C40

383 3 0
                                    

Chapter 40 : S-syndy?

Aliahyanna POV

Nakangiti lang ako buong klase dahil sa nangyare kanina sa library. Huling klase na namin toh at snack time na ang susunod. Sayang nga dahil hindi sumama si Zion pabalik sa room. May gagawin raw sya. Ewan ko lang pero bigla ko syang namiss. Confirm narin. Inlababo na talaga ako sakanya. Di pala inalababo kundi kyaahhh mahal ko na ata si Zion. Uwu. Dati crush ko lang sya ngayon? Manliligaw na. Palage na akong kinikilig pag kasama ko sya. Ghad! How much more pag kami na. Mukhang araw na araw na talaga. Ugh sagad na sagad. Charot. Pero parang ganun na nga ehh. Everyday kilig na. Road to kilig na dis.

"Dismiss" rinig kung sambit ng professor namin. Saka kaagad na lumabas. Aba may date ata si Ma'am. Napa-iling nalang ako at inayos na ang gamit ko. Pupunta pa ako sa music room ngayon. Kikitain ko pa pala si Syndy. Mabuti naman at naisipan nyang makipag-kita saakin. Simula Nung ladies night ay di na kami nagkita. Ano kayang nakain nya at makipagkita saakin? May importante kayang sasabihin? Ehh ano naman kaya yun? Hmm? Matanong na nga lang sya mamaya.

"Sama kayo?" Tanong ko kina Saab. Napalingon naman silang tatlo saakjn.

"Saan?" Kambal silang tatlo? Sabay talaga? Nays!

"Sa puso ni Zi—este sa music room"

"Yiee inlab kana kay Zion? "Yumie

" Naks naman tsong"pang-asar pa ni Saab. Pabiro ko silang inirapan.

" Tara na nga" yaya ko at nauna ng lumabas. Naramdaman ko namang sumusunod sila saakin. Nasa hallway palang kami ng makarinig kami ng mga bulong-bulongan.

"Nabalitaan nyo bang mag jowa na si Zion?" Rining kung tanong nung isang babae. Dahilan ng pagkatigil ko sa paglalakad. Aba narinig ko ata ang pangalan ng mapapangasawa ko ahh. Bat nila chinichismisan ang asawa ko? At anong pinagsasabi nilang may jowa na si Zion? Ehh nanliligaw pa nga yun saakin ehh. Masyado lang excited si Zion.

"Sino raw ang jowa nya?" Tanong naman nung isang babae. Naramdaman kong nakinig din sina Saab.

"Sinagot mo na si Zion ate?" Takang tanong ni Alex saakin. Umiling ako. Totoo namn ehh

" Si Syndy raw" ouch! Sakit nun ahh. Di pala ako? Syndy?

" Sabi ko na nga ba ehh"inis na bulong ni Saab.

"Magkasama nga sila sa music room ngayon"

Bigla akong nakaramdam ng mali. Kaya ba wala si Zion dahil nakipaglandi sya sa Syndy na yun? Sabi na nga ba plastik eh. Napakuyom ang kamao ko at kaagad na nagtungo sa music room.

"Humanda talaga saakin ang babaeng yun" rinig kung giit na saad ni Yumie.

Nasa harap na kami ni pintoan ng music room. Nakahawak na ako sa doorknob ng magsalita si Zion sa loob.

"Tumigil kana Sy—" kasabay nun ang pagbukas ko ay ang paghalik ni Syndy kay Zion. Na mas lalong ikinakuyom na kamao ko. Namalayan kong sunod-sunod nang tumulo ang luha ko.

"Tangina mo Zion!!" Galit na sigaw ni Alex kaya napakalas sila sa halikan. Gulat na tumingin saakin ni Zion habang si Syndy ay nakangisi.

"Surprise Khaye?" Nakangising tanong nya saakin.

"S-syndy" tanging usal ko.

"Ye—" di ko na sya pinatapos dahil kaagad ko ng nilisan ang lugar na yun.

"Kensley!" Rinig kung sigaw ni Zion

ZION'S POV

"Ano na naamn bang kailangan mo?" Malamig kung tanong kay Syndy pagkarating ko sa music room.

"Ikaw Zion" malanding sagot nya saakin sabay lumapit. Sinadya nya talagang ilapit ang bundok nya sa braso ko.

"Tsk!" Sambit ko at bahagya syang tinulak.

Bigla kong naalala si Kensley. Kailangan ko pa syang samahan.

"Teka san ka pupunta Zion?" Natarantang tanong nya saakin nang tumalikod na ako.

"Babalik na ako" walang ganang sagot. Maglalakad na sana ako nang maunahan nya ako. At kaagad na sinara ang pinto. Kasabay nun ang pag-ring ng selpon nya.

"Teka lang Zion ahh"

Di ko na sya pinansin at tumingin nalang sa bintana.

"Oh? Talaga? Cgecge" rinig kung sabi nya sa kabilang linya at pinatay na ang tawag. Lumapit sya saakin.
" Zion" malanding tawag nya sa pangalan ko. Tinaasan ko sya ng kilay. "Bat kailangang si Khaye pa? Nandito naman ako ehh"

"Tsk" tanging sambit ko lang at nilayo ang katawan ko sakanya.

" Zion pansinin mo naman ako ohh" sambit naman nya at hinaplos-haplos ang dibdib ko.

" Tumigil kana Sy—"di ko natapos ang sasabihin ko nang bigla nya akong hinalikan.

"Tangina mo Zion!!" Rinig kung sigaw ng pamilyar na boses kaya kaagad akong natauhan at tinulak si Syndy. Gulat kong tinignan si Kensley na ngayo'y umiiyak na.

"Surprise Khaye?" Rinig kung tanong ni Syndy kay Kensley

" S-syndy"tanging usal ni Kensley

" Yeah! "Bago paman matapos ang sasabihin ni Syndy ay kaagad na syang tinalikuran ni Kensley.

"Kensley" tawag ko sakanya. Lalabas na sana ako nang pigilan ako ni Alex. Sabay sampal.

"Para yan sa pasakit na binibigay mo sa kapatid ko" umiiyak nyang saad. Di ko sya pinansin at lalabas na sana ng pigilan ako ni Saab.

"Subukan mong sumunod Zion kundi basag talaga yang bungo mo"seryosong saad ni Saab.

" Hayaan mo muna sya Zion"sambit naman ni Yumie.

Nakakabakla man pero umiiyak ako dahil nasaktan ko na naman ang babaeng mahal ko. Hanggang sa nawala na sila sa pangingin ko.

"Zion—"

"Shut up you slut" inis kung putol kay Syndy at pinunasan ang luha ko.

•••••

"Hard alcoholic drink" walang ganang sambit ko sa bartender dito sa bar. Napagpasyahan kong ilibang muna ang sarili ko sa alak. At panandaliang makalimutan ang problemang kinahaharap ko ngayon. Kaagad namang sinunod ng bartender ang inutos ko. Maya-maya ah binigay na nya iyon saakin. Kaagad kung ininom iyon. Sunod-sunod nya akong binigyan habang ako ay walang pag-alinlangang ininom ang mga iyon. Naramdaman kung biglang may humaplos dibdib ko.

"Mr. Alone—"

"Not now slut" inis kung putol at tinungga ang panghuli kong alak. Naramdaman kung umiikot na ang paligid ko. Di ko nalang ininda iyon at kaagad na naglakad papalabas ng bar. Uuwi na ako. Kailangan ko pang maka-usap si Kensley.

Nang makarating na ako sa sasakyan ko ay kaagad na akong pumasok. Napahilot ako sa sintido ko ng biglang kumirot ang ulo ko. Iniling ko nalang ang ulo ko at tinignan ang selpon ko kung saan masaya pa kami ni Kensley. Maya-maya ay napagpasyahan ko nang patakbuhin ang sasakyan ko habang pasulyap-sulyap sa litrato naming dalawa. Napangiti ako ng mapait. Sana palage nalang masaya.

*Beeepp*

Napalingon ako sa harap ng biglang may bumusina. Bigla nalang nag blurred ang paligid. Tanging narinig ko nalang ang pagkabangga ng sasakyan ko.

"P-pase-senya n-na K-kensley"

Ang Boyfriend Kong Adik Sa Kiss (Part 1)Where stories live. Discover now