Chapter 33 : 2 weeks pregnant
Yumie POV
1 MONTH LATER!!
"Gaga may bisita ka raw" sambit saakin ni Yanna. Kapatid ko.
"Kung makagaga ka kala mo kung sino ka" sagot ko at inirapan sya. Nakaharap lang ako sa salamin ko ngayon. Nagpapaganda lang.
"Asikasuhin mo yung bisita mo ouyy"
"Sino ba yun ah? Papasukin mo nalang dito. Tinatamad akong bumaba eh"
" O sge teka lang"
And then lumabas na ang gaga! Sino naman kaya and bisita ko? Ang sabi nina Syndy bukas pa sila pupunta dito. Ang aga naman nila. Nagtungo muna ako sa closet ko para kumuha ng damit. Maya-maya ay narinig kong bumukas ang pinto at Sumara. Di ko na binigyan ng pansin yun. Ganyan naman sina Saab ehh.
"Bat ang aga nyo Saab?" Tanong ko habang naghahanap ng damit. Siguro nandito sila para sa Ladies Night namin . Baka yun. Lumipas na ang ilang minuto di parin sila sumagot. Abugh! Bad yun ahh. Iniinis ba nila ako? Dahil nainis na ako ay humarap na ako.
"Trevix" gulat kong saad.
Sana pala di ko na ginawa. Sobrang lapit na ng mukha namin. Nakangisi lang sya saakin.
"Miss me?" Nakangising tanong nya at dahan-dahang inilapit ang mukha nya.
"M-muka mo" sunod-sunod ang paglunok ko ng tumingin sya sa labi ko. "L-lumayo ka nga"
"Okay" nakangising sagot nya. Bago pa sya lumayo ay pinitik nya ang noo ko kaya napadaing ako.
"Bwesit" sambit ko at inirapan sya.
"Magbihis kana. May lakad tayo" utos nya at humiga sa kama ko. Abugh! Feel at home lang ang pota!
"At sino ka para utusan ako?" Taas kilay kong tanong at naglakad papalapit sakanya.
"Your....soon to be boyfriend " di ko narinig yung panghuli. Ang hina ehh. Sinadya nya talaga!
"Your? Ano?"
"Wala. Magbihis ka na nga lang o ako ang magbibihis sayo?"
" Kaya mo?"
Nagulat ako ng bigla nya akong hinila paupo. Umupo sya sa tapat ko at nagsimulang hubaran ako.
"Bastos!" Inis kong sigaw at tinulak sya. Ngumisi lang sya saakin.
"Pinatunayan ko lang sayo na kaya ko" nakangising sambit nya. " Magbihis ka na dun"dagdag nya at tinuro pa ang cr.Inirapan ko muna sya at padabog na kinuha ang damit ko.
"Fuck you Trevix!" Inis kong sigaw nang nasa pinto na ako.
" Thank you! I love you too" sigaw nya na ikinatigil ko. Feeling ko namula na ako ngayon. Argh! Kainis. Padabog kong sinarado ang pinto.
* * *
Khaye's POV"Ako na jan,Ate" presinta ni Lucille. Nasa bahay kami ngayon. Naglilinis. Trip lang namin. Bat ba? Akmang kukunin na nya ang isang box nang pigilan ko sya.
"Ako na" sambit ko at kinuha ang box. Medyo mabigat pero yakang-yaka lang.
"Ma'am pagpasensyahan nyo na po pero kailangan kong bumili ng gamot para sa anak ko"napalingon ako sa isang yaya namin na kasalukuyang kausap si Lucille.
"Nasaan po ang anak nyo?" Tanong ni Lucille
"Natutulog po roon sa kwarto namin"
" Kami nalang po ang bibili ng gamot. Alagaan nyo nalang sya"sambit ko.
" Nakakahiya naman po—"
" Kailangan ka ng anak mo kaya kami na ang bahala"putol ko sakanya
" Nga naman ate Len kami na pong bahala"nakangiting sambit ni Lucille.
" Naku! Maraming salamat po"
" Walang anuman"sagot ni Lucille. Binigay na ni Ate Lyn ang isang papel kung saan nakasulat doon ang mga gamot na kailangan ng anak nya.
"Mauna na kami" paalam ni Lucille maya-maya. Kinuha ko na ang susi ng kotse ko at nagtungo na sa labas. Kaagad namang sumunod si Lucille. "Ikaw muna ang driver ko ngayon ate"
"Abugh!" Sambit ko. Nginisihan lang nya ako. Tsk! Inirapan ko sya at pumasok nalang sa driver seat.
"Dahan-dahan naman ate baka makasagasa ka jan" may halong inis na saad ni Lucille. Pagkasakay nya kase ay kaagad ko ng pinaharutan. Nginisihan ko sya.
"Ako ang driver, right? Kaya wag ka nang magreklamo jan" nakangising saad ko.
Hanggang sa nakarating kami sa ospital. Yeah ospital dahil ichecheck pa namin kung tama ba ang gamot na ipaiinom nya sa kay James. Anak ni Ate Len.
"Ate ilahad mo nga ang kamay mo" utos ni Lucille nang hininto ko ang kotse sa tapat ng ospital. Dapat sa pharmacy nalang kami dumiretso. Ang bobo!
"At bakit?" Taas kilay kong tanong!
"Susuka lang ako saglit—"
"Ew! Nakakadiri kang babae ka"
"Ikaw naman kase ehh"
"Anong ako? "Kunyare wala akong alam.
"Bat kase ang bilis mo ahh? Dinaig mo pa ata si Flash"
"Basic! Para madali tayong makarating"sagot ko sakanya
"Tsk!"sambit lang nya at naunang pumasok sa ospital. Nasa harap palang sya ng guard nang tumigil sya at humarap saakin. "Bili mo na tayo ng pagkain"
"Huh?"
Di nya ako sinagot bagkus hinila nya ako dun sa nagtitinda ng burger malapit dito sa ospital. Nagugutom rin naman ako ehh kaya lamon nalang muna ako—I mean kami. WHAHA
"Libre mo ahh"
"Palage naman ate ehh" sagot nya. Nginisihan ko lang sya. " Anong nginingisi mo jan?"
" Wala naman"
" Tsk!Mapunit sana yang labi mo"
" Abugh! Bastos kang bata ka ahh"
" Correction. TEEN! As in T-E-E-N. Hindi bata okay"
" Tsk! Bata ka naman ehh. Tignan mo nga yang height mo"sambit ko at tinignan sya mula ulo hanggang paa.
" Abugh nagsalita ang di pandak"
Sasagot na sana ako ng magsalita ang tindera.
"Oorder po ba kayo Ma'am?"
"Hindi ate hindi" isasagot ko na sana yan kaso mabait akong bata—dalaga ehh. Tsaka obvious namang oorder kami diba? Nagtatanong pa ehh
"Dalawang burger po" sambit ni Lucille. Di ko na sila pinakinggan. Naupo nalang ako sa mataas na upuan na nasa harap ng tindahang ito. Basta yun na nakalimutan ko ang pangalan neto ehh.
ᴛᴡᴇɴᴛʏ ʏᴇᴀʀs ʟᴀᴛᴇʀ...
Ayun natapos narin sila sawakas. Kasalukuyan na kaming naglalakad ni Lucille papasok sa ospital.
"Ate teka lang" pigil nya saakin ng papasok na ako.
"Bakit na naman ba?" Inis kong tanong. Nakita kong kinabahan sya.
"T-tubig muna tayo—"
"Mamaya na nga yan Lucille" inis kong putol sakanya at hinila sya papasok.
Sa kasamaang palad nakakita ako ng manloloko sa balat ng lupa. Tsk! Kasama pa nya si Avery Strawberry the malandeng ex. Tsk! Pumasok sila sa isang silid na di ko alam kung ano. Di ko nalang yun pinansin at naglakad na. Ngunit napatigil ako ng marinig kong magsalita ang doktor sa silid na pinapasukan nila.
"Congratulations Mrs. You're Two weeks pregnant"
![](https://img.wattpad.com/cover/361524681-288-k986660.jpg)