Twenty Eight

54 4 0
                                    

Chapter 28

What a small world, indeed.

"Ikaw kapatid ko?" tanong ni Edward sakaniya.

"Yup. Hi step-brother," she smiled sweetly and waved at him.

I don't want to be rude but for me, she's still a fake. Lagi kong naaalala 'yong nangyari dati. If it wasn't for her, edi sana matagal na kaming nagkabalikan ni Jere.

Kumunot ang noo ni Edward habang nakikipagusap sakaniya. "Akala ko bukas pa ang dating mo? Saka pa'no ka nakapunta dito?"

"Well, napaaga dahil sembreak na namin sa US. And besides, hindi ka ba masaya na magkakilala na tayo? Buti nga nasabi sa akin ni Tita-Mommy kung saan ka nagaaral. Wala kasing tao sa bahay niyo kanina. Kaibigan mo rin pala si Lorraine," then she smiled at me.

Bigla ko namang naramdaman ang pagvibrate ng phone ko kaya agad ko itong kinuha. It was a text from Jere.

From: Jere

Where are you?

Agad naman ako nagtipa ng mensahe para sa kaniya habang naguusap pa din sila Edward at Daisey.

To: Jere

Nasa cafeteria lang ako. Pabalik na din.

Sent! Nagmadali akong tumayo at naglakad paalis sa puwesto namin. Narinig ko naman ang pagtawag sa akin ni Edward pero hindi na ako lumingon.

Ayoko munang intindihin si Daisey. She's not included in my business anymore. Si Edward na lang ang koneksyon ko sa kaniya.

I'm friends with Edward at kapatid niya si Daisey. Iyon na lang 'yon.

Agad kong nakita si Jere na nakaupo sa puwesto ko kung sa'n ako umalis kanina. He smiled at me the minute he saw me.

"Nagutom ka?," sabi niya.

"Nope. Tinext ako ni Edward. May sasabihin daw siya kaya pinapunta niya ako dun."

"Ano daw 'yong sinabi niya?"

Bigla akong napatigil nung tinanong niya 'yon. Should I tell him? Bakit hindi? Past naman na eh. Pero... wala rin naman sigurong masama kung hindi na diba? After all, hindi naman na sila magkikita.

"Ah... wala. Nangtritrip lang. Kilala mo naman 'yon."

"De Guzman! Balik na sa court!" Sigaw bigla ng coach.

Tumango ito at bumaling sa akin, "Stay here okay?" Saka niya hinalikan ang aking noo.

Ngumiti naman ako saka siya umalis. Sakto namang tapos na ang practice ng cheerleading squad kaya agad akong nilapitan nila Kelly. Bella was still silent pero naguusap pa din kami, kung kailangan nga lang.

"Hinahanap ka kanina ni Jere ah. Sa'n ka pumunta?" Saka siya pumunta sa bag niya para uminom ng tubig.

"Pumunta ako ng canteen. Tinext kasi ako ni Ed. Sabi niya may sasabihin daw siya."

"Ahh."

Hinintay kong tanungin niya kung ano 'yon pero nagpasama lang siya sa CR para magpalit ng damit. Bago pa kami maka-alis, nakita kong nakatingin lang sa amin ni Bella habang naglalakad kami palayo.

"May problema ba si Bella?"

"Hindi mo alam?," ani Kelly.

"Ang alin?"

"Nung mga panahon na umiiwas si Flynn sa atin? Well, she knew the reason why. Siya at sila Edward lang ang nakakaalam sa ating lahat dati. Alam mo naman na siguro kung bakit diba?"

Paper Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon