Two

317 15 6
                                    

Lorraine's POV

"A-anong gi-ginagawa mo-o dito?.."

"Raine! I mean, lorraine! Uhh uhm, dito na ulit ako magaaral. Nakahanap kasi ulit si papa ng trabaho."

"Ahh." Kailan pa ba sya nakabalik dito?

"Dito ka na umupo, bakante pa naman e," Bakit nakukuha mo pang ngumiti? Nakalimutan mo na ba nangyari satin?

"Hindi na. Hahanap na lang ako ng mas malapit sa tropa ko."

Paalis na sana ako kaso hinawakan nya braso ko.

"Raine, tungkol ba to' sa nangyari dati?.."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

"Wag mo na akong tawaging Raine, Jere. At oo. Tungkol pa din ito sa nangyari." Masakit pa din hanggang ngayon.

"Pasensya na, Raine-- I mean Lorraine. Aish--"

"Jere, tama na. Tapos na. Nangyari na. Wag na nating pagusapan pa." Tumalikod ako agad at hindi na hinintay ang sasabihin nya.

Naghanap na ako ng ibang pwesto, mejo malayo din sa tropa ko. Ayos lang. Wala akong gustong makausap ngayon.

Pumasok na yung teacher namin. Nagpakilala sya. Magiiba-iba pala ng adviser every quarter. Tapos diniscuss nya yung grading system. Hindi ako makapagfocus dahil unti unti kong naaalala yung nangyari samin Jere.

F L A S H B A C K

Magbestfriend kami ni Jere since Kindergarten. Siya ang kasama ko buong buhay ko. Mga sikreto ko din, alam nya halos lahat. Halos lang. Kasi hindi nya alam na mahal ko sya, higit pa sa kaibigan.

Alam ko din lahat tungkol sa kanya. Lahat. Family problems, lovelife problems, school problems etc. Matalino yan. Maasikaso, pero masungit kapag di mo sya kaclose. Overprotective, disciplined, pero may bad habits din naman.

Wala siyang kapatid, at yung Papa niya nasa US nagtratrabaho. Yung mama niya lang nakakasama niya dito.

2 pa lang ang minahal nyan. At naiyak din yan, lalo na kapag nasaktan sya. At syempre, eto ako, ang dakilang best friend nya na taga-comfort.

Kapag nakikita ko syang nasasaktan gusto kong sabihin na, "Jere, ako na lang. Tayo na lang. Hindi ko man maipapangako na hindi ka masasaktan, pero gagawin ko lahat ng paraan para hindi mangyari yon. Kasi mahal na mahal kita, higit pa sa kaibigan."

Kung sana ganun lang kadaling sabihin, sinabi ko na. Unfortunately, it's not that easy.

Then nung Christmas, pumunta sila ng US para buong pamilya sila magcelebrate ng pasko. Nagskaskype at naguusap naman kami nun halos araw araw. Before sila bumalik, may nakilala syang babae. Pilipina, teenager, at sa US nagaaral. Pangalan nya ay Daisey. Nagmeet sila nung nagmall sila sa US. Nabangga nya si Daisey at natapon yung juice na hawak ni Daisey sa damit nya. Dun na nagsimula.

Nung nakabalik na dito si Jere, wala syang kinwento na hindi kaugnay si Daisey. Na ang ganda nya, marunong magpatawa, may pagka-liberated nga lang, pero ayos lang daw yun. Para daw maiba naman at masasanay din daw sya.

Isang buong linggo na ganun lang topic namin. Ako naman mga sagot ko "Ahh ganun ba, oh, hahaha, ahh cool, okayy." Ganun lang, at hindi nya na mapapansin yon na tipid ako sumagot. Nakakalimutan na nga nya akong kamustahin eh.

Nung pasukan na ulet, minsan na lang talaga kami naguusap. Ngitian na lang sa pag nagkakadaanan. Ni bisita man lang, di nya magawa. Hindi na ako nagsalita tungkol dun, alam ko naman na baka busy sya at kay Daisey.

Paper Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon