Chapter 41 : Madaya ka Zion
ALIAHYANNA'S POV
"ATE!" hinihingal na tawag saakin ni Alex nang makapasok na sya sa kwarto ko.
"Bakit?" Seryosong tanong ko.
"S-si k-kuya Z-zion"
"B-bakit?" Ewan ko lang pero bigla akong kinabahan.
"N-nag-aagaw buhay na—"
"Ano?!" Pasigaw kung tanong sakanya.
"N-naaksidente si Kuya kanina" sagot nya.
"H-hindi totoo yan"
"Totoo ate. Binalita na kanina"
At dun na tumulo ang luha ko. Isa lang naiisip ko sa ngayon. Ang puntahan si Zion.
"Ate—"
"Aalis ako" putol ko sakanya at patakbong bumaba. Kaagad kong kinuha ang susi ng sasakyan ko at nagtungo na sa labas. Wala akong pake kung nakapantulog pa ako. Ang importante ay mapuntahan ko si Zion. Kailangan nya ako.
"Zion. Huhu" umiiyak kung saad at pina-andar ang sasakyan ko. "Hintayin moko Zion." Dagdag ko at kaagad na pinaharutan ang sasakyan ko.
"Zion lumaban ka. Mahal na mahal kita" usal ko. Wala nakong pake kung may mabangga ako basta ang akin lang ay makapunta agad sakanya.
*Beep!*
Kaagad kung naliko ang sasakyan ko. Saka pinaharutan ulit sa ospital na sinabi ni Alex kanina.
"Z-zion maghintay ka saakin. Please. Lumaban ka" umiiyak kong saad habang patuloy lang sa pagtulo ang luha ko.
Nang makarating na ako sa ospital ay kaagad kong pinark kung saan ang sasakyan ko.
"Saan ang room ni Zion Ken Lee?" Kaagad kung tanong sa nurse.
"Nasa OR pa po sya Ma—" di ko na sya pinatapos dahil kaagad na akong pumunta sa OR. Kitang-kita ko sina Tito Stella at Tito Marcus na umiiyak habang nakaharap sa pintoan.
"T-tita" tawag ko. Napatingin sila saakin. Matalim akong tinignan ni Tita.
"I-ikaw! Dahil sayo kaya nangyare ito sa anak namin!!" Sigaw nya saakin habang dinuro-duro pa ako.
" Stella kumalma ka—"
" No! Hindi ako kakalma hangga't di umaalis ang babaeng yan dito." Galit na saad nito saakin. Napa-iyak ako. Galit na sila saakin. Galit na ang mga magulang ng taong mahal ko saakin.
"U-umalis kana Kensley—"
"P-pero tito"
Magsasalita na sana si Tita nang bumukas ang pinto at iniluwal doon ang doktor.
"K-kamusta ang anak namin doc?" Kaagad na tanong ni Tito.
"Okay na ang pasyente sa ngayon. Pero hindi ako sigurado kung makakaya pa nya sa mga sumusunod na araw. Matindi ang pinsalang natamo nya gawa nang pagka-aksedinte nito. Kaya kung maari ay ilipat nyo sya sa malaking ospital para maoperahan agad"mahabang lintanya ng doktor." Mauna na ako Mr. And Mrs. Lee" dagdag nito.
"U-umalis kana dito Kensley. Hindi ko hahayaang saktan mo na naman ang anak namin" seryosong utos ni Tita. Wala na akong nagawa kundi ang umalis nalang habang luhaan.
* * *"Ate kain kana"
"Di pa ako gutom" walang ganang sagot ko kay Alex na pilit akong pinapakain.
" Anak pumapayat kana"rinig kung sabi ni Mommy. Di ko sila pinansin bagkus ay umiiyak nalang ako.
"Yanna naman" rinig kung sambit ni Kuya Khiro at akmang susubuan ako ng tinabig ko ito. Kaya natapon sa sahig ang pagkain at nabasag plato. May iilang tumama saakin gawa nung pagkabasag kaya nagkasugat-sugat ang paa ko. Di ko nalang iyon pinansin at tumayo na.
Nagtungo ako sa garden namin. Doon ko na binuhos lahat ng sakit.
"Z-zion di ko na kaya" umiiyak kong saad at napa-upo sa damuhan. "Ang sakit Zion. Bat ka nila ipinagdamot saakin? Kung kailan kailangan moko saka ka pa nila ipagdadamot saakin? Zion di ko na kaya"
" Ang sakit sakit na Zion"
" Kensley"rinig kung tawag sa pangalan ko.
" Kensley a-aalis na si Zion" malungkot na saad ni Saab dahilan ng paglingon ko sakanila.
"A-anong pinagsasabi mo?"
"P-pupunta na s-siya ng s-states para magpa opera"sagot nya na mas lalo kong ikina-iyak.
" Kensley. Sumama ka saamin. Mapipigilan pa natin sya" biglang sabi ni Yumie kaya nabuhayan ako ng loob.
" Bilisan mo Saab!" Naiinis kung saad sakanya. Sabi ni Yumie kanina 30 minutes nalang at aalis na sila. Ghad! 21 nalang.
"Mamatay tayo Kensley" sagot ni Saab
"Baka di na natin maabutan"
"Eto na" sagot nya at kaagad pinaharutan ang sasakyan
Mga limang minuto ay nakarating na kami sa airport.
"Ms. —"
"Pasensya na po" hinging paumanhin ni Yumie. Di ko na sila hinintay pa at kaagad na pumasok sa loob. Zion hintayin moko.
"K-kensley" napalingon ako kay Saab "N-naka-alis na sila"
"H-hindi. Wala pa S-saab" umiiyak kong tanggi at tumakbo papunta sa kung saan nakalanding ang mga eroplano.
"Z-zion" mahinang tawag ko habang tumatakbo.
Halos gumuho na ang mundo ko nang makita kung wala ng eroplano doon. Iniwan nya ako.
"Zionnnnn!!!!!" Sigaw ko habang nakatanaw sa eroplanong papa-alis na. "Zion!!! Andaya mo!!!!"
"Ms. Bawal po kayo dito"
"Zion!!!! "Di ko sinagot ang mga gwardya bagkus ay sumigaw lang ako.
" Ms. Bawal po—"
"Tara na Kensley"
"Kensleyyy!!!"
Rinig kung sigaw nila bago ako nawalan ng malay.
* * *
Nagising ako at tumambad saakin ang puting kisame. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko sina Saab at sina Mommy na umiiyak.
"M-mom" mahinang tawag ko. Napatunghay sila ng ulo at kaagad akong nilapitan.
"A-anak okay ka na ba?" Nag-alalang tanong ni Mommy.
"O-okay na po—Saab si Zion?!" Kaagad kung tanong sakanya ng maalala ko bigla si Zion.
"N-naka-alis na" nakayukong saad nya.
"S-saab. Huhuhu" Di ko na napigilang humagulhol. Niyakap ako ni Mommy. Mas lalo akong napahagulhol.
Andaya mo talaga Zion. Mahal na mahal kita Zion pero iniwan moko. Di man lang ako nakapagpaalam ng maayos sayo. Ang daya mo talaga Zion. Huhu. Ang daya mo. Sana hinintay mo ako bago ka umalis. Zion ang daya mo talaga. Kung kailan mahal na kita saka kapa aalis? Iiwan ako? Zion mali yun. Dapat nasa tabi na kita. Pero nasaan ka? Iiwan mo nalang ako rito? A N G D A Y A M O T A L A G A Z I O N ! ! ! ! !
"Mom..." Umiiyak kong tawag kay mommy
"Tahan na nak" bulong ni Mommy saakin at hinahagod ang likod ko.
Zion!