tama sila makakapatay ang tinding koryosidad! Nagsisi tuloy akong nagpunta pa dito. Sana dumiretso nalang ako sa room namin!
"K-khaye" banggit nya sa pangalan ko ng matauhan na sya. Di ko sya pinansin at tumakbo na papalayo sakanila.
"Khaye!!" Sigaw pa nya