Nineteen

88 6 2
                                    


Grabe, dedicated po sa inyong lahat 'to! ❤️ thank you po sa support :)

Chapter 19

Flynn's POV

"Yes, natapos din!," sigaw ni Adrian sa hallway kung saan kami naglalakad ng barkada patungo sa gate ng LaFuente. Nakisigaw na din ang iba dahil nga tapos na ang paghihirap.

"Thank you, Lord!," sigaw ko saka itinaas ang kamao ko sa ere dahilan ng pagtawa ng barkada. Nag-hallelujah at praise the Lord naman ang mga babae. Mga banal talaga 'tong mga 'to.

Pinlano namin na sa bahay na lang ulit nila Jere ang aming pagsasama-sama. Parang unwind lang sa pagkakastress namin dahil sa mga review. Pumayag naman si Jere at dahil dun lang kami kasya lahat.

Bigla namang naglabas ng cellphone si Mariel at tumigil sa harap namin, "Guys, ngayon ko lang narealize..."

Na-realize ang alin?

"Wala pa tayong picture! Dali, pwesto kayo," sigaw niya sa amin saka itinaas sa ere yung cellphone niya. Lahat kami ngumiti, nakailang beses din ang pagpipindot ni Mariel. Nang magwacky na, nakita kong hinalikan ni Jere si Lorraine sa pisngi habang nakanguso naman ito.

Sakanila ako napatingin kaya hindi na ako nakapagpose. Pati ba naman sa pagpicture? Hindi pa ba sapat na nakikita ko na silang dalawa kung gaano nila kagusto ang isa't isa? Tss.

Nauna na akong maglakad matapos ang picturan namin. Kabadtrip. Bumyahe na kami papunta kayla Jere gamit ang mga sasakyan nila Adrian at Ed. Naupo ako sa passenger seat sa harap sa sasakyan ni Ed para wala akong makausap.

Habang bumibyahe kami, panay ang pagdadaldal ng mga babae sa likod. Nakikisali naman minsan si Ed, ako tahimik lang. Wala naman akong dapat sabihin.

"Tahimik nung isa dyan oh," ani Ed. Mukhang hindi naman narinig ng iba kaya sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Aray ko, seen-zoned ako sayo, brad. Dinaig mo pa si Kelly, buti pa siya nagrereply. Hindi mo na ba ako mahal?," saka ito tumingin sa akin na para bang nagmamakaawa.

Loko talaga 'to,"Gago, kapag tayo naaksidente dahil diyan sa kaartehan mo."

"Hoy, edward! Asan na tayo? Kaliwa ang papunta kayla Jere!," sabi ni Kelly.

Natawa na lamang ito at iniliko na naulit sa daan kung saan papunta sa bahay. Napangisi na lang ako sa nangyari.

Masyado na ata siyang nahahawa sa mga babae naming kaibigan, kailangan ata namin gumala ng kaming lalaki lang. Mahirap na, paubos na lahi namin.

Agad naman kaming nakarating sa bahay nila Jere na mukhang kanina pa nakadating. Kalokohan kasi netong si Ed eh. Bumaba na kami saka pumasok sa bahay, rinig na rinig ang ingay ng iba sa labas pa lang.

"Oh, ba't ngayon lang kayo?," tanong ni Lorraine. Tumingin ako sakanya, saka ako tumingin kay Ed. Nagkibit balikat na lang ito at tumawa. Tiningnan ko ulit si Lorraine at nakitang nakakunot ang noo saka umiling habang nakangiti.

Napangisi na lang ako. Cute.

Dadating kaya yung panahon na ako mismo dahilan ng pagngiti niya? Yung panahon na ako ang nagpapasaya sakanya?

Napabuntong hininga na lang ako saka umupo sa kabilang sofa. Kabababa lang din ni Jere galing sa pangalawang floor, nagpalit ng damit.

Bakit kaya siya? Ba't kaya sila yung pinagtagpo ng tadhana? At kami ni Daisey ang unang nagkakilala?

Nakakapagtaka lang kung bakit ganito ang sitwasyon namin. Magiging masaya ba kami kung kami ni Lorraine ang pinagtagpo ng tadhana?

Maybe. I hope...

Paper Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon