Nine Point Five

109 5 0
                                    


Lorraine's POV

Magsimula nung magdiscuss si Ma'am Devon ng lesson niya, lutang ako. Real. 'Di ko alam kung bakit, eh wala naman akong ibang iniisip.

Minsan napapatingin ako kayla Kelly, tapos mada-divert yung tingin ko kay Flynn na madalas nahuhuli kong nakatitig sa'kin at 'di ko alam kung bakit. Agad ko na lang iniiwas yung mga mata ko. Flynn, ano bang meron sayo?

Ng lunch break na, niyaya ko si Jere na maglunch kami, kaso sabi niya may kakausapin daw siya. Kaya pinabayaan ko na muna at dumiretso kayla Kelly.

"Oh, tara na." - Gina

"Canteen?" - Ako.

"Baliw, sa audition sa DT." - Mariel

"Ay! Oo nga pala, ugh. Nakalimutan ko." - Ako.

"Hala, lutang ka teh?" - Kelly

"Kung alam mo lang. Hays, sige mauna na kayo, susunod na lang ako. Kukunin ko pa damit ko sa locker ko eh." - Ako.

Umalis na ako agad at hindi nahinintay pang sumagot sila. Paghinintay ko, tatagal pa usapan namin. Dumiretso na ako sa gym pero bigla ko namang naka-salubong yung instructor namin sa dance troupe, si Mr. Revor.

"Ms. Serentes, please inform the participants in the dance troupe audition will be held during their MAPEH period."

"Ah okay po, sir. Sa lahat po ng year level?" Omygad, 'wag naman sana. Nakakahiya! Grabeee.

"No, only in your level. I've assigned different students to handle that." Phew. Buti namaaaan.

"Ah okay, sir. Thank you." Tumakbo pa rin ako pababa dahil ang MAPEH period namin ay after lunch break kaya kailangan ko pa rin kunin para makapagpalit ako. Aish namaaaan! Kapagod.

Nakababa na ako ng building namin at agad akong nagtungo sa multi-purpose hall dahil dun nakapwesto yung locker area namin. Madami dami din akong nakasalubong na ka-batch ko na kasama din sa DT kaya sinabihan ko na din sila na iinform na lang yung ibang sections.
Ng makarating ako sa locker ko, may nakalagay na note doon.

'Ms. Serentes, please proceed at Ms. B's office right after your dismissal. - Sec. Vendaii'

Bakit kaya-- oh sht. Oo nga pala! Yung offense ko kahapon. Aigoo. Sa dami ko namang aasikasuhin. Kinuha ko na yung pamalit ko at agad sinarado pinto. Paalis na sana ako sa locker area pero may naring akong dalawang lalake na naguusap. Hmm, pamilyar yung boses.

"Salamat, brad. Sa pagbantay kay Raine habang wala ako." Si Jere yun ah! Nagtago ako sa likod ng mga lockers para hindi ako makita.

"...." Huh? May kausap ba si Jere? Sumilip ako ng konti para makita kung may kausap ba siya, at himala! Si Flynn kausap niya.

"Ah, oo nga pala. 'Wag kang magalala, aalagaan ko si Raine, pakisabi na lang din pala sa tropa niyo." Sabi naman ulit ni Jere. Malamang galit pa din 'tong si Flynn kaya 'di sumasagot. Stubborn as hell.

"Jere, 'di ba tapos naman na yun? Bakit kailangan mo pang bumalik dito? Wala ng kailangan pang madamay at masaktan. Lalong-lalo na si Raine. She'd been through a lot. Tapos na diba?" Sabi naman sa kanya ni Flynn. Ano bang sinasabi neto? Walang connect dun sa sinabi ni Jere eh.

Tumalikod si Jere pagkatapos niyang marinig ang sinabi sa kanya ni Flynn, at nakita kong nagiba ang emosyon ni Jere. Kung kanina, mabait na anghel, ngayon parang may itim na aura ang pumapalibot sa kanya.

"'Di mo alam ang sinasabi mo, Flynn. Hindi mo naranasan ang sakit na nadama ko mula pagkabata. Kaya 'wag kang magsalita na parang alam mo yung pakiramdam na maabandona. Don't worry, nagsisimula pa lang ako." At lumabas na si Jere sa locker area. Naiwan naman ako dito sa likod ng locker na nagtataka. Anong naranasan ni Jere na masakit? May hindi ba ako alam tungkol sa kanya?

Lumabas na ako sa pinagtataguan ko at dumiretso sa labas. I need to know what's going on. Ugh. This is driving me crazy as hell.

Third Person's POV

Nagulat naman si Flynn ng makita niyang lumabas si Lorraine galing sa locker area. 'Narinig niya kaya?' Sabi naman ni Flynn sa kanyang sarili. Lumabas agad ito para habulin si Lorraine.

"Lorraine!" Sigaw niya sa dalaga na naging dahilan para ito'y mapalingon sa direksyon niya. Naglakad patungo si Flynn sa kinatatayuan ng kanyang kaibigan.

"May narinig ka ba habang nasa locker area ka?" Diretsong tanong naman ni Flynn kay Lorraine dahil ayaw na niyang magpaligoy-ligoy pa. Samantalang, si Lorraine naman ay 'di alam kung anong isasagot niya sa tanong ni Flynn kaya naman tumahimik na lang ito.

Napabuntong-hininga na lamang si Flynn sa tugon ng kaibigan at sinabing, "Lorraine, alam kong sinabi mong Kaya naman pumunta na lamang siya sa cafeteria at dumiretso sa kanyang tropa.

"Oh, ano sabi?" Tanong naman sa kanya ni Edward. Umiling na lang ito si Flynn dahil ayaw niyang madamay ang kanyang mga kaibigan sa problema nila ni Jere. Nagaalala naman ang tropa sa kanilang kaibigan dahil ngayon lang nila ito nakitang miserable. Pinagpatuloy na lamang nila ang pagkain.

Habang ang tropa ay magkakasama, pa-simpleng sinusundan ni Lorraine ang kanyang matalik na kaibigang si Jere. Magmula locker area hanggang sa classroom nila ito sinusundan. Ng makitang walang kahina-hinalang ginagawa si Jere, ito'y kusang sumuko na din at nagtungo sa Girls CR para makapagpalit na para sa kanilang sayaw maya-maya.

"Ano ba kasing iniisip mo, Lorraine?! Kilala mo si Jere. Hinding-hindi siya maglilihim sayo... hindi nga ba? Pa'no kung nagbago si Jere for the past two years? Aish! Napaparanoid na ako. *sigh*" Kinakausap ni Lorraine ang kanyang sarili habang nakaharap sa salamin ng CR. 'Lecheng mga what if's naman oh!' Sigaw niya sa kanyang kaloob-looban.

Sa sobrang pagpre-occupied ng kanyang utak, hindi niya namalayan na nakasandal na pala sa pintuan ng Girls CR si Edward, isa sa kanyang tropa. "Tiwala sa tamang tao ang kailangan mo para malaman ang katotohanan." Sabi niya kay Lorraine.

"Ah sht! Edward?! Anong ginagawa mo dito at kaialn ka pa nakasandal diyan ha? Girls CR 'to fyi." -Lorraine.

Nag-shrug na lamang ang kanyang katropa at sinabing, "Narinig ko ang lahat ng sinabi mo at ang payo ko sayo ay magtiwala. Dahil yun lamang ang susi sa mabuting relasyon. Kung ano man ang problema niyo ni pards at ni Jere, maaayos din yan." Agad itong lumabas pagkasabi niya. Napagisip-isip na lamang ni Lorraine ang sinabi ng kanyang kaibigan at sinabi sa sarili na, 'Tama si Edward, dapat akong magtiwala kay Jere. Ito na ang bagong simula ng aming relasyon.'

Hinintay naman ni Lorraine ang kanyang mga kaibigan sa gym kung saan gaganapin ang kanilang MAPEH class dahil sa mga mago-auditon para sa dt. Ng makarating ang tropa, nagsimula na silang magstretching. Dumating ang kanilang guro at sinabing simulan na ang audition.

[A/N: Kunwari sila to hehe]

Ng matapos ang performance nila Lorraine, pinalakpan sila ng klase pati na rin si Mr. Revor. Si Jere naman ay nginitian si Raine at nagthumbs-up ito para sabihin na maganda ang resulta ng sayaw nila. Inanunsyo ng guro na lahat sila'y tanggap sa dt at sa susunod na pagkikita sila ipaghihiwalay sa bawat divisions.

Pinabalik naman ng guro ang magkakabarkada sa kanilang pwesto ngunit bigla na lamang napatid si Lorraine na naging dahilan para masalo siya ni Flynn. Kitang-kita ng kanilang mga kaklase ang eksena kaya naman kinantyawan nila ang dalawa at binato ng mga pangaasar. Ng matanto ni Lorraine ang kanilang posisyon, "Uhm, excuse me." Saka ito tumayo pinagpag ang kanyang damit.

Sakto namang biglang tumayo si Jere sa pwesto niya at naglakad paalis sa kanilang mga kaklase na naging dahilan para habulin siya ni Raine. Samantalang si Flynn naman ay napatitig na lang sa babaeng tumatakbo palayo sakanya na si Lorraine at isang tanong lamang ang pumasok sa isip neto.

"Bakit, Lorraine? Paano mo ko nagagawang saktan ng ganito kung gayong kaibigan lang ang turing ko sayo?" - Flynn

Paper Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon