[A/n: I hope you like it. May dinagdag lang ako dito pero same pa din naman siya doon sa dati. Vote and comment your thoughts hehe :) Enjoy readers! Mwa!]
Chapter 23
Edward's POV
"Pare, pwede ka bang makausap saglit?" Tanong ko kay Flynn ng makasalubong ko siya dito na papasok sa 7/11. Nasa likod ang barkada kaya hindi siguro nila alam na andito si Flynn.
"Hindi mo ba nakikita na may kasama 'yong tao, kuya?," sabi ni ate Daphne sa akin at saka isinakbit ang kanyang braso kay Flynn.
Umigting ang panga ko sa narinig ko at napasara agad ang kamao ko. Kung hindi lang 'to babae, nasapok ko na siguro 'to. Tama nga yung sinabi nila, may pagka-mataray nga si ate Daphne. Pasalamat siya mas matanda siya sa akin kundi...
"Si Flynn po ang kausap ko, at siya po ang tinatanong ko. Pasensya na kung nakakaistorbo man ako sa inyo, pero kailangan ko lang kausapin ang kaibigan ko," saka ko siya tiningnan ng walang kaemo-emosyon. In-emphasize ko talaga yung mga po at yung salitang kaibigan ko.
"Aba sumasagot--"
"Ayos lang, Daphne. Maguusap muna kami ni Edward," aniya saka ito tumalikod at naglakad sa likod kung nasaan ang tropa.
Halatang nagulat ito nang makita niya sila Adrian pero agad din ulit 'to nagseryoso. Lahat kami nagkatinginan at hindi ko alam kung bakit pero nagkaroon ng awkward na atmosphere pagitan sa aming tropa.
"Hoy, sa'n ka galing?," pagsisimula ni Adrian.
Walang nagsasalita, kahit sa pag-kain ng ice cream natigilan sila. Hinihintay nila ang sagot ni Flynn.
"D'yan lang sa tabi-tabi," sagot naman ni Flynn saka niya inilagay ang kanyang dalawang kamay sa kanyang bulsa.
"Ba't 'di ka sumabay sa amin kaninang uwian?," tanong ni Kelly.
"May pinuntahan lang ako saglit."
"Si ate Daphne?," tanong naman ni Lorraine. Alam niya?
"Flynn, gusto mo din ba-- oh. Hello, andito pala kayo." Saka ngumiti si ate Daphne sa amin habang may dalang chips sa kamay niya.
Speaking of the devil. Kanina lang ang taray tapos mabait na ngayon. Mga babae talaga, kahit kailan ang gulo.
Wala ni isa sa amin ang nagsalita. Eto nanaman tayo sa awkward atmosphere. Wrong timing naman kasi 'tong si ate. Tsk.
"Uh, sige. Una na kami. Tara na, Daph," ani Flynn sa hinila si Ate Daphne paalis sa puwesto namin.
"What just happened?" Tanong ni Shenzy.
"Ba't niya kasama si Ate Daphne? Diba 'yon yung nagtapon sa bag ni Raine?" Tanong din ni Mariel. And this time, nakaharap ang mga babae sa aming mga lalaki.
"Aba, 'wag niyo kong tinitingnan ng ganiyan. Hindi ko din alam kung bakit kasama niya 'yong babaeng 'yon," depensa agad ni Adrian. Itinaas pa niya talaga ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko na.
Ako naman ang sunod nilang tinitigan. Kibit-balikat lamang ang sinagot ko para lubayan nila ako sa tingin nila. Totoo naman, hindi ko alam kung bakit kasama niya 'yon. Pero alam kong may rason 'yan kaya aalamin ko.
"Ikaw Jere? Baka naman 'yang katahimikan mo ang nakakaalam kung bakit kasama niya si ate Daphne?" Tanong ni BK sa kaniya. Lahat kami nakatingin lang sa gawi niya. Ganoon din siya sa amin. May alam kaya siya?
Nagbuntong-hininga muna ito bago nagsalita, "Nung huli naming paguusap, napunta ang usapan namin kay ate Daphne dahil inasar ko ito sakaniya dahil nga medyo kalat na sa school ang pagkakagusto ni Ate Daphne kay Flynn. Tapos, sabi niya may gusto daw siyang iba."
BINABASA MO ANG
Paper Hearts
RomanceAno nga ba ang isang puso na gawa sa papel? Sabi nila, ang mga puso daw ng mga tao, dalawang klase lang yan. Isang pusong bato, at isang pusong papel. Ang pusong papel ay isang bagay na madaling masira sa isang punit lang. 'Di katulad ng pusong...