Twenty Nine

48 4 0
                                    

Lorraine's POV

Nagkuwentuhan kami ni BK pagkatapos ng yakapan moment namin. I admit, I missed our talk. Siya pinakaclose ko sa aming barkada kaya naman nagulat ako biglang nagkaroon ng gap sa amin.

"Sorry Lorraine ah," sabi niya habang nagpupunas ng luha. "Kasi naman, bakit kasi kailangan pang magkaroon ng iwasan. 'Di ba pwedeng pigilan na lang niya feelings niya para sayo?"

"Gusto mo talaga si Flynn?" Tumango ito biglang sagot. Bakit hindi ko man lang napansin?

"Hindi ko alam kung paano o kailan. Basta kapag naguusap kami, ang saya ko. Kahit minsan naiinis ako sakaniya, natutuwa pa din ako. Tapos nung unti-unti na siyang umiiwas, lagi ko siyang hinahanap. Nung una pa nga, si ate Daphne sinisisi ko eh. Kasi akala ko pinapalayo niya sa atin si Flynn.

"Tapos kinausap ako nila Ed the day before nung kinorner natin si Flynn. Then nalaman ko, may feelings pala siya sayo kaso may Jere ka na kaya siya na lumalayo. Tapos ayon. Tinamaan ako ng pagseselos kasi... may Jere ka na nga, pati pa si Flynn."

Napatango na lang din ako pagkatapos niyang magkwento. Kung ako siguro sa posisyon niya, masasaktan din ako.

"Actually, nung gabi bago ko pa sagutin si Jere, pinuntahan niya ako sa bahay. He confessed his feelings for me. Hindi ko naman inaakala na magugustuhan ako ni Flynn. I always thought of him like he's my brother. Naguilty din ako at the same time kasi nga ako pala yung dahilan ng pagiwas niya," sabi ko.

Saglit na katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. I feel bad. Pakiramdam ko kasi inaagaw ko si Flynn sa kaniya kahit hindi naman.

She sighed for a second saka ito lumingon sa akin at tumingin sa mga mata ko.

 "Lorraine, ni minsan ba, nagustuhan mo si Flynn? Honest answer, please."

Si Flynn? Nagustuhan ko? I never thought of that. I mean, I didn't put any malice sa lahat ng ginagawa niya para sa akin. He's kind, yes. He's always there for me. Lagi niya akong pino-protektahan kahit siya mismo nahihirapan. Naalala ko tuloy yung mga oras na umamin siya sa akin.

"Flynn! Bakit ba lagi ka na lang umaalis?!," sigaw ko sa kaniya kaya napatigil siya sa paglalakad. Humarap siya sa akin at naglakad papunta sa direksiyon ko. Hinawakan niya ng mahigpit mga balikat ko.

"Dahil nasasaktan ako! Dahil ayokong nakikitang nagkakaroon ng gulo sa buhay mo dahil sa akin. Dahil ayokong nahihirapan ka kaya ako umiiwas. Dahil gusto kita!"

Bigla akong napahawak sa dibdib ko. Dub dub dub dub dub dub.

I remembered how it bothered me bago pa ako makipagkita kay Jere at sagutin siya. Posible ba? Posible bang nagustuhan ko nga si Flynn?

"I... I don't know," sagot ko habang nakatingin sa mga paa ko. Magsasalita pa sana siya kaso biglang dumating si Kelly.

"Ano, ayos na kayong dalawa?," sabi nito habang inaayos ang gamit niya. Nagkatinginan kami ni Bella at ngumiti ito sa akin.

"Yep. Uwi ka na ba?," tanong ni Bella.

"Oo. Sabay ka na?,"  agad namang tumango si BK at kinuha ang bag.

"'Yong tanong ko, pagisipan mo ng mabuti. Kasi oo at hindi lang ang sagot doon. Kung hindi ka sigurado, malaking gulo ang papasukan mo Lorraine."

Saka sila nagpaalam sa akin at naglakad paalis. She's right. Malaking gulo ang mangyayari kung ganito ang nararamdaman ko.

"Huy!"

Bigla naman akong napalingon sa lalaking nasa harap ko ngayon. Siya naman talaga gusto ko diba? Kahit naman hindi pa siya bumabalik, siya pa rin eh.

Paper Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon