C23

578 8 0
                                    

Chapter 23 : Apo.jpeg

Her POV

Nandito na sa gitna lahat ng couples. Sumasayaw na. Nakangiti ko silang tinignan. Pansin ata ni Zion yun dahil tumingin sya saakin. Napatingin naamn ako sakanya.

"May I have this dance?" Nakangiting tanong nya habang nilahad ang kamay nya sa harap. Nakangiti akong tumango at inabot ang kamay nya. Nagpunta narin kami sa gitna kung saan nandun din si Yumie at Trevix. Saka si Saab at Khiro. Ay sabi ko nga ba ehh may something. Partner naman si Lucas at Alexa.

"Ehem!" Napatingin ako kay Zion ng tumikhim sya. Nginitian ko nalang sya at nilagay na ang dalawang kamay ko sa magkabilang balikat nya. Kaagad naman syang sumunod. Nilagay nya rin ang dalawang kamay nya sa bewang ko. Geez! Parang may dumaan na kuryente. Nagsimula na syang mag sway.

"Ahh Zion" tawag ko sakanya

"Hmm?"

"A-akala ko ba galit ka saakin?"

"Why would I?"

"Ehh kase niloko kita" sagot ko na ikinataka nya

" What?"

" Y-yung a-about sa dare"

"About that? Im so thankful" sagot naman nya na ikinataka ko.

"B-bakit? Sabi kase saakin ni Lucille na nagalit ka raw dahil niloko kita"

"Damn that girl"natatawang saad nya." Im not mad nor angry. It will never happen!" Dagdag nya. Zion naamn ehhh yung puso ko!

"Wee?" Ano ba yan selp!

"Yeah!"

"Talaga ba?" Paninigurado ko with matching taas kilay. Nagulat ako ng bigla nyang nilapit ang mukha nya sa mukha ko. "Z-zi—" he didn't let me speak by claiming my lips. He kiss me passionately. At nakaka-lasing yun. Nang gumanti ako ay kaagad nyang nilayo ang mukha nya saakin na ikina-inis ko. Nakangisi syang tumingin saakin.

"Bitin—" di ko sya pinatapos dahil ako na naman ang humalik sakanya. Naramdaman kung ginantihan na nya ako. Tsk sasabay din naman pala tas may pabitin-bitin pang nalalaman.

* * *

"Anyways, congrats Khaye and Zion" bati saamin ni Mommy sa kalagitnaan ng family dinner namin. Naka-uwi na ang iba naming bisita at ang iba naman ay sa hotel na tumuloy. Kami ni Zion sa Wednesday na uuwi. Absent nalang daw muna sya bukas para makasama ako. Yieekks ang sweet ng Lolo nyo lobess.

"Thanks Tita" sagot ni Zion

"Nah! Cut that Tita! Just call me Mommy and aslo you Josh" baling ni Mommy kay Josh

"O-opo ti—I mean Mommy" napakamot naman sa batok si Josh.

"Naks! Dalaga na talaga ang mga prinsesa namin"sabi ni Mom. Bahid sa mukha nya ang sobrang tuwa.

" Sinabi mo pa"sabi rin ni Granny.

"Di tayo nagkamali na payagan silang pumasok sa buhay ng mga prinsesa natin. Akalain mo nga naman Hon. Sila pa ang lumapit saakin at nanghingi ng permiso habang yung mga anak natin wala pang alam"lintanya ni Daddy at natawa sa huling binanggit nya.

" Ang bait naman pala. Ang gwa-gwapo pa" sabi pa ni Mommy. "Im sure magaganda at pogi ang mga apo natin Hon—"

"Mommy nasa harap po natin ang pagkain"nakapuot kung saway ni Mommy habang namumula ang mukha at ganun din si Lucille.
"Im sorry sweetie. Im just happy for the both of you" tumatawang saad nya. " Basta mga iho. Bigyan nyo kami ng apo habang nabubuhay pa kami" dagdag ni Mommy na ikinapula naming apat.

" M-mommy naman ehh"saway ni Lucille. Napatawa naalng sina Daddy at Granny.

" Ako din mga iho. Gusto ko ng makita ang mga apo ko sa tuhod bago sumunod sa Lolo nyo" bat ba apo na ang topic dito?

" Granny naman ehh"saway ko rin kay Granny. Nakikisama rin kay Mommy hay naku!

" Agree din si Daddy dun nak! Bago kami babalik ng ina nyo sa States kailangan—"

"Daddy!" Sabay naming saway ni Lucille. Habang sina Zion at Josh ay pulang-pula na. " Whoaahh hahah easy kidos—"

"Di na kami kidos" putol ko kay daddy sabay pout. Napa-igtad naaman ako ng pitikin ni Zion ang noo ko." Ansakit ha" bulong ko sakanya. Inirapan lang nya ako. Wow ha! Babae na ang Lolo nyo lobess. Marunong nang mang-irap.

"Anyway, 1 am na. Magsitulog na kayo" kaagad akong napatingin kay Mommy may masama syang balak. Jusq "Dont worry Khaye. Sa iisang room lang kayong apat. Sleep over" dagdag ni Mommy. Nakahinga naman ako ng maluwag.

" Alright"sabi ko at tumayo na. Hinalikan ko muna ang pisngi ni Mommy, Daddy, at Granny at ganun din ang ginawa nina Lucille, Josh at Zion.

* * *

Mula sa veranda ay tanaw na tanaw ko ang dagat. At ang malaking buwan na nagsisilbing ilaw ng daan. Napayakap ako sa katawan ko ng may yumakap saakin ang malamig na simoy ng hangin. Ghad!

"I miss you too Lolo" sambit ko sa hangin. Napa-igtad ako ng biglang may yumakap saakin patalikod. This time mainit na!

"It's me" malumanay nyang bulong saakin. Hinayaan ko nalang sya. Pinatong nya ang baba nya sa kabilang balikat ko. "Khaye..."

"Hmm"

"I love you" yung puso ko nag rarambol na sa loob. Ghad! Sasabog na ata toh. Napangiti ako ng banggitin nya at hinawakan ang kamay nyang nakayakap saakin. Sasagutin ko lang ang iloveyou mo Zion pag tayo na. Mas lalo akong napangiti sa inisip ko.

"Thank you" sa halip na sagot ko.

"Saan ka pala this past few days? Bat di ka nagparamdam saakin?"

" Sa bahay lang"sagot ko sakanya. Ayaw kong sabihin sakanya na nagpunta kami kina Lance. And speaking of that jerk! Nakita ko sya kanina may kalandian. Tsk tsk tsk tsk.

"Malamig na dito. Ayaw mo pang pumasok?" Tanong nya saakin.

"Tara na"yaya ko sakanya at tinanggal ang pagkyakap nya. Sabay na kaming pumasok sa loon. Nadatnan namin ang magjowa na parehong nakaharap sa tv. Napatingin sila saglit saamin. Humiga nalang ako sa kama. Ramdam ko namang sumunod si Zion kaya tinaasan ko sya ng kilay.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Taas kilay kung tanong sakanya.

" Matutulog? "May halong sarcatic nyang tanong.

" Alam ko. I mean bat dito ka hihiga? "

" As if naman tatabi ako sa kapatid monat sa jowa nya"

" May couch naman oh"sabi ko sabay turo sa upuan na inuupuan nila Lucille

" Tsk! Kina Syndy na nga lang ako matutulog" inis nyang sagot at tumalikod. Bago pa man sya makahakbang ay kaagad ko ng hinawakan ang kamay nya.

"Wag ka dun sa bitch na yun. Dito ka nga" sabi ko at umusog ng kunti para makasya sya. Napangiti naman sya bago humiga sa tabi ko sabay yakap.

Ang Boyfriend Kong Adik Sa Kiss (Part 1)Where stories live. Discover now