Chapter 15 : The Dare
Her POV
"Anong nangyare kay Syndy?"takang tanong ko sakanila.Kasalukuyan na kaming nasa cafeteria.Kumakain.Ano pa nga bang gagawin namin sa cafeteria? Diba kakain?
"Ewan ko nga ehh"sagot ni Saab
"Sabi ko naman sayo Khaye"taka kung nilingon si Yumie.
"Yung kahapon?"
"Yep!Naisip mo na ba?"
"Medyo"sagot ko nalang at nagpatuloy na sa pagkain.
"Hayaan nyo na nga sya"sabi ni Saab
"Yah!Eat nalang tayo"pag sang-ayon ni Alexa
"Dzuh!Wlang tayo,tsong"mataray na sabi ni Saab
"Basic!Edi ligawan kita"nakangising sabi ni Alexa
"Eww!Sinong tomboy sainyo?"tanong naman ni Yumie
"Sya!"sabay nilang sagot habang tinuro pa nila ang isa't-isa.
"Puntahan ko muna si Lucille tsong"paalam ko sakanila
"Balik ka ha"sabay nilang sabi.Tinangu-an ko nalang sila bilang sagot at umalis na.
Kanina kase tinawagan ako ni Lucille.Sabi nya magkita daw kami sa field.
* * *
"Anong klaseng dare yan Lucille?"natatawang tanong ko.Hindi parin masink-in sa utak ko ano ang sinabi nya kaya pansamantala ko muna syang tinawanan habang nag po-process pa ang utak ko.
"Aish!Sabihin mo nalang kase na 'Zion Ken Lee,gusto kita ay mali mahal pala kita' ganyan ghorl"ulit nya na ikinatigil ko sa pagtawa.Ngayon lang na process sa utak ko ang sinabi nya kanina lamang.
"B-bakit sa mokong na yun?Di ba pwedeng kay crush nalang?"matapang kong tanong para matakpan ang gulat at kaba ko kanina.Sana kay Soobin nalang wag kay Zion.Argh!
"Argghh!Basta yun na"inis nyang saad.Napanguso nalang ako sa kawalan.
Ito talagang kapatid ko apaka maldita.Heh!Ewan ko lang ba kung anong lahi neto.Napa isip tuloy ako kung magkapatid ba talaga kami.
"Ayaw ko nga"tanggi ko at nag cross arms pa.
"Okay!Sinabihan ko pala si Daddy na naka uwi kana ng pilipinas—"
"B-bakit mo yun g-ginawa?"kinakabahan kong tanong sakanya.Ngumisi lang sya ng nakakaloko.
"Just kidding!Gagawin mo ba o isusumbong kita?"nakangising tanong nya saakin.
"Bahala ka—"
"Hello dad?Opo nan—"
Di ko sya pinatapos dahil kaagad kong inagaw sakanya ang selpon nya.Inis naman nya akong binalingan.
"Alright!"pagsuko.Biglang nagliwanag ang mga mata nya.
Kasalukuyan kaming nandito sa field ng kapatid ko.Dito raw muna kami mag sna-snack ehh.Eto na ako ngayon.Parang timang na nakayuko papunta kay Zion.Mabuti nalang wala pa ang mga kaibigan nya kaya nag iisa muna sya ngayon at free lapitan.
"Z-zion..."mahinang tawag ko sakanya nang nasa harap na nya ako Mula sa selpon nya ay binaling nya ang tingin nya saakin.Bakit ako kinabahan ng ganito?Tangina naman!
"Yes?"seryosong tanong nya
"May sasabihin ako"kaagad kong sagot nya.
"Ano?"seryoso nya paring tanong.Kahit kailan talaga di ka marunong ngumiti.Argghh
"Zion Ken Lee..."napatigil sya sa pag scroll ng fb nya ng bigkasin ko ang buong pangalan nya.Pero kaagad din iyong napawi at tinoon ulit ang sarili sa fb.
"Spill it"utos nya.Bakit sa mokong na to pa?Di ba pwedeng kay crush nalang para naman i crushback ako.Nyeta.
"A-ahh...uhmm"napalunok muna ako ng laway bago nagpatuloy.Ang sheyte! "Gusto kita,Ay mali!Mahal pala kita" dagdag ko na ikinatigil nya.Dahan-dahan syang tumingin saakin.Yung kaninang seryosong mukha nya ay napalitan ng unti-unting ngisi.
"I love you too"
Lupa lamunin mo na ako!"Zion dare lang yun"gusto ko sanang sabihin yan kaso ayaw bumuka nang bibig ko.Nanatili lang kaming nakatingin sa isa't-isa.Mali yung narinig ko.Mali yun.Guni-guni ko lang yun.Huhu
"Z-zion..."halos pabulong ko nang sambit sa pangalan nya.
"Tsk!"sambit nalang nya at inirapan ako.Luhh bakla ka Zion?Bakla?
"Bro!"napatingin kami sa bagong dating.Sina Trevix.
"Hmm?"Zion
"Nandyan ka pala Khaye"nabaling ang tingin ko kay Lucas
"Y-yeah!"utal kong sagot
"Zion may practice pala tayo sa basketball ngayon"sabi ni Khiro
"Una na ako"paalam ko sakanila at dali-daling tumakbo papunta kay Lucille!Argh!Masasabunutan ko talaga ang babaeng yun!
"Kanina pa ako dito!
"Nakaka inis ka talaga Lucille"
"I gotta go!Bye!"paalam nya at nagtatakbonh umalis.
* * *
"Okay class dismiss!See you tomorrow"sabi nung last subject namin at lumabas.Inayos ko na ang gamit ko para maka-uwi na
"Zion sabay ako sayo"sabi ko kay Zion.Napatingin naman saakin si Syndy.
"Palage naman"sagot ni Zion.Nauna na ako sa may pintoan dahil dito ko nalang sya hihintayin at si Trevix.
"Ehem!"napatingin ako sa taong tumikhim na nasa tabi ko.Nanlake ang mata ko ng makilala ko sila.
"B-butler S-scott"utal kung sambit sa pangalan nya.Sakto ring lumabas na sila Saab.
"Ma'am Keira.Nandito po kami para kunin ka"sabi ni Bulter Jhon
"Kung nagtataka po kayo kung pano namin nalaman na nandito ka.Pina imbestigahan ka ng ama mo"sabi naman ni Butler James.
"T-trevix"utal kong tawag kay Trevix at napakapit sakanya.
"Wala akong alam jan ha"bulong nya saakin.At saktong dumating si Lucille kasama ang jowa nya.
"B-butler"kinakabahan nyang saad.Napatingin naman silang tatlo kay Lucille.
"Maam Lucille naghihintay na ang ama nyo sa kotse"Butler Scott
"A-ano?"utal kung tanong.
"Nandito po sir!...Copy"rinig kung sabi ni Butler Jhon sa earpiece nya.Kasabay nun ang pagdating nang isang matandang lalake na pinagtataguan ko.
"D-dad"sabay naming saad ni Lucille
"Welcome back sweetie!I've been waiting to you for so long"huminto sya at tumawa ng mahina "I didn't know na nasa bahay kalang pala ni Mama"dagdag nya at umiling-iling "We need to go home now"seryoso nyang saad.Di ko namalayan na hinila na pala ako ng dalawang butler.
"Tito!"napatigil si Daddy sa paglalakad nang tinawag sya ni Trevix.
"Yes?"
"Pwedeng mamaya na muna sya uuwi?May tatapusin lang po kami.Dont worry po ihahatid ko sya bahay pagkatapos"sana tumalab yan Trevix
"You sure?"malamig na tanong ni Daddy
"O-opo"kinakabahang sagot ni Trevix
"May tiwala naman ako sayo.Kaya kunin mo sya"
"D-dad—"
"Be fast sweetie.Marami pa tayong pag-uusapan sa bahay"putol saakin ni Daddy.Napatango nalang ako.
"Scott samahan mo sya"sabi ko na nga ba ehh!Argh!Kainis talaga.Di talaga ako makakagalaw nang walang butler!Geez