Thirty One

28 0 1
                                    

Chapter 31

Edward's POV

"Pa'no mo nalaman na dito ako nagaaral?"

"Nabanggit nga ni Tita-Mommy," sagot niya.

"Pa'no mo ko nakilala?"

"Duh. Siyempre lagi kong nakikita 'yong mukha mo sa screen kapag kausap mo mama mo."

Psh. Ang taray naman nito. "Akala mo naman kung sinong maganda," bulong ko sa sarili ko.

"Hoy, anong binubulong-bulong mo diyan ha?"

"Wala." Saka ako tumayo sa pagkakaupo ko at susundan sana si Lorraine kaso bigla akong tinawag nung imported kong step-sister.

"What do you want?," tanong kong pataray din.

"Uuwi ka na ba? Sabay na tayo," aniya. Napabuntong-hininga na lang ako saka nagpatuloy sa paglalakad.

Nakasunod lang siya sa likod ko habang papunta kami sa parking lot. She's doing something with her phone. Well, wala naman akong pake. Bahala siya kung masagasaan man siya.

Agad kong pinatunog ang kotse ko ng nakarating kami at agad akong sumakay. Nakita ko naman ang pagtaas niya ng kilay mula sa windshield bago pumasok.

Anong akala niya? Pagbubuksan ko siya ng pinto? Asa.

"Alam mo ang gentleman mo noh? Super," aniya saka siya umirap.

"Well... you're welcome," sabi ko saka ito kinindatan.

Umirap lang ito ulit at nagpatuloy sa paggamit ng cellphone. In-on ko naman ang engine ng sasakyan ko nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Mama calling...

"Hello Ma," sagot ko.

"Hi son, andyan na ba kapatid mo? Nagkita na ba kayo?"

"Yes, Ma. Pumunta siya sa school namin. Pauwi na din kami," sagot ko.

Napansin ko naman na nagegesture si Daisy na gusto niyang kausapin si Mama kaya naman binigay ko na sakanya 'yung phone.

"Hi tita-mommy!," sigaw niya sa telepono.

Ang ingay naman nito. 'Kala mo bingi yung kausap. Binalewala ko na lang saka ako nagstart magdrive.

"Yes po, Tita-Mommy. Napaka-gentleman at super welcoming nga po niya eh," aniya.

In-emphasize niya talaga 'yon ah. Kung close kami, magpapaka-ginoo naman ako sakanya. Kaso hindi eh.

"Okay po! Take care, Tita-Mommy. Bye," saka niya in-end yung call saka niya ibinibigay sakin ang phone.

Kinuha ko naman saka nagtanong, "Anong sabi ni Mama?"

She shrugged and said, "Nothing much. She said that you'll take care of me while i'm here and drive to wherever places I should go."

Ano?! Ipagdradrive ko siya?

"Oh, and magiingat daw tayo sa byahe. That's all," saka ito ngumiti at tumingin sa labas.

"Wait, what do you mean drive you to places?"

Tumingin siya sa akin ng nakakunot ang noo. "Diba alam mong hahanapin ko yung ate ko dito kaya ako umuwi ulit?"

Ohh. Right.

Pinaandar ko naman agad yung sasakyan at saka umalis sa parking lot. Natahimik din bigla yung kasama ko. Kaya habang bumabyahe, iniisip ko lang kung gaano ako kainsensitive kanina.

Hindi ko naman kasi talaga naalala kung ba't siya nandito. Still, ang hirap siguro mawalay sa sarili mong kapatid. Ako siguro 'di ko kakayanin 'yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 13, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paper Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon