Paper HeartsUna kong nalaman ito dahil sa isang kanta, corny ba? Yup. Super.
Pero dito ko din nalaman ang totoong kahulugan niya. Pagbinasa mo, aakalain mong literal lang na puso na gawa sa papel.
Pero hindi. May mas malalim pa na kahulugan ito. Ang isang paper heart ay pwedeng isimbolo sa puso ng isang tao.
Ang papel ay madaling masira. Katulad ng isang tao, madali din itong masaktan. Gets mo na ba?
"A paper heart is very fragile and sensitive that it makes me want to protect it from harm. Like you."
Ganyan ang inihalintulad niya sa akin. Isa daw akong pusong papel na gusto niyang protektahan para 'di ako masaktan.
Ngunit 'di ko iyon pinansin dahil ang atensyon ko ay nasa iba. Iba dahil ito ang kasalukuyang nagpapasaya sa akin.
Pero paano kung ang 'iba' na binibigyan ko ng atensyon ay siyang mananakit sa'kin?
Andyan pa din ba siya para protektahan ang puso ko? Kakayanin niya bang masaktan para sa akin?
Love can do crazy things. Trust me.
I'm Lorraine Dii Serentes, and he's Flynn Erick Clark. He's my paper heart.
***
[A/N: Binago ko hehehe I hope you don't mind. Enjoy!!]
BINABASA MO ANG
Paper Hearts
RomanceAno nga ba ang isang puso na gawa sa papel? Sabi nila, ang mga puso daw ng mga tao, dalawang klase lang yan. Isang pusong bato, at isang pusong papel. Ang pusong papel ay isang bagay na madaling masira sa isang punit lang. 'Di katulad ng pusong...