C35

316 5 0
                                    

Chapter 35 : Picture

Zion's POV

"Ano?!" Pasigaw kong tanong dahilan ng pagtingin saakin ng ibang costumers dito sa loob.

"Hinaan mo nga ang boses mo" inis na bulong ni Yumie saakin. Sina Alex at Saab ay umiinom na ng kape. Kulang sila.

"Nasaan si Syndy?" Seryosong tanong ko sakanya. Napatingin sya sa katabi nya bago umiling.

" Baka umuwi na" Sambit ni Alex.

Khaye nasaan ka na ba? Alas 12 na ng gabi pero wala pa rin sya.

"Bat ba kase kayo naglasing?" Tanong ko sakanila.

" Ewan lang" ang ganda ng sagot mo Saabrina. Tsk!

" Malapit na 1 ohh baka pagalitan tayo ni Tito Greg neto" sambit ni Alex habang nakatingin sa wall clock dito sa resto.

" GPS? "Tanong ko sakanila.

"Tama! Hanapin natin" sambit ni Yumie at binuksan ang selpon nya. "Ano ba toh? Motel?"

"Huh?" Sabay sambit ni Alex at Saab.

"Motel? Anong gagawin nya don?" Tanong ko

"Aba ewan ko lang. Puntahan nalang natin" sambit ni Yumie at nauna nang tumayo. Sumunod kami. Ngunit napatigil kami dahil biglang nag vibrate ang selpon naming lahat. Sabay pa. Kaagad kaming napatingin doon.

"Picture? " Takang tanong ko at binuksan ang picture.

"Omyghad!" Nausal ni Yumie habang ako ay nakatingin lang sa picture na sinend saamin ni Khaye.

' I miss you Babe' caption doon at may kahalikang lalake si Khaye. Ginantihan ba nya ako?

"Zion saan ka pupunta?" Tanong ni Alex nang mapansin nilang naglakad na ako.

"Uuwi na ako" cold kong sagot at tuluyan ng umalis.

Gumanti ba sya saakin? At yun pa talaga ang sinend nya? May kahalikan? Tsk!

Khaye's POV

Naalimpungatan ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Aish! Yan Khaye inom pa kase. Para akong tangang pinapagalitan ang sarili ko. Nang biglang mag vibrate ang selpon ko kaya kaagad ko iyong hinablot.

From Mah Hubby Zion :

Oo nga pala di ko pa napapalitan ang nickname ng gagong toh. Napa-iling nalang ako at binasa ang message nya.

'Magkita tayo sa park malapit sainyo. May tatanungin lang ako'

Pwede namang itawag nalang ahh. Tss kailangan pa talaga syang puntahan. Tatayo na sana ako nang tumunog ulit ang selpon ko. Zion again!

' Nga pala! Pasensya sa disturbo sainyo nang jowa mo'

"Huh?" Parang tangang tanong ko.

Jowa? Wala nga akong manliligaw jowa pa kaya? Nagpapatawa ba sya? Rereplyan ko na sana sya ng makita ko ang orasan.

"Omyghad!" Nausal ko at nagdali-daling nagbihis.

11:03 AM

Nasaan ba ako? Bat di pamilyar ang kwartong toh saakin? Napatingin ako sa table malapit sa kamang hinihigaan ko. May papel doon kaya kaagad ko yung binasa.

" Pasensya na kung di kita nagising. Nagmamadali kase ako ehh. Ingat ka sa pag-uwi ha. I love you "

Napatingin ako sa bandang gilid nito. May nakasulat pero sobrang liit.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang mabasa ko na yun.

- baby<3

Lance? Si Lance?

* * *

"Anong pag-uusapan natin?" Seryosong tanong ko kay Zion pagkarating ko sa park na sinasabi nya. Napatingin sya sa gawi ko. With masamang titig saakin. Anlaa "Oh? Bat ganyan ka makatingin?"

"Tsk! Gumanti kaba saakin?"

"Anong pinagsasabi mo?" Takang tanong ko dahil di ko naman talaga alam kung anong pinagsasabi nya.

" Wag ka nang mag-maang-maangan Khaye"

"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo Zion"seryosong sambit ko sakanya.

" Hindi alam? Haha talaga lang ha" sarkastikong tanong nya at hinablot ang selpon nya mula sa bulsa at may kung anong hinalungkat doon. Kalauna'y binigay nya saakin yun.

Halos gumuho ang mundo ko nang makita ko ang picture. Wala akong alam na may nangyare na ganito. Sino tong lalake?

"Zion hindi ako toh" sambit ko habang nakatingin parin sa picture.

"Hindi ikaw? Parehas ng damit—?"

"Zion hindi ako toh" kaagad kong putol sakanya. At nagsimula nang may namumuong luha sa mata ko.

" Itatanggi mo pa talaga?" Seryosong tanong nya. Di ko na napigilang tumulo ang luha ko.

"H-hindi ako toh"

"Bat ka umiiyak?"

"Hindi ako toh Zion"

"Sino yang lalake?" Napatingin ako sakanya.

Baby? Si Lance? Sya ang kasama ko sa Motel?

" M-mukhang si Lance"sagot ko at pinunasan ang mga luha ko.

"Damn that bastard!"

"Zi—" napatigil ako nang bigla nya akong yakapin.

"Tahan na"

"Zion. Huhuhu" napa-iyak ako sa bisig nya. Kahit papano ay nabawasan ang problema ko.

Pero si Lance ba talaga toh? Nakaka-inis. Bat naman nya gagawin toh?

"I miss you" bulong nya saakin at mas hinigpitan ang yakap. Namiss rin kita kaso may kasalanan ka pa saakin. Tss.

"H-hindi ako makahinga" usal ko. Kumalas sya sa yakap at tinignan ako. Ngumiti sya ng pilit at pinunasan ang mga luha ko.

"Mauna na ako" paalam nya. Bigl akong nakaramdam ng sakit. Aish baka kailangan sya ng mag-ina nya.

Nang mawala na sa paningin ko si Zion ay naglakad na ako papuntang sasakyan ko. Tatawid na sana ako ng biglang...

*Booogshhh*

"Bagay lang yan sayo,bitch" rinig kung sambit ng pamilyar na babae bago ako nawalan nang malay.

Someone's POV

"Ano?!"

"Bagay lang sakanya yun"

"Gago ka ba ha?!"pasigaw kung tanong sa babaeng nasa harap ko. Matapos ko syang pagkatiwalaan tas yun lang ang igaganti nya saakin?

"Wag ka ngang sumigaw. Di ako bingi." Iritang saad nya.

"Fuck you! I swear pag di sya nagising ako mismo ang papatay sayo!!!"

" Then try it. Papatayin muna kita bago ako"sagot nya at iniwan ako.

Argh!

Kring...Kring....

Inis kong sinagot ang tawag.

[Sir okay na po sya]

"Saang ospital sya?"

[Sa ospital na pagmamay-ari ni Mr.Xyveryx]

Kaagad kong pinatay ang tawag saka nagdali-daling lumabas sa office ko.

Wait for me, baby

Ang Boyfriend Kong Adik Sa Kiss (Part 1)Where stories live. Discover now