Eighteen

106 8 0
                                    

Chapter 18

Lorraine's POV

Simula nung nagconcert ang LaFuente, naging seryoso na lahat. Lumipas ang dalawang buwan na puro studies na lang talaga ang ganap. Mga meetings ng bawat club bilang na lang din. Twice or thrice a month na lang ang pagkikita dahil wala namang masyadong program.

Break time na namin pero parang may klase pa din dahil lahat kami nasa loob ng classroom nagaaral para sa review quiz namin.

"Lorraine!! Paturo sa math!!," sigaw sa akin ni Gina saka umupo sa upuan ni BK.

"'Wag sakin! 'Di ko din gets 'yan!" Hirap kaya ng algebra. Sakit sa ulo.

Bigla naman niyang kinulit si Flynn na nagaaral naman ng mga terms ng algebra. Magaling siya, lalo na sa mga problem solving. 'Yun naman weakness ko.

Tumingin ako sa harap ko at nakita kong natutulog si Jere sa desk niya. Aww, he stayed up all night reviewing with me kagabi. Kahit naka-call lang. Sabi ko naman sakanya na matulog na siya, kaso mapilit.

Inaral ko ulit mga formula sa mga notes ko saka nagbasa pa. 5 minutes more please, Lord please.

Bigla namang bumukas yung pintuan at iniluwa nito ang Math teacher namin. Nagsibalikan lahat ng mga studyante sa pwesto nila. Ginising ni Kelly si Jere para bumati kaming lahat.

"Magandang hapon din sa inyo, at alam ko naman na pinaghandaan niyo ang ating maikling pagsusulit kaya naman magsisimula na tayo."

"Ma'am, 5 minutes review!!," pagmamakaawa ni BK habang iniiscan mga notes niya. Ganun din ginawa ko. Wooh, baka mamental block ako.

Ipinatago naman ni Ma'am Vina mga notes at mga papel namin. Nilingon ko naman si BK na onti na lang iiyak na pero sumunod naman sa guro.

Pagkatapos naming magquiz, may iilan ako na nariring na pagrereklamo dahil mali sagot nila. Yung iba naman, parang nabunutan ng tinik.

Lumipas yung isang oras ng kasunod na subject na lahat seryoso at lahat nakikinig sa discussion. Although lagi namang ganito ang eksena sa Romance, iba pa din yung chill chill lang.

Kinalabit naman ako bigla ni BK habang nagsusulat ako ng notes. Napatingin ako sakanya at nakita kong tinuturo niya yung notebook ni Flynn na may notes.

Lumaki mata ko, wow. Mas madami pa yata siyang notes na nasulat kaysa sakin. Nakikinig din siya. Pinigilan naman ni BK ang kanyang tawa kaya napangisi na lang siya sa reaksyon ko.

"'Di ako sanay beh," bulong nito sa akin. Napatango na lang ako.

Bagong buhay na talaga si koya.

Natawa na lamang ako sa isip ko at napailing. Binalik ko na ang atensyon ko sa pagsusulat habang nagdidiscuss.

Habang nakatingin ako sa review lesson namin sa board, lumipat ang tingin ko sa harap ko. As usual, nananahimik siya sa klase. Ganyan din siya noon, basta pagdating sa pagaaral, walang makakaistorbo sakanya.

Sumilip ako sa gilid niya para tingnan kung nagsusulat din siya ng notes, yun ang hindi niya ginagawa dati kaya lagi kaming magkasama magreview sa mga test noon. Himala, meron. At umayos din yung sulat-kamay niya ngayon.

Pero hindi iyon ang nakakuha sa akin ng atensyon, kundi iyong ilaw na nanggagaling sa ilalim ng kanyang mesa. Nagcecellphone ba siya?

Umusog ako paharap para makita ko kung anong ginagawa niya. He's in his text messages, scrolling it up and down para magreload kung may bagong messages ba siyang natatanggap. May hinihintay ba siyang text?

Paper Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon