Twenty Four

62 4 2
                                    

Chapter 24

Lorraine's POV

"Hi bae! Good morning," said Jere the jolly. He's in a good mood, huh.

"Ganda naman ata ng gising mo ngayon," sabi ko habang sumasakay sa sasakyan niya.

"Syempre. Umagang-umaga, ramdam ko pagmamahal mo sakin," he said while raising his eyebrows up and down. Umirap na lang ako at saka tumingin sa labas para hindi mahalata na namumula ako.

Nagsend kasi ako ng late message sakaniya kanina pagkagising ko. Dahil 'di na ako nakapag-reply kahapon sa sobrang pagod. Nagbonding ulit kami nila tita Clarisse. I guess my message was a little bit sweet kaya siguro nasabi niya iyon.

"Hello? Earth to Lorraine?" Naputol naman agad ang pagiisip ko ng magsalita siya.

"Ay, may sinasabi ka?"

"Yeah, I said you were blushing kahit na iniirapan mo ko. Nahiya pang kiligin e," napalo ko naman siya sa sinabi niya. Lalo ko lang naramdaman yumg pag-init ng pisngi ko.

"Shut up," I said saka ako nagcross-arms. Tinawanan niya lang ako at nagpatuloy siya sa pagdradrive.

We reached school for like 10 minutes only? I don't know why pero walang masyadong tao ngayon sa kalsada kahit may pasok.

Pinark na niya 'yong sasakyan niya saka ako bumaba. Bigla naman akong nakaramdam ng sakit sa ulo ko at parang umiikot paningin ko.

"Hey, you okay?" Agad sabi ni Jere at inalalayan ako maglakad. Ugh, this feeling is irritating. Parang umiikot 'yong mundo.

"Yeah, nahihilo lang ako at masakit ang ulo."

"C'mon I'll take you to the clinic," he said. I protested and said I'm fine pero he was persistent. Napangiti ako sa kalooban ko dahil nagaalala talaga siya sa akin.

Nang makarating kami sa clinic, agad akong pinaupo ni Jere sa kama at siya na ang kumausap sa nurse. Napahawak ako sa noo ko at sinbukang imasahe baka sakaling mawala ang sakit.

This kind of feeling has been going over for some time. Lalo na pag hindi sapat ang tulog ko, or kaya naman sobrang pagod ako the previous day.

Nilapitan ulit ako ni Jere kasama nung nurse. May dala siyang efficacent oil at saka ito ibinigay sa akin at sinabing ipahid sa ilalim ng ilong at sa gilid ng noo ko. Jere helped me with that task.

"Feeling better?," he asked with a very concerned tone.

Tumango na lang ako saka ibinalik sa nurse 'yong oil.

"Kaya mo bang mag-klase?"

Natawa na lang ako sa sinabi niya, "Chill, it's just an headache. Hindi ako pilay or nilalagnat."

I quickly grabbed his hand and said thank you to the nurse. Malapit nang magstart ang klase kaya tumakbo kami papunta sa klase namin.

Sakto lang kami nakarating sa klase dahil wala pa pala yung adviser namin. Bigla namang may nakapansin ng mga kamay namin ni Jere kaya puro tukso ang binato sa amin.

"Kayo na ba?," tanong ng isa naming kaklase. I was about to say no when Jere answered instead.

"Malapit na," saka niya ako inakbayan at hinalikan ang gilid ng noo ko. Okay, ayan na. Umiinit nanaman ang pisngi ko.

"You're so cute when you blush," he whispered to my ear. Kaya naman nakurot ko siya sa gilid at yumuko. Bwisit 'to, lakas talaga mang-asar.

Lahat sila nangasar nanaman. Samantalang sila BK pinagtatawanan ako sa itsura ko. Kahit gusto kong maging seryoso, natatawa na din ako sa reaksyon ko.

Paper Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon